Chapter 7

1.3K 40 1
                                    

Pagdating namin sa studio ng BigHit dito sa Pinas, hindi daw kasi ito ang mismong studio ng BigHit. Kumbaga sa mga convenience store ay branch lamang ito. May mga hinahawakan din pala silang artist na Pilipino kaya nagkaron sila ng branch dito.

Pumasok na kami sa isang opisina kung saan may bumungad sa amin na 6 na babae nakaupo sa couch at isang lalaki na nasa may table at nakaupo sa isang swivel chair.

"So.. Shall we start?" tanong ng lalaking nakaupo sa swivel chair.

Umupo na kami ni Shane sa bakanteng couch. Punung-puno ng mga pictures ng mga koreano ang opisina na ito. May mga nakita pa akong sikat na mga artistang Pilipino! Ito siguro ang mga hina-handle nilang artists.

Tumingin sa akin ang isang babae at tinaas ang kilay niya. "Bakit 8 kaming girls? Di ba dapat 7 lang? Ano? Kay Bang Pdnim 'yung isa?" maarteng tanong nito sa habang nakatingin sa amin.

"Oo at ikaw ang para kay pdnim." tumawa yung lalake at ganon din si Shane. "Wag ka ngang excited."

"Whatever." sabi ng babae sabay irap. Sapakin kita dyan eh.

"Ok guys, kayo ang top 7 na napili ng kompanya namin na papasok sa trabahong "Baby Sitting BTS" so let me discuss this." aniya sabay pakita ng mga papel na mukhang mahalagang dokumento.

Nagtaka naman ako sa sinabi niyang kaming 7 ang napili ng kompanya. Paanong napili ako eh wala naman akong ginawa ah? Tsaka di man lang nga ako nakapagpasa ng resumé na pinakakailangan sa lahat.

"Ako ang nagpa-asikaso ng mga kakailanganin mo. Noong nakaraang linggo pa." bulong ni Shane sa akin.

Nilingon ko siya at ngumiti siya sa akin. Thank you talaga bes! Dami ng naitulong ng isang 'to sakin.

"Okay, base dito sa contract, you have 7 years contract under Bighit Entertainment. Para fair, bubunot kayo ng pangalan ng aalagaan at babantayan niyo. Naniniwala naman kaming kaya niyo dahil mababait naman ang BTS." sabi 'nung lalaki.

May ipinalita siyang bowl na may laman na 7 papel 'yun siguro ang bubunotin namin.

Nagsimula na silang bumunot ng mga pangalan hanggang sa isa na lang ang natira at ako na lang ang hindi pa nakakabunot.

Pagkabunot ko, di ko muna binuksan. Habang 'yung iba kong kasama, sobrang saya pero may isang malungkot dahil sa nabunot niya.

Sana hindi lang ito 'yung lalaking nakabanggaan ko. Please Lord. Please.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino ang nabunot ko. May nakalagay na "PARK JIMIN :)"

"Sino nabunot mo bes?" tanong ni Shane sabay dungaw sa hawak kong papel. "Omg bes! Ang swerte mo! Alam mo bang sobrang pangarap 'yan ng lahat?" aniya.

"Sino ba 'to?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko kanina hindi dahil kilala ko 'yon, wala nga akong pake sa kanila di ba? Nanlaki ang mata ko dahil di ko 'yun kilala.

"My god Faye! Pinakilala ko na sila sayo di ba?" aniya.

"Malay ko bang makakalimutan ko?" sabay taas ko ng kilay.

"Siya 'yung nadaganan mo." pabulong niyang sinabi. Para bang ayaw niyang marinig ng iba.

Nanlaki ulit ang mga mata ko! What the hell? Tadhana, pano mo nagawa sakin 'to? Bakit sa pitong miyembro ng BTS, bakit siya pa? Bakit hindi nalang 'yung mukhang anghel?

"Okay. You will start next week. Pero pupunta tayo sa dorm nila bukas dito sa Pilipinas para makilala nila kayo at malaman niyo kung saan kayo matutulog." sabi nung lalaki at tumayo na.

Pinapirmahan niya na rin sa amin ang kontrata kanina. Naglahad siya ng kamay sa amin at isa-isa namin 'yung tinanggap. Nagpaalam na din agad ang ibang kasama ko na aalis na sila at babalik nalang bukas.

Naiwan kami ni Shane at yung lalakeng hanggang ngayon di pa rin nagpapakilala. Astig nga eh. Kinausap niya kami kanina pero di man lang siya nagpakilala. Cute pa naman siya.

"Salamat talaga Jack sa pagtulong kay Faye." tuwang tuwa na sinabi ni Shane sakanya.

Siya pala si Jack.

"Walang anuman, Shane." nakangiti nitong sinabi kay Shane. "Snack tayo sa canteen?" yaya ni Jack sa amin. Tumango si Shane at hinila na ako palabas ng opisina na iyon.

Umakyat kami sa 2nd floor dahil nandoon daw ang canteen. Hindi naman maliit ang studio na ito pero hindi rin naman ganoon ka laki. Makikita mo sa paligid ang mga pictures ng mga Korean at Filipino artists na hina-handle nila kagaya ng nakita ko kanina sa opisina ni Jack.

Panay ang usap nina Jack at Shane habang ako ay patingin tingin lang sa paligid. Walang elevator ang building na 'to dahil hanggang 2nd floor lang naman kaya hagdan ang ginamit namin.

Pagkaapak namin sa 2nd floor, may nasalubong kaming isang pamilyar na mukha. Teka? Saan ko nga 'to nakita?

"Oh Taehyung? San ka pupunta?" tanong ni Jack sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Naalala ko na! Siya 'yung mukhang anghel na nakita ko sa picture na ipinakita ni Shane sa akin. Kung sa picture mukha syang anghel, ngayong kaharap ko na, nasisiguro kong anghel nga sya!

"Magpapahinga lang ng konti sa baba. Alam mo na, todo practice para sa concert few weeks from now. Medyo naparusahan kami dahil don sa issue ni Jimin eh kaya pagod na pagod kami kakapractice. Napagalitan pa nga sya nang husto ni Pdnim dahil don eh." natatawang sinabi 'nung V.

"Ah...." napatingin si Jack sa akin. "Sige na.. Punta na kami sa canteen."

"Okay." kumaway si Taehyung sa amin at umalis na kami. Pumasok na kami sa canteen at nag order ng pagkain. Sagot naman ni Jack kaya di na mababawasan 'yung pera ko.

Nag-umpisa na kaming kumain habang panay naman ang dada ni Shane.

"Ang pogi pogi talaga ni Taehyung. Sayang di man lang niya ako pinansin." nag sad face pa siya.

"Ano ka ba? Syempre di kita pinakilala. Kaya nahihiya din 'yong tanungin ka. Para kang ano." tumawa si Jack.

"Ano?" tanong naman ni Shane.

"Wala nevermind. Don't worry. Next time ipapakilala na kita sakanya."

Nanlaki ang mga mata ni Shane. "Talaga Jack? Thank you! Baka pwedeng kay Jungkook din?" tumayo pa siya at niyakap si Jack.

Honestly, bagay silang dalawa kaya lang sa nakikita ko, mukhang si Jack lang ang may gusto kay Shane pero si Shane? Wala.

Tumayo ako at nagsalita. "Cr muna ako. Uhmm.. Sir Jack.. San po 'yung cr dito?" tanong ko.

"Wag mo na akong i-sir. Jack nalang. Paglabas mo ng canteen kumaliwa ka lang tapos kanan. Makikita mo diyan yung kwarto na pinagpapraktisan ng BTS tas sa gilid ng kwarto na 'yan, nandyan na 'yung cr." paliwanag niya.

Aalis na sana ako pero tinawag niya muna ang pangalan ko kaya napatingin ako sakanya.

"Ingat ka diyan ha. Baka makasalubong mo si Jimin. Playboy pa naman 'yon." aniya at tumawa.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sana nga wag ko lang makasalubong 'yun. Natatakot na ko.

Habang papunta ako doon sa sinabi ni Jack, palingon lingon ako sa paligid dahil baka nga makasalubong ko 'yung Jimin. Dahil sa paglingon lingon ko, di ko nakita na may mababangga na pala ako kaya natumba ako.

Pagtingala ko, nakita ko ang mukha ni Jimin na nakangiti. Omg!

Inayos ko ang salamin ko at dali-daling tumayo at tumakbo papasok sa cr.

Sobrang lakas ang tibok ng puso ko. Siguro ay kinabahan lang ako ng bongga.

Hays. Chill Faye.. Nagkasalubong pa lang kayo halos mamatay ka na sa kaba.

Ano pa kaya kapag nasa iisang bahay or worst ay nasa iisang kwarto na kayo?

A Life With Park Jiminحيث تعيش القصص. اكتشف الآن