Chapter 1: Not My Type

956 47 2
                                    

WELCOME 2022! 🎉🎇
🤞MANIFESTING POSITIVITY THIS YEAR🤞

Carla 'Arah' Fuentes POV

Screams and cheers of my friends I'm hearing aren't new to me as Dave or David James Imperial enters the stage.

We are currently watching Miss and Mr. Search for Idol Campus and as usual, the well -known and crush of the campus Dave always joins. He's a Business Ad. 4th year student.

I just folded my arms and frown. Yes, he is handsome with an elegant posture, tall and when he walks he looks like a model of well -known clothing brands.

Even though I'm a little attracted to him, I don't like him unlike my best friends who are purely head over heels towards him.

"Hey! Arah friend! Cheer up! Bakit ganyan mukha mo?" Dina asked sharply as I watched silently.I just rolled my eyes.No comment as I already know what she'll say to me.

"You're so boring."

Bigla namang umugong ang hiyawan sa loob ng gym na ikinagulat ko.

"Tsk. Nanalo na naman ang damuho. Ano pa ba ang bago?" I muturred saka hinayaan ang mga naka harang sa harapan ko dahil sa pag tayo.

"Gwapo talaga ni Dave! Pag sya naging boyfriend ko, ako na ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo!" Nagniningning na mga matang wika ni Jelly. Isa din sa mga kaibigan ko.

"Hoy bruha! Gumising ka nga sa katotohanan. As if naman na pumapatol si Dave sa isang kulot at lukaret na katulad mo noh!" Biro naman ni Dina kay Jelly habang pinapanood ko lang sila.

"Hey! Wag ka na ngang pumalag dyan, malay mo diba? Cute naman ako eh." Sagot naman ni Jelly sa kanya sabay kembot ng beywang at nauna ng mag lakad sa aming dalawa.

Napa iling na lang ako. Kahit kailan talaga.

"Ang hangin talaga ng isang yun." Natatawang sambit ni Dina kaya natawa na lang din ako.

"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw kong tanong kay Jelly.

Huminto muna si Jelly saka humarap sa amin.

"Syempre! Saan pa, kundi kay Dave! Liligawan ko lang!" Anito kaya napa halakhak ulit kami ni Dina.

"Let's eat na Arah. I'm kinda hungry." Aya ni Dina sakin kaya tumango ako.

Napa ngiti na lang kami habang naiiling. Si Jelly kasi ang pinaka bibo sa aming tatlong mag bestfriend, joker at masayang kasama.

Si Dina naman ang madaldal at may sense of humor. Marunong itong makisabay at makisama sa ugali ng bawat isa.

While me? I can say I'm a brainer but hindi masyadong exposed sa bawat gala naming magkakaibigan.

Hindi naman ako ganun kayaman 'di tulad ni Dina at Jelly na parehong businessman ang family at hindi din naman kami mahirap.

Kumbaga, average lang tsaka, kaya ako nakapag aral sa sikat na university na ito dahil sa isang scholarship.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. My mom's a doctor sa isang public hospital while my dad passed away when I was a kid.

Though we're not really that rich as in rich, I'm proud to say that we're a happy family.

2nd year college na ako sa kinuha kong kursong Masscom.

Wala sa loob kong kinuha ang tray na may lamang orange juice at burger. Halos puno din ang buong cafeteria kaya natagalan kami ni Dina na maghanap ng vacant na mesa.

Ng makakita ay nagsimula na kaming mag lakad papunta dito habang nag uusap ng bigla akong matisod at maibuhos ang dala sa kung sino man ang naka upo at naka talikod sa harapan ko.

Oh!em!gee! This is a nightmare!

"Oh my gosh!" I shrieked saka napa hawak sa bibig ko. I even heard Dina gasped beside me.

"Shit!" Gulat namang sambit ng binatang natapunan ko ng juice sabay lingon sakin at napa tayo. Basa na ang polo nito dahil sa juice.

Bigla naman akong nataranta and hell, kung minamalas ka nga naman Arah, kay Dave mo pa nabuhos ang juice mo!

Ramdam na ramdam ko naman ng bongga ang galit nito the way he stared at me.

Jusko dai, if looks can really kill. I wish he wouldn't look at me like that.

Nakita ko din na pahiyang pahiya ito sa kausap nitong magandang babae, na nakatulala lang sa nangyari.

"Hey miss.. What's this?!" Galit na tanong nya sabay kuha ng panyo sa bulsa at pinunasan ang basa sa puti nitong polo.

"I'm sorry! Hindi ko sinasadya na matapon ang juice sa damit mo kasi-" Bigla naman nyang pinutol ang sasabihin ko.

"Hey! That's not my point. Kung magpapapansin ka lang, wag sa ganitong paraan!" Bulyaw nito na inis na inis pa rin.

What the actual.....

Bigla namang uminit ang ulo ko dahil sa narinig.

Ako? Nag papapansin? Wtf? At bakit naman?

This guy is freaking unbelievable! Na ha-haggard tuloy ako ng grabe!

Dahil ba sa pagiging crush ng campus ng lalaking ito kaya ganito sya umasta?

I heaved a sigh before looking at him.

"Ano? Ako? Nagpapapansin sayo? Yabang mo rin no? Hindi porket gwapo ka ay lahat na ng babae ay magkakandarapa sayo! Mag so-sorry pa naman sana ako sayo, but since you said that! NO WAY! Buti nga sayo at sa kayabangan mo! Lastly, you're not my type!" Mariin kong wika habang nag pipigil ng sariling hindi masuntok ang isang 'to.

I shot him a deadly glare bago tumalikod at umalis doon. Naka sunod naman si Dina sa likod ko and I think she's still taking it in dahil tulala pa rin ito.

"Wow! Ang taray!" Rinig kong komento ng karamihan sa paligid habang papalabas ako.

Does he think every girl likes him? Heck! Ang taas ng tingin sa sarili.

Sorry sya, I'm not any girl out there na magkakandarapa sa kanya.

~

Happy new year folks! ❤️ Good vibes lang tayo all :)

Keeping You Forever✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon