Baka akala niya nababaliw na ako. Ha, kay Catacuts pa?



"Whatcha doing?" he grinned. "Ang bilis matago ng phone ah." Nanlamig ako bigla.



"Wala, nagbasa lang ng text," I scratched my nape.



Siniko niya ako nang medyo malakas. "Sus, nanunuod ka ng porn noh? Bago ba 'yan?"



"THE FUCK, PETER!" Sigaw ko tapos umiling lang ako sa sinabe niya. "Wag mo nga akong itulad kay Ully na porn-addict. May kahihiyan pa naman ako."



Katahimikan. Kaya, nakahinga ako nang sobrang luwag pero out of the blue, nagsalita na naman siya at halata kong ako ang kinakausap niya kaya lumingon ako.



"Nakita mo si Darla?" sobrang lakas pa ng boses niya kahit maingay sa loob.



"Hah?" that was my initial reaction.



"A'yon oh," sabi niya habang nakaturo sa bandang gilid ko.



Paglingon ko—di ko alam kung bakit ako napalingon—nakita ko sa likuran ko 'yong isang bading na naglalakad tapos napatingin pa sakin at nag-smile. Shit, goose bumps.



I glared at Peter,"Kadiri ka p're."Nag-grin si Peter sa di malamang dahilan tapos umiling-iling pa siya sakin. Anong problema nito? Konyatan ko kaya siya?



"Wag ka ngang ipokrito pre. Hahaha!" I didn't get it.



"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit biglang na-involve yang babaeng yan all of a sudden?" tanong ko habang nakasalubong kilay.



"Wala lang." Ngumisi na naman siya,"Eh ba't ka lumingon?"



"Nagturo ka eh." Simpleng katwiran ko. Totoo naman, eh. Kung di sya nagturo eh di sana di ako lumingon. Tae, simpleng logic di pa makuha. Kaibigan ko ba 'to?



Di na siya nagsalita tapos akala ko, mag-oopen siya ng bagong usapan pero tungkol kay Catacuts na naman. "Kumusta na kayo ni Darla?"



"Kung makakumusta ka naman, di kami friends." Sarcastic na sagot ko.



"Di na ba kayo nagkikita?"



"Di na," naiiritang sabi ko. "Tsaka nasoli ko na 'yong pera, bakit ako makikipagkita. Namamalas ang buong araw ko pag nakikita ko siya."



"Okay."



Nawirduhan na ako kay Peter. Walangya 'to, ano kayang nakain nito at ganito makipag-usap? Baka naman di si Peter 'to?



Bumalik 'yong tingin ko sa dance revo na may panibago ng players. Isang babae at isang lalake. I began to stiff my body when I recognized the guy. Siya 'yong pinagmamalaking boyfriend ni Catacuts. Nakita ko 'yong mukha niya nung namimili sila ng tugtog na sasayawin.



I shook my head. Don't tell me magkikita na naman kami ni Catacuts dito?



Lumingon ako kay Peter. "P're, kurutin mo nga ako, dito." Tinuro ko 'yong pisnge ko tapos binigyan niya ako ng disgusted look.



"Are you on drugs?" He laughed disgustedly. "No way."



Hindi ko na siya pinansin kaya kinurot ko 'yong braso ko—masakit naman. At totoong boyfriend nga ni Catacuts ang nakikita ko. Nung nagsimula na ang tugtog, pinagmasdan ko 'yong babaeng kasama niya. Maliit, may kulay ang buhok at tan ang kulay.












Hindi 'yon si Darla.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon