At wala na akong paki sakanya dahil tapos na. Asa pa kayong may love story kami? No way.




"Nakakaasar talaga 'tol! Ang baba nung composition ko!" reklamo ni Luis na kasama namin ngayon sa arcade.



Pagkarinig ko nung sinabe niya, inalis ko naman 'yong tingin ko sa mga babaeng naglalaro ng dance revo—mga 3 meters ang layo samin—dahil wala naman silang sense magsayaw. Well, di ko naman sinasabing dancer ako. Ang huling sayaw ko yata eh nung cotillion pa namin nung JS. Tch.



"It's alright, may karamay ka," sagot ni Ully sabay apir kay Luis kahit naglaro sila ng xbox. Mukha silang tanga.



I crossed my feet at the ankles while standing against the wall. "Tanga-tanga kasi kayong gumawa ng kanta," biro ko habang pinapanuod ko sila. "Mga walang sense ang lyrics."



Actually kanina pa ako nanunuod sa mga kaganapan dito. Sinubukan ko namang maglaro pero walang kwenta kaya nanahimik na lang ako. Badtrip kasi, dito pa naisipang magpalipas oras 'tong mga 'to. Ang boring pa—mga jejemon lang naglalaro rito.



"Tignan mo to. Nakakuha lang ng uno, nagyayabang na," sabi ni Ully habang nakangisi.



"Puro kasi kayo chicks!" sagot ko. "Minsan mag-aral din kayo."



"Sayo talaga nanggaling 'yan ah?" sabat ni Luis at natalo siya sa nilalaro niya.



Habang hinahayaan ko silang nagkakalat ng lagim sa arcade, nagbusy-busyhan naman ako sa pag-iiscroll sa cellphone ko. Kahit ano lang. Nung mapunta akong images, natawa pa ako sa mga stolen shots ko sa kanila. Pagka-tap ko ulit ng screen, nakita ko 'yong pinicturan kong ID ni Catacuts. Tinap ko ulit para malipat kaso biglang bumalik—napindot ko ata.



Hinold ko 'yong screen tapos lumabas 'yong options. I was about to delete the picture pero nag-cancel ako. Zi-noom ko 'yong ID. Do'n banda sa mukha niya.



"Grabe, nunal talaga siya," bulong ko habang nakangisi. Siguro natapilok na'yon dahil sa nasabi ko.



"Uy!" Napa-ninja moves ako nang tapikin ako ni Peter mula sa likod at halos tumalsik ang phone ko sa tiles.



"Mag-ingat ka naman!" sabi ko agad tapos sinuksok ko 'yong phone sa bulsa ng pants ko. Nabasa ko sa ngiti niya na parang nakita niya 'yong ginagawa ko kanina pero hopefully, hindi.

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now