Chapter 17

1.1K 36 4
                                    

Faye's Point of View

"Thank you for tonight Jiesell and Brian." sabay ngiti ko sa nakangiti sa aking sina Brian at Jiesell.

Sobrang saya ng bonding naming tatlo. Sinabi ko pa nga na naistorbo ko pa yata ang date nilang dalawa pero sabi naman nila, sila daw ang nakikisama sakin. Nakikisama daw sila sa day off ko.

Dahil magkasama kaming tatlo buong araw, halos kalahati siguro ng talambuhay nilang dalawa ay naikwento nila sa akin.

Naikwento nila na schoolmates daw sila ni Jimin sa Busan Arts High School noong high school pa lang sila. Nasa 7th grade pa lang daw si Jimin, nasa 11th grade na sila. Kaya pa mukhang mas matanda sila sa akin.

Magkasing edad lang kasi kami ni Jimin.

"You're very welcome, Faye. Hope you enjoyed this day. Maybe we can go out next time again?" tumawa pa siya.

Si Brian naman ay nakatayo lang sa gilid ni Jiesell habang nakapamulsa, pangiti-ngiti.

"I really enjoyed this day, Jiesell. Yeah. Next time." ngumiti ako at lumabas na sa sasakyan ni Brian.

Sinarado ko ito at tumayo na sa may gate ng dorm ng BTS. Hinintay ko muna na makaalis ang kotse tsaka ako pumasok sa dorm.

Nakabukas pa ang ilaw kaya napagtanto ko na gising pa sila. Alas nuwebe y media na ng gabi. Bakit kaya di pa sila natutulog?

Pagkapasok ko, nakita ko si Liesel na kakalabas lang ng kusina.

"Oh Faye?" sabi niya.

"Tulog na sila?" tanong ko habang nila-lock ang pintuan.

"Oo. Sige una na ko sayo. Uminom lang ako ng tubig. Inuhaw eh. Good night." sabi nya at naglakad na papasok sa kwarto nila ni Taehyung.

Pinatay ko na ang ilaw sa sala at naglakad na din papasok sa kwarto namin ni Jimin.

Pagkapasok ko, patay na ang ilaw pero bukas pa ang lamp shade na nakapatong sa table ni Jimin sa gilid ng kanyang kama.

Napabuntong hininga na lamang ako nang nakitang nakakalat na naman ang mga damit nya sa paligid ng kwarto namin.

Nilapitan ko ang lamp shade para patayin sana nang bigla akong hilahin ni Jimin. Napasalampak ako sa kanyang dibdib na walang saplot!

Niyakap nya ako ng sobrang higpit at amoy na amoy ko ang alak mula sa kanyang hininga.

Uminom na naman sya?

"Mahal na mahal kita.." bigla niyang sinabi at hinalikan ako bigla sa noo.

Kinilig ako. Pero may parte na naman sa akin na nadi-disappoint dahil lasing sya. Sana nga Jimin ganyan ka na lang palagi. Kahit lasing.

Tatayo na sana ako pero biglang humigpit ang pagkakayakap nya sakin kaya hindi na ako nakatayo pa.

Natulog na lamang ako...sa piling nya.

"Mahal na mahal kita, Jimin. Hindi mo ba yun naiintindihan?" tanong ko sakanya habang nakaluhod sa harapan nya. Hinahawakan ko ang magkabilang braso nya habang tumutulo ang aking mga luha.

"May mahal na ako, Faye. Noon pa man. Siya na ang mahal ko. Bata pa lang ako, sya na ang minahal ng puso ko at patuloy na minamahal ng puso ko hanggang ngayon." paliwanag ni Jimin sa akin ngunit parang wala akong narinig. Parang wala akong naintindihan.

Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya at bumaling sa isang pamilyar na babae na nasa likod nya kanina. Ngumiti ng malungkot sa akin ang babae.

"Jimin..." humagulhol ako kasabay ng paglaho nilang dalawa.

Nagising ako nang biglang tumulak sa akin. Nahulog ako sa kama at tiningnan kung nasaan ako.

Nang makita ko ang galit na namang pagmumukha ni Jimin, hindi na ako kinabahan. Sanay na ako sa ganyang pagmumukha ni Jimin.

"Bakit mo tinatawag ang pangalan ko? Ang creepy! Maligo ka na at magbihis. May pupuntahan tayo." malamig niyang sinabi sabay talukbong ng kanyang comforter.

Bago yun ah? Pero saan naman kami pupunta? Tsaka bakit ako nasa kama ni----

Natulog pala ako sa kama ni Park Jimin!

Biglang tumayo si Jimin sa kama nya at lumapit sakin.

"Bakit ka natulog sa tabi ko? Ulol ka ah!" sigaw nya sa akin.

Tinakpan ko ang ilong ko. "Di ka pa nagto-toothbrush." tumawa pa ako na parang may nakakatawa kahit wala naman.

Di niya na ako pinansin. Bumalik sya sa kama nya at humiga ulit.

Tumayo naman ako at kinuha na ang gamit ko pampaligo sa aking aparador.

Pagkapasok ko sa banyo, hinubad ko ang salamin ko at tiningnan ko nang mabuti ang sarili ko sa harapan ng salamin.

Hanggang ngayon ba, hindi pa din ako nakikilala ni Jimin? Bakit? Masyado ba syang nakafocus don sa 'ako' na nakita nya noon at wala syang pakialam sa 'ako' na nakikita nya ngayon?

Minsan nga naiisip ko na sana nga hindi na lang ako nagpalit ng katauhan. Baka sakaling masaya na ako ngayon sa piling nya.

Oo, umaasa ako na pwedeng magkaroon ng kami kahit na alam kong huhusgahan na naman ako ng mga tao.

Habang tumatagal, mas lalong pumapanget ang ugali at pagtrato ni Jimin sa akin. At habang tumatagal, mas lalo ko syang nagugustuhan.

Hay. Park Jimin, ano itong ginagawa mo sakin?

Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako sa banyo. Bumungad sa akin si Jimin gamit ang kanyang usual look sa akin. Yung masamang tingin.

"Ang tagal...tss." sabi nya sabay lakad na patungo sa banyo.

Di ko sya pinansin. Sa halip ay lumabas na ako sa kwarto namin. Nasa sala na silang lahat at parang kami na lamang ang hinihintay.

Simula ngayon, Jimin, hindi na ako makikipag-away sayo. Iiwasan kong mahulog pa lalo sayo para di ako masaktan ng husto.

"Good Morning Faye!" bati ni Taehyung nang lumabas ako sa kwarto ni Jimin. Nakabihis na din sila. Saan kaya kami pupunta?

"Good Morning din, Taehyung! Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Uuwi kami sa mga bahay namin kasama kayo.." sabi nya. Tumango lang ako sakanya at ngumiti.

Saan nga ulit ang hometown ni Jimin?

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now