PROLOGUE

757 73 30
                                    

Pagpasok pa lang ni Venus sa isang makaluma ngunit magandang bahay na ginawang dormitoryo ay bumuluga sa kanya ang mga kasamahan niya na katabi ang kani-kanilang kasintahan.

"I love you hon!"

"I love you too hon!"

"Babe, tukmol ka ba?"

"Gago ka ba, kailan ako naging tukmol?!"

"Ito naman si babe, nagpipick-up line lang naman ako!"

"Tse, pick-up line your face!"

Paglabas ng landlady mula sa kaniyang bahay ay agad nang nakapamewang ito at tinitignan ng masama. "Ang lalakas ng mga bunganga niyo hoy, pauwiin na ang mga jowa niyo bago magsara itong dormitoryo ng alas-diyes ng gabi!" pagpapaalala ng landlady sa mga jowang naglalampungan at bumalik muli sa loob.

"Palibahasa itong matanda, walang asawa!" medyo iritang pagsabi ng isang babae na nakaputing sando at kita na ang cleavage nito. Bumalik naman sila sa paghaharutan nila

"Talagang ito mga babae parang mga kiti-kiti kapag kasama ang mga nagpapalakas ng tibok ng puso nila, pero kapag wala mga pabigat naman dito sa dormitoryo." malakas ang pagbulong ni Venus para marinig ito.

"May sinasabi ka?" mataray nitong pagsaad, habang ang isa pang babae na nakaitim na t-shirt ay nakatingin ito na parang tatawag ng away kay Venus.

Hindi na lamang ito pinansin at naglakad papasok sa kanyang kwarto. Pagbungad nito ay ang kasama niya sa kwarto na si Vanessa ay may kakaibang ginagawa sa kanyang kasintahan.

"Ehem!" pagtikhim nito para maagaw ang atensyon nito ngunit hindi ito narinig ng kasama niya sa kwarto.

Hindi lang ulit ito binigyan pansin at tinungo ang kanyang pwesto at inilapag ang mga dala niyang school supplies na halos kasing bigat ng isang sako ng bigas.

Napatihaya na lang si Venus sa kama dahil sa kama. "Kakapagod ngayong araw!" bulong nitong singhal.

Umayos na ito ng higa at tinitignan ang mga kasamahan niya sa dormitoryo na lahat ay busy sa kani-kanilang mga kasintahan.

Kailan kaya ako magkakaroon ng ganun?

Kailan ako magkakaroon ng Mr. Right?

"Mahal din kita!" malakas na pagtili ni Vanessa dahil sa kilig.

"Hoy Vanessa, huwag ka na nga maingay!" pagsita ng landlady kay Vanessa.

"Pasensya na po sa inyo madam!" sarkastiko nitong pagtawad. "Palibhasa kasi matandang dalaga at walang nagdidilig sa kanya." inis na pabulong nito bago makapasok sa loob.

"Grabe Venus, 'yung mga school supplies mo nagkalat!" reklamo pa nitong saad habang nililigpit ang mga pinamili ni Venus na school supplies.

"Sorry naman Vanessa, pagod na talaga ako kanina sa pamimili!" pagtawad ni Venus sabay hikab na bakas sa kanyang mukha na paramg nalantang gulay.

"Oh siya, ako na bahala rito mag-ayos at maaga pala ang pasok natin bukas sa Amersia." patuloy pa nitong pagliligpit ni Vanessa sa mga pinamiling gamit.

Si Venus ay patuloy pa nitong nakatulala sa isang puting kisame ng kanilang malaking kwarto.

"Siguro, kulang ang buhay ko kapag walang jowa." wala sa wisyo nitong pagsaad. Ang ulo ni Vanessa ay napadireksyon kay Venus na nakahiga sa kama.

Napag-iiwanan na ba ako?

As Venus busy herself staring at the couples inside of dormitory, she didn't realized that her drowsy eyes started closing by itself.

-------
A/N : Ang aking pagbabalik. Tsaka makikita niyo sa taas ang una nitong Bookcover. :)

~ Senyor :))

Say "Baby I Do"Where stories live. Discover now