The president wants him dead.

Bago pa man siya makaalis ay tinawag na naman siya nito.

"Huwag na huwag ka ng bumalik dito, Zach," Mr. Tiongzon warned him, "Para sa kaligtasan mo at kay Ms. Julia."

Hindi naman siya kaagad nakapagsalita sa sinabi nito.

He won't see his wife anymore...

"Umalis ka na, Zachary!"

---

Hindi alam ni Zach kung saan siya papunta ngayon. Nakatakas na siya mula sa mga tauhan ng presidente... pero hindi na niya alam kung nasaan siya ngayon.

May mga tao namang napapasulyap sa kanya habang naglalakad siyang mag-isa sa kalye. Lahat ay napapatingin sa may tiyan niya. It was bleeding. Nakahawak din ang kamay niya doon na punong-puno na rin ng dugo... Hindi pa rin gumagaling ang mga sugat niya. Kumikirot pa rin ang dalawang balikat niya na binaril din ng mga tauhan.

Is he really going to die now?

Mamamatay na ba siya?

Ni hindi man lang niya nakita ang asawa niya...

Pero... alam niyang ligtas ito. Mas mabuting hindi sila magkasama dahil alam niyang mas ligtas ito kapag wala siya...

Kasi hindi niya ito kayang protektahan.

Unting-unti namang lumalabo ang paningin niya. Pagod na siya. Pagod na pagod na siya.

Mas mabuting mamatay na lang siya.

Napaluhod naman siya at muling napatingin sa duguan niyang kamay... Hindi na niya kaya.

Tuluyan na nga siyang bumagsak.

This is what the president wants... his death.

"Jordan!"

Nakarinig naman siya ng isang sigaw. But he was too tired.

He wants to die.

---

"Ma, gusto ko lima anak natin." Sabi niya kay Julia habang nakayakap ito sa kanya. Nasa kama na kasi silang dalawa at pagpatulog na. Kailangan kasi nilang matulog ng maaga dahil sa madaling araw ay papalaot na sila ni Mang Lucio upang mangisda.

Humagikgik naman ito. He really loves her voice, it was always angelic, "Ikaw talaga, Pa! Ang landi-landi mo. Ikaw kaya manganak. Lima pa talaga gusto mo."

Natawa naman si Zach sa sinabi nito, "Sige, apat na lang," He then playfully kissed her nose, "Matulog na tayo, love you, Ma."

Julia then smiled, "Mahal din kita, Pa."

...

"Julia!" Kaagad namang nagising si Zach at napaupo. Napahawak naman siya sa ulo niya. Nanaginip naman siya. He dreamed of his wife... again.

Pinagmasdan naman niya ang buong paligid niya. Puti na naman. Naramdaman naman niya ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. He was in a hospital. Napansin din niyang gumaling na ang mga sugat niya. Wala na siyang maramdaman na sakit.

Ilang araw na ba siya doon?

Maya-maya'y may pumasok namang isang matandang lalake sa room niya. Nakawheelchair lang ito. But the old man looked very familiar to him... he couldn't remember him exactly... pero parang kilala niya ang lalakeng nasa harapan niya ngayon.

Bleeding Royalty (Finished)Where stories live. Discover now