Chapter 40

1.1K 31 9
                                    

Faye's Point of View

"Ano ba, Faye? Di ba sinabi ko na sayo na wag kang lalapit kay Jimin?" sigaw ni ate sa akin nang nakapasok kami sa bahay.

Hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit na dulot ng pagkakasabunot nung Jenel sa akin. Wala naman akong ginagawa di ba?

Tsaka nang nakita ko yung Jenel, parang nanliit ako. Minahal sya ni Jimin di ba? Bakit sinasabi ni Jimin na hindi na sila ni Jenel pero sila pa naman talaga?

"Hindi ako lumalapit ate! Sadyang pinaglalapit lang talaga kami ng tadhana." humihikbing sabi ko.

Masakit na nga yung ulo ko dahil sa pagkakasabunot, masakit pa yung pakiramdam na may mahal na talagang iba si Jimin. Pero bakit pa sya nagpaparamdam sakin? Para gantihan ako? Para sumbatan ako?

"Putanginang tadhana yan. Kung pinaglalapit kayo, labanan mo. Faye tandaan mo, matagal mo na syang kinalimutan." sigaw nya pa sa akin.

"Oo ate! Matagal ko na syang kinalimutan. Akala ko matagal ko na syang nakalimutan pero hindi pa pala. Hanggang ngayon pala, sya pa din ang nilalaman ng puso ko." sabi ko.

"Faye! Layuan mo na sya! Can't you see? May mahal na syang iba. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para tuluyan mo na syang ibaon sa limot?" mahinahon na nyang sabi habang hinahawakan ang kaliwang braso ko.

Natahimik ako sa sinabi nya. May mahal nang iba si Jimin. Tama. Minsan, hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao. Masasaktan ka lang pag umasa kang may maibabalik sya sayo.

Masakit umasa. Oo. Kasi nararamdaman ko yun. Umaasa ako na sana, mahal pa din ako ni Jimin. Umaasa ako na sana yung pagpaparamdam nya na yun ay ang magiging way upang ipagpatuloy ang naudlot naming love story kung meron man kaming nasimulan.

Sa sumunod na mga araw, naging kalmado lang ako. Pinapansin ko lang si Jimin kapag related sa school ang tanong nya.

Paminsan-minsan, nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. Magtititigan kami at ako din ang bibitaw.

One time, hindi ako nakapaglunch dahil may kailangan kong tapusin ang lesson plan ko dahil nali-late na ang mga estudyante ko sa mga lessons. Nagulat ako nang dinalhan nya ako ng lunch at umalis din agad sya.

Ngayon, pinatawag kaming lahat dahil may idi-discuss daw sa amin ang principal.

Nauna akong pumunta sa faculty room habang si Jimin ay nagliligpit ng gamit nya.

Pagdating ko doon, si Jimin at ako na lang pala ang hinihintay. Maya-maya pa ay dumating na din sya at tumabi sakin.

"Gaya ng tradisyon natin, we are going to have an Aquaintance Ball... Mrs. Santos will discuss to you on what will happen on July 3..." wika ng aming principal.

Pumwesto si Mrs. Santos sa harapan naming lahat at binuksan ang kanyang laptop upang ipakita sa amin ang magiging ball namin. Buti na lang at may projector kaya kitang-kita namin.

"Bale magkakaroon ng cotilion ang mga teachers at ang mga students. Mauunang magco-cotilion ang mga students. Pagkatapos, gagawin ang mga seremonyas twing may ball, tapos magdi-dinner at pagkatapos ng dinner, magco-cotilion na ang mga teachers. Bale may napili na kaming mga magco-cotilion. 6 pairs lang para matutukan." paliwanag ni Mrs. Santos.

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now