Napaupo si Mikaela sa sofa na nasa likuran niya out of frustration. "Si mommy naman kasi eh! Ayaw na akong hanapan ng arts tutor! I want to learn more pa naman."

"Maghanap ka ng magtuturo sayo!" sigaw na naman ng tita ko, putek, naiirita na ako sa bangayan nila.

Padabog na umakyat si Mikaela ng hagdan na akala mo, elepante 'yong naglalakad. Pinagalitan siya ni tita pero di niya pinansin. Narinig ko pa nga 'yong pagkalabog ng pinto ng kwarto niya kahit di ko nakita. Hanep ang mga relatives ko. Kanya-kanyang baho.

Ako naman ang umakyat ng kwarto tapos naghubad ng polo at sando. Nagpalit ng shorts—bale, topless ako. Partida, naka-on ang aircon ko niyan.

What a freaking day.

Kanina lang, nakita ko si Brentot with other woman. Tapos nandito na ang kotse ko. Tapos... Mikaela lost her arts tutor.

Biglang may bombilyang sumindi sa ibabaw ng buhok ko, may sound epek pa 'ting!' at nang maisip ko 'yon, napangisi ako. May tunong pa nga eh.

"Hihihihi."

DARLA'S POV

 

Napakasaya ng umaga ko ngayon. Grabe, umaga pa lang, kumpleto na araw ko. Naging sweet na naman kasi si Brent sakin mula pa kagabi. Biruin niyo, hinatid niya ako sa amin at sabay pa kaming pumasok ng school kahit mamayang tanghali pa ang klase niya. Sabi niya, miss niya lang daw gawin yon. Shit lang.

Kasalukuyan akong nasa park ng school, kasama si Denise na natutuwa dahil kinukwento ko 'yong conversations namin kagabi. Masaya kasing tumambay sa park, mahangin dahil maraming puno at malapit sa main entrance ng school.

Habang nagsasalita ako, may tumawag sa phone ko.

"Hello?" tanong ko, di kasi naka-register ang number niya.

"Lumabas ka, wag ka munang makipag-usap diyan."

Nung marinig ko 'yon, nailayo ko agad 'yong phone sa tenga ko at napatingin ako kay Denise. Tinanong niya ako kung bakit pero umiling lang muna ako.

"Sino 'to?" medyo mataray na pagkakatanong ko.

"Labas. Main Gate. Right now."

"Teka," sigaw ko. "Sino ka ba?" Kung makapag-utos naman 'to akala mo kung sino. Bwisit.

"Malalaman mo pag sinunod mo ang sinabe ko."

Di ko pinansin 'yong kung sino mang kupal na 'yon kaya binaba ko na lang tapos nagkwento pa ako kay Denise nang additional details tapos nag-ring na naman, same number.

"Di ka lalabas?" Medyo nananakot pa ah.

Tumayo ako para tignan 'yong labas ng gate na abot lang ng tingin ko rito tapos may nakita akong makintab na kotse sa labas at naka-baba 'yong salamin bandang passenger's seat. Kinuha ko 'yong bag ko at binaba 'yong tawag.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now