Chapter 13 - Last Day Fair

Start from the beginning
                                    

 

Oh, anong nangyare sa inyo? Pangit ba itong suot ko? Hindi nga ako komportable eh. Sobra kasing maikli ang palda at hindi naman ako nagdadamit ng ganito. Naku, sorry talaga masisira ko ata yung sayawit natin. Kung gusto niyo, iba nalang ang maging lead.  ” Paliwanag ko. Nakakahiya, baka masira ang sayawit namin!

 “  Naku Krysh! Ang ganda-ganda mo ngayon! Ikaw ba yan? Hahaha. Di kami makapaniwala. Try mo kayang magayos nalang parati, tiyak Diyosa ka na sa kagandahan! ” Ano ba naman si Mika. Nambola pa. Hahaha

So, hindi siya panira? ” Tanong ko. 

Anong panira? Baka dumugin ka nga ng mga lalaki jan eh. Ang ganda mo kaya! Tara na, ready na tayo guys! “ Sigaw ni Shay.

Haaaay, nakahinga na ako ng maluwag dun ah. Shemay gulay! Akala ko, fail na itong damit na ito eh. Si mama kasi, kung anu-anong damit ang binibigay! Haaaay, tinawag na ang section namin at lumabas na kami. Wow! May fog effects pa talaga.

 

Tok, tok, tok, tok! ” Cue yun nung drumsticks ni Joyce. Start na! 

Ethan’s POV 

Ayan, natupad na ang gusto ni Paolo. Napalagay ko na yung pera sa locker ng isa sa kaibigan ni Krysh. Sayawit nga pala kaming batch ngayong year. Banas naman itong F4 thing na ito. Issue nanaman ito sa magiging leading lady dun sa sayaw eh. Ano kaya ang presentation ng Class C? Ano kaya ang gagawin ni Kryshll dun? Bwisit na babaeng yun. Pinahiya ako. Buti nalang at walang ibang tao sa paligid, kung hindi, patay na. Hah! Ilang buwan ko rin siyang pinatahimik ano! Kung may gagawin ulit siyang ikakapahiya ko, dun na talaga siya malalagot. Ayan na, Class C na ang magprepresent. Nag-cue na yung drummer girl at lumabas na yung ibang tao. Hindi siya singer, guitarist or pianist. Baka backup dancer lang siya. Hahaha! Wala palang binatbat sa akin. Kala mo kung sino. Pero lumabas na ang lahat, di ko parin siya nakikita. Asan kaya siya? Baka nahihiya dahil walang kayang gawin. Hahaha! Panalo ako ngayon, Kryshll. Hahahahaha! 

 

Dude, asan yung babaeng pinagtripan mo jan at pinahiya ka lang? ” Asar naman sa akin ni Josef. 

Malay ko! Baka walang talent kaya wala siya jan. Hahaha. ” Sagot ko sa kanya. 

Hahaha. Siguro nga. Wala palang binatbat yun eh. ” Sabi sa akin ni Josef. 

Dude, baka may sakit lang kaya wala. ” Eto nanaman si Mr. Mamon Heart! 

Wala lang siyang talent! ” Sabi ko sa kanya. Habang nakikipagtalo ako dun sa mga kaibigan ko, may isang lalaki ang nagsalita sa likod namin. 

Uy, kilala niyo ba yung lead dancer nila? Ngayon ko lang siya nakita eh. Sino yun? Ang ganda niya mga pare. ” Sabi nung lalaki sa kasama niya. Napatingin kaming magkakaibigan sa lead dancer. 

“  Teka, pamilyar sa akin iyang mata na yan ah! ” Sabi ni Paolo. 

“ Tama! Si Kryshll yan! ” Kryshll? Yung lead dancer? Impossible! 

Oo nga ano! Siya yan! Shit dude, ang ganda niya ngayon. ” Sabi ni Chris. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Where stories live. Discover now