♥Chapter 3♥: Kidnap

Start from the beginning
                                    

“Sir, pinapatawag niyo po ako?”

“Oo…” nagbuntong hininga siya. “Ano ka ba naman Kyungsoo! Bat mo naman tinaasan ng boses ang isa sa mga V.I.P natin ha, hindi mo ba alam kung sino yun? Si Kim Jong In in short ang CEO ng E.T company.” Shit, siya may ari nun? Bang yaman naman niya.

“Eh sir hindi mo ba alam ang ginawa niya sakin? Nirape niya ko!”

“Wala akong pakielam, hindi mo ba alam sa ginawa mong yan nawalan tayo ng isang mahalagang client.” Napayuko ako.

“I’m sorry to say this, but you’re fired.” Umalis siya at iniwan ako sa office niya na nakatulala lang.

PAKING TAPE! KASALANAN NIYA LAHAT TO! Ngayon wala na kong trabaho eh ngayon pa naman ang bayaran sa inuupahan kong bahay fuck shet! Kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan ang isa sa mahahalaga kong tao sa puso ko.

“Chanyeol! Chanyeol! *sniff* Kailangan kita…”

Kai’s POV

 

Argh… what a mess. What’s wrong with him? It’s just money.

“Hay wawa naman ang mga bebe ko.” Isa isa kong pinulot ang mga pinahahalagahan kong pera.

I love money more than anything… total nawala na rin lang ang minamahal ko sa buhay…

Oh well, kailangan ko na to mapasa ngayon.

Nasa office na ko ngayon at hindi ata mawala sa isip ko ang pagmumukha nung lalaking yun. Ano nga bang pangalan niya?

“Jongin! Kanina pa kita tinatawag, ano bang nangyare?”

“Kris… may nakita akong kamukha niya.”

“Ha? Sinong niya?”

“Si Kyung-“

“Please don’t say that name. Alam mong matagal na siyang patay, impossibleng mabuhay pa siya after that accident.” Napahiga ako sa kinauupuan ko, yes that’s impossible.

Matagal ko na siyang kinalimutan pero ang pagmamahal ko sa kanya andito parin… Kyungin… why do I still love you, after all this years?

 

D.O’s POV

“Oi, oi, oi! Tama na yan nakakailang bote ka na ah.” Pigil sakin ni Chanyeol.

“Tol! Wala na kong trabaho! Pano na ko ngayon? Nga nga?” hay idadaan ko na lang to sa inom.

“Sige na nga ilabas mo lang yan. Andito ako.” Hinimas himas niya ang likod ko at napagaan naman niya ang pakiramdam ko.

“Buti na lang talaga may kaibigan akong katulad mo.” Napahiga ako sa balikat niya.

Hindi pwede to kailangan ko ng trabaho.

Kena Chanyeol muna ako natulog. Pagkagising ko ay kumain agad ako at umalis.

“San ako maghahanap ng trabaho? Buset naman o.”

Pinuntahan ko na lahat ng pwede kong pasukan pero wala eh.

“Hayy…” napainom na lang ako ng coca cola softdrinks.

Hindi dapat ako sumuko! Kaya ko to, fighting!!

Tatayo na sana ako ng may dumaan na malaking itim na van sa harapan ko at nasilabasan ang mga lalaki sa loob.

“Eh??” hinawakan nila ang magkabilang kamay ko at tinakpan ang bibig ko.

Shit! Pumipiglas ako kaso bang lalakas nila at may nakalagay ata sa panyong nakatakip sa bibig ko.

Onting onti akong nawawalan ng malay… bakit ba ang malas ko ngayon?

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now