Tinitigan ko yung mga mata niyang walang salamin at alas! Siya nga si Kryshll. Pero pano nangyari iyon? Pano siya nag-transform mula sa Ugly Duckling at naging Swan Princess? Ang ganda niya ngayon! Di ako makapaniwala. Jaw drop ako sa nakita ko. Hindi, hindi talaga siya yun!
“ Ang ganda niya pare. Ang lambot ng katawan! Sino siya? Puuntahan natin mamaya! ” Sabi nung lalaki sa likod ko.
“ Sige pare, diskartehan natin. ” Sagot nung isa.
“ Back off. ” banta ko sa kanila. Nagulat sila kaya um-oo nalang sila. Shit, siya ba talaga yun?
“ Dude, tinamaan ka na ata sa kanya ah! ” Asar ni Josef.
“ Hinding-hindi mangyayari yun. Baka manyakin lang siya ng mga lalaking yan kaya pinagbawalan ko. ” Palusot ko.
“ Eh ikaw, muntikan mo ngang halikan siya noon eh. ” Hirit ni Christian.
“ Shut up. Tinakot ko lang siya. ” Palusot ko ulit. Kainis! Kryshll Xyz Ruiz, natalo mo nanaman ako. Nakaka-banas ka talaga!
“ Fine. Imposible naman kasing magka-gusto ka sa kanya diba? ” Hirit ni Josef.
Oo nga. Sobrang imposible. She’s not my type. Definitely not!
Christian’s POV
Shiiiiiit! Si Kryshll ba talaga iyon? Bakit ganun, habang tumatagal, nagugustuhan ko siya at lalo akong napapaibig niya kahit sa simpleng galaw niya lang. Itinatago ko nalang sa barkada ko ang lihim kong pagkagusto sa kanya. Ang hirap pero kailangan. Lalo na kay Ethan. Kryshll, kailan ba mawawala ang atraso mo kay Ethan para pwede na tayong dalawa. Shit! Ayun, natapos na ang presentation nila. Ang galing niya palang sumayaw, nakaka-inlove lalo. Naglalakad ako sa may hallway papuntang backstage dahil naiwan ko yung wallet ko dun. Sana, hindi nawala. Nakasalubong ko silang magkakaibigan na naglalakad palabas.
“ Krysh! ” Tawag ko sa kanya. Tumingin ka naman please! Tumingin siya! Yes! Alam kong nagulat siya sa pagkakakita ulit sa akin.
“ Krysh, tara na dali! ” Sabi ni Juriel. Rinig na rinig ko dahil alam kong iiwasan nanaman nila akong lahat.
“ No Jam. I can handle this. ” Sagot niya kay Juriel. Sabay tingin ulit sa akin.
“ Yes? What can I do for you? ” Tanong niya.
“ Hindi mo na ba talaga ako naaalala? ” Sabi ko sa kanya.
“ Sorry, pero hindi eh. Classmates ba tayo nung gradeschool? ” sagot niya ulit.
“ Krysh, alam ko namang nagkukunwari ka lang eh. Please, kausapin mo na ako ng matino. ” Pagmamakaawa ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
“ Fine. What do you want, Chris? ” Yes! Sabi ko na nga ba eh, kunwari lang iyon.
“ Salamat Krysh. Sorry na sa nagawa ko. Alam kong shocked ka na isa pala ako sa barkada ni Ethan. Na isa ako sa nangharang sayo sa likod ng school. Wala akong magawa eh. Hindi ko kayang kalabanin si Ethan. He’s powerful. ” Paliwanag ko.
“ Why Chris? Puppet ka ba niya at ganun ka nalang makasunod sa kanya? Mayaman ka rin naman diba? You can live without him. ” Sagot niya sa akin.
“ Pero magkakaibigan na kami since bata palang. Hindi mo na maalis yun sa amin. ” Paliwanag ko.
“ Fine. Enough with the explanations, Chris. Yun lang ba ang kailangan mo sa akin? ” Sabi niya.
“ Oo. Gusto ko lang mag-sorry. Ok na ba tayo? ” Sabi ko sa kanya.
“ No. ” What?!
“ Bakit? ” tanong ko.
“ Kasi isa ka sa kanila, Chris. Hindi mapagkakatiwalaan ang taong katulad niyo. ” Sagot niya.
“ What? Pero iba ako sa kanila. Please Krysh, sana maniwala ka. ” Sabi ko.
“ Nice try, Chris. Hindi niyo kami maloloko. Sige ha, may pupuntahan pa kami eh. Bye! ” Sabi niya at umalis na sila.
“ Krysh! Wait lang! ” Pero it’s too late. Nakalayo na sila. Krysh, maniwala ka naman sa akin. Ano bang pwede kong gawin para magtiwala siya sa akin? Kahit magumpisa lang kami sa magkaibigan, ok na. At least, may tiwala na siya sa akin. Ano bang pwede? Isip Christian, isip!
“ Aha! Alam ko na! ” Sabi ko sabay snap ng fingers.
YOU ARE READING
Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]
Teen Fiction[TAGALOG] This is not another Romeo and Juliet love story, nor Aladdin and Jasmine. Not even close to Jack and Rose’s, Noah and Allie’s, Edward and Bella’s, Landon and Jamie’s or Harry and Ginny’s. This is a story of a girl who fell in love and was...
Chapter 13 - Last Day Fair
Start from the beginning