Chapter 32

1K 30 0
                                    

Nag inuman kami nang gumabi na. Sabi nila ay wala naman silang gagawin kinaumagahan kaya dito na sila matutulog.

Hindi ko masyadong makita ang pagbabago sa pagmumukha ng BTS dahil halos buwan buwan naman silang bumibisita dito.

"Cr lang ako." sabi ko at naglakad patungong cr.

Hindi ko dapat maramdaman ito, right? Mahal ko si Brian tapos mahal ko pa rin si Jimin? Really? Akala ko ba hindi ko na sya mahal?

Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Shane na nakapamaywang habang nakaharap sa akin.

"Halata ka." aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong halata?

"Ha?"

"Halata ka! Ano ba, Faye? Kung mahal mo pa si Jimin, ibreak mo na si Brian. Hindi mo kailangang gawing panakip-butas si Brian!" nagulat ako sa biglang pagsigaw nya sa akin.

"Mahal ko si Bri--"

"Pero mahal mo rin si Jimin! Isa lang, Faye! Hindi pwedeng dalawa!" mariin nyang sinabi.

Niyakap ko sya bigla. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang nagawa. Siguro dahil alam kong sya lang ang makakatulong at makakaintindi sakin.

"Bakit pagkatapos ng pitong taon, hindi ko pa rin maipagkakaila na mahal ko sya?" umiyak ako sa balikat ni Shane. She's the only one who knows everything about me.

"Faye?" sa gulat ko ay napakalas ako ng yakap kay Shane. It was Brian who called. Parang bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Narinig nya? Oh my god narinig nya ba?

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay nya. Tiningnan ko sya sa mga mata nya. Nakita kong nangingilid ang luha sa gilid ng kanang mata nya habang nakatingin sa akin. Narinig nya.

"Bri-"

"Totoo ba?" nagulat ako nang sumigaw sya. Tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya.

"Bri let's tal-"

"No, Faye! Sagutin mo ko! Sagutin mo kong hindi totoo ang narinig ko!" mas lalong lumakas ang sigaw nya. Buti na lang at malayo ito sa garden kung saan kami nag-iinuman. Nakakahiya naman sa BTS.

"Bri, yes but I-"

"So, totoo nga? Okay lang naman sana, Faye eh. Kung sinabi mo lang nang maaga. Pero, Faye yung ganito? Sobrang sakit. Alam mo bang mahal na mahal kita? Alam mo ba? Hindi ka ba masaya sakin? Minahal mo ba talaga ako? Di bale. Sabi nga nila kapag mahal mo, hahayaan mong maging masaya. Kaya, sabihin mo sakin, magiging masaya ka ba kapag pinalaya kita?" nagulat ako don.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nangyayari.

Hinawakan nya ang magkabilang braso ko. Napatingin ako sakanya at tiningnan nya ako pabalik sa mga mata. Nakikita kong nangingilid na ang luha nya. Para bang sobrang nasasaktan sya sa ginagawa ko.

"Faye..." mahinahon nyang sinabi. "Masaya ka ba kapag pinalaya kita?"

Umiling ako. No! I won't be happy. I will never be happy. I love you. Gusto kong sabihin yun sakanya pero parang walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Faye, answer me please. Are you going to be happy if I'll let you go?" mas mahinahon nyang sinabi sabay pahid sa mga luhang tumutulo sa mukha ko.

Parang kinukurot ang puso ko sa ginagawa nya. Sinasaktan ko na sya pero heto sya at pinapahiran pa ang mga luha ko.

"Bria-"

"Please answer me!"

"Yes. I'll be happy." kahit ako ay nagulat sa sagot ko. Bigla nya akong binitawan.

Tiningnan nya ako at walang pag-aalinlangang ngumiti sya sa harapan ko kahit na kitang kita ko na may mga luha pumapatak sa pisngi nya. I can't believe he can cry in front of me!

"If that's your decision then I'll respect you. Atleast sa halos dalawang taon na naging tayo, naramdaman kong minahal mo ko. I love you so damn much, Faye and I think, ito na ang huling pagkikita natin, kahit masakit at ayaw kong bitawan ka. Faye, please promise me na magiging masaya ka."

Tumango ako. "I promise."

Ngumiti sya sa akin ng malungkot. "I hope you'll be really happy. Thank you, i love you and goodbye."

Umalis sya. Ang akala ko ay lilingunin nya ako at babalik sya sakin pero wala. Napaluhod ako sa sahig nang nalaman kong hindi na sya lilingon at babalik. Siguro tama lang yun. Tama lang na ganon ang nangyari dahil nasasaktan ko lang sya. Siguro tama naman ang desisyon ko.

Saka pa ko pa lang napagtanto na nandito pala si Shane nang itinayo nya ako at niyakap ng sobrang higpit. Yes, only Shane can do that. And I am very thankful because I have her.

Hinagod nya ang likod ko na mas lalong nagpaiyak sakin. Oh my god! I shoudn't cry right? I don't have the right to cry because in the first place, I was the one who hurt Brian.

"Faye, it's okay. I think it's a good decision." sabi ni Shane habang hinahagod pa din ang likod ko.

"Good decision, Shane? Really? Ano ang good doon?" sabi ko habang umiiyak pa din.

"It's good decision kasi mas lalo mo syang masasaktan kapag di mo pa yun ginawa. Mas lalo ka ding mahihirapan." sagot nya.

Hinarap nya ako at pinahiran ang mga luha sa mga mata ko. This is my only bestfriend. My true bestfriend.

Naalala ko na naman ang mga panahong magkasama kami ni Brian. God, he's very caring. Hindi ko alam kung bakit mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko kay Jimin kesa sa kanya.

Hindi naman caring si Jimin. Hindi naman maganda ang ugali ni Jimin. Hindi naman kasing bait ni Brian si Jimin pero bakit ganito? Bakit mahal na mahal ko si Jimin.

Matagal ko ng tinalikuran ang pagmamahal ko sakanya. Hindi ko inakalang sa isang iglap, babalik lahat.  Bakit ngayon ko lang to na realize? Bakit ngayon lang? Sana noon ko pa to na realize para wala akong ibang masaktan bukod sa sarili ko.

Paano kung nagkatuluyan nga si Jiesell at Jimin? Paano na ko magiging masaya? Pero pipiliin ko pa bang maging masaya kung alam kong nananakit ako ng tao o may nasasaktang iba dahil sa desisyon ko?

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit si Jimin pa itong mahal na mahal ko kahit na alam kong si Brian ang palaging nasa tabi ko?

Posible kaya yun? Posible kayang mahal mo pa rin ang isang taong matagal mo ng hindi nakikita at nakakausap? Posible pa lang mahal mo pa rin ang isang tao lumipas man ang panahon?

Pinahiran ko ang luha ko at ngumiti kay Shane. "Akyat lang ako sa kwarto, Shane. Pakisabi lang sa kanila, mag enjoy lang sila at matutulog na ako."

Tumango naman agad si Shane at inayos nya ang buhok ko.

"Puntahan ko lang sila ha. Susunod ako sa kwarto mo. Sasamahan kitang matulog baka mamaya, kung ano na naman ang gawin mo." sabi nya.

Aalis na sana sya kaya lang hinawakan ko ang braso nya. "Shane, thank you."

Umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan ang cellphone ko. Umaasang may text o tumawag si Brian pero wala.

I guess, this is really the end of our almost two years relationship. Hindi pala ganon katatag kasi napalaya nya ako nang ganon ganon lang.

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now