Chapter 20

1.2K 40 1
                                    

Dahil sa sinabi ni Jimin, naestatwa ako bigla sa kinatatayuan ko.

Gago ba sya?

Pinisil nya ang kamay ko kaya nabalik ako sa ulirat. Napatingin ako sakanya habang sya naman ay nakangiti sa mga magulang nyang nakangiting nakatingin sa amin.

Hay. Ok! Sasang-ayunan ko na to. Minsan lang naman. Tsaka baka naman may rason sya kaya nya ginawa to.

Total gusto ko naman sya edi sasagarin ko na ang pagkakataon na to.

"Ah eh...hello po! Ako po si Faye..." sabi ko sabay kaway sa mga magulang ni Jimin.

Lumapit ang nanay nya sakin at niyakap ako. "Ang ganda mo namang bata..." sabi nya. Hay. Bigla ko tuloy namiss si nanay.

Ilang taon na ang nakalipas nang huli akong niyakap ni nanay kaya naman hindi ko napigilan ang pagbigat ng dibdib ko at ang pagtulo ng luha ko.

Hinila ko ang kamay ko mula sa kamay ni Jimin upang yakapin pabalik ang nanay nya. Binitawan nya naman agad ito.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" tanong ng nanay ni Jimin habang pinupunasan ang mga luhang lumabas mula sa mga mata ko.

"Wala po to. Naalala ko lang si nanay.." sabi ko.

"Bakit nasaan ba ang nanay mo?" tanong ng nanay ni Jimin.

"W-wala na po." sabi ko.

"Oh, sorry for that... Ano magpapahinga ba muna kayo o kakain muna tayo?" tanong ng tatay ni Jimin.

Inakbayan naman agad ako ni Jimin at nagsalita sya. "Magpapahinga po muna kami." sabi nya at bumaling sakin. "Tara na?" tanong nya.

"Faye, pasensya ka na. Pwede bang sa iisang kwarto lang kayo ni Jimin kasi walang extrang kwarto dito eh. Inaayos pa kasi ang lilipatan naming bahay." sabi naman ng nanay ni Jimin habang nakangiti sa akin.

"Okay lang naman po." ngumiti ako. "Sige po.."

Umalis na kami ni Jimin don at nagtungo sa kwarto nya. Atat na atat na akong tanungin sya kung bakit kailangan nya akong ipakilala bilang girlfriend nya at kahit na war kami.

Pagkapasok namin sa kwarto nya, bumungad sa amin ang isang napakasimpleng kwarto. Kulay sky blue ang kulay ng kurtina at dingding. May maliit na mesa sa gilid ng isang kama na king size. May malaking aparador. May maliit na sofa. Lahat ng bagay na nasa loob ng kwarto nya ngunit may isang bagay na nakapukaw ng atensyon ko.

May dalawang picture frame na nakapatong sa mesa. Yung isa ay picture ng dalawang batang lalaki. Yung isang bata ay kamukha ni Jimin at yung isa naman ay kamukha ni Jihyun.

Yung isang picture frame naman ay picture ng isang babaeng nakatalikod. Tingin ko ay nasa 10th grade ang height nito.

Nilapag ni Jimin sa gilid ng kama ang dalawang maleta nya at nilapag ko din yung maleta ko doon.

Tiningnan ko sya habang makatingin sya sa may bintana.

"Faye...sorry." kahit na nasambit nya na kanina ang pangalan ko, kinikilabutan pa din ako ngayon.

"Bakit mo ko pinakilala bilang girlfriend mo?" tanong ko at naupo sa may sofa.

"Ipapaliwanag ko sayo mamayang gabi. Hindi ko pwedeng ipaliwanag sayo dito baka marinig nila." sabi naman nya at pumunta sa aparador.

Kumuha sya doon ng isang comforter at dalawang unan. Malamig na nga ang klima dito sa Korea, naka-aircon pa tong kwarto nya.

"Oh okay." kung ano man ang rason nya, papakinggan ko. Pero hindi ko maipapangakong masasabayan ko sya kung sakali mang magrequest sya sa akin na mangpanggap kami.

Sobrang hard nya sakin noon tapos biglang ganito? Ano yun pinitik sya ni Lord tapos bigla syang bumait?

"Magpahinga ka muna." sabi nya at lumapit sa akin. Aktong hihiga na ako sa sofa nang bigla syang nagsalita ulit. "Don ka matulog sa kama."

"P-paano ka?" tanong ko sakanya habang dahan-dahang naglalakad papunta sa kama nya.

"Okay na ako dito.." sagot naman sya sabay muwestra ng malaking sofa.

Pagkagising ko mula sa pagkakatulog, nahuli ko si Jimin na tinitingnan ako.Nakatayo sya sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ako. Baka makilala nya ako!

"Anong ginagawa mo?" sabi ko. Nag-iwas sya ng tingin nang tumayo ako mula sa pagkakahiga.

Naglakad sya papunta sa pintuan. "Alam mo, parang namumukhaan kita. Tara na nga, maghahapunan na." aniya. Naninibago pa din talaga ako kay Jimin ngayon dahil feeling ko sobrang bait nya. Ibang-iba yung Jimin na nakikita ko ngayon sa Jimin na nakita ko kahapon at noon.

Siguro nga may malalim syang dahilan kung bakit nya ito ginagawa. Sabi nya kanina, ngayon nya sasabihin sakin ang rason nya kung bakit nya ako pinakilala bilang girlfriend nya.

Sabay kaming pumunta sa sala dahil doon daw kami maghahapunan.

"So... Saan kayo nagkakilala ni Chimchim, Faye?" intriga ng nanay nya.

"Ahm... Actually po sa Pilipinas..." sabi ko.

"Ah, so Pilipina?" tanong naman ng tatay nya.

"Opo..."

"Buti naman at tanggap mo ang pag-uugali nitong si Jimin.." sabi ulit ng tatay nya.

"Ah, opo naman po. Kapag mahal mo, kahit gaano pa kasama ang ugali nya, tatanggapin mo.." ngumiti pa ako para hindi halatang tensyonado ang sa harap nila. Nahihiya talaga ako sa pinagsasasabi ko.

"Taray oh. May pinaghuhugutan." tumawa na din ang nanay ni Jimin.

Nag-umpisa na kaming kumain. Sobrang saya pala kapag may buo kang pamilya. May sandalan ka, may kasama ka, at higit sa lahat may karamay ka.

Sobrang dami ang naikwento ng nanay at tatay ni Jimin habang nasa hapag kami.

Magaling daw talaga si Jimin simula pa noong bata sya. Sumasali daw sa mga dance contest. At nalulungkot daw sila dahil palaging bilang lang sa daliri ng kamay ang mga pagkakataon na nakakasama nila si Jimin every year.

Si Jihyun naman daw ay nangunguna sa klase nila. Magkabaliktad daw ang ugali ni Jimin at Jihyun pero pareho silang pogi.

Sobrang masayahin pala ang nanay ni Jimin. Ganito din si nanay dati e. Palaging nakangiti at tumatawa.

Nang matapos na ang hapunan namin, nagpaalam na agad si Jimin.

"Ma, pa, punta lang po kami sa may park. Dadalhin ko yung kotse ko.."

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now