Halatang ninerbyos 'yong babae kasi namutla. Di yata kinaya 'yong charms ko.

Nailagay niya 'yong isang kamay niya sa may ID lace. "Ah, ano, Denise." Tapos ngumiti siya. Wow, naka-brace. Hanep 'tong si Brentot ah. Ang hilig sa mga intergalactic na babae.

"I suppose you're with Darla," sabi ko habang kunyari ay hinahanap ko siya sa area. "May sasabihin kasi akong importante."

"She's not here."

Pagkasagot ni Brentot nang diretso sa tanong ko, nag-iba 'yong tingin ko sa kanya at nakahalata naman sila dahil medyo napataas ang kilay ko sa kanilang dalawa. My suspicions were true. I wanted to celebrate.

"Sige, mauuna na kami. May klase pa si Denise."

"Okay."

Dumaan sila sa gilid ko at pagkaalis nila, naayuko ako habang umiiling—at nakangiti. Mukhang may kailangan akong abangan na exciting na love story.

Pagkauwi ko ng bahay, galing sa isang 3 hours na klase, muntik  na akong magtatalon pagkapasok ko ng gate dahil nakita ko na sa balcony 'yong sasakyan ko. Syet. Pag biniyayaan ka nga naman ng langit oh. Dali-dali akong pumasok sa loob para hanapin si Tita Via. Malamang nasa kanya 'yong car keys.

"Ayan! Napaka-brat mo kasi, wala tuloy nagtitiyagang tutor sayong bata ka." Di pa akong nakakapasok sa main door, narinig ko na 'yong high-pitched na boses ni Tita.

"Eeeh! I am not makulit mom! Sila ang may hate sakin! See? They're always giving me projects na di ko naman keri," Sagot ng pinsan ko na nakakatiririt. Pusanggala. Pag nagsama tong dalawa, katapusan na ng kapayapaan sa bahay.

"Excuse me, 'yong susi ko." Singit ko pero humarap sakin ang tita ko nang nakataas na naman ang tattoed eyebrows niya.

"Pwede bang wag kang sisingit sa usapan nang may usapan? Did your parents teach you some kind of manners? Kita mong nag-uusap kami, diba? Tapos mag-i-interfere ka."

"I'm just asking for my keys."

"DI KO IBIBIGAY!" I sighed for a while dahil kapag ganyang mainit ang ulo niya, hindi dapat siya pinipilit o kinukulit.  "Ano na naman bang problema ha?"

"Si mommy!" sagot ng pinsan ko. "She's getting into my nerves na!" I covered my left ear dahil medyo nakakabingi siya.

"Getting into your nerves, ha? Sino bang pasaway dito? Nakailang palit na tayo sa arts tutor mo, then, what happened? Nagki-quit sila dahil napaka-unattentive mong bata ka."

Nagsigawan sila sa tapat ko at nung di ko na kinaya 'yong batuhan nila ng sigaw, tipong nagtatalsikan na mga laway nila, tinaas ko 'yong dalawang kamay ko.

"Okay! Calm down!" I exclaimed. "Para kayong nasa sabungan."

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now