Chapter 8

1.2K 42 2
                                    

Dahil may nalalapit pala na concert ang BTS, napaaga ang trabaho namin. Imbes na next week pa, ngayon na ang araw na magtatagpo kami ng BTS at ngayong araw din magsisimula ang trabaho namin.

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako sa kwarto ko dala ang aking maleta at isang backpack.

Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang inuupahan ko. Apat na taon din akong nandito. Saksi ang kwarto na ito sa lahat ng pagpupursigi ko sa buhay at pag-aaral na ngayon ay napunta lang sa wala.

Seven years lang naman ang kontrata ko. Pagkatapos 'non, pwede na akong mag-apply bilang accountant.

Nakatali ang kulay pula kong buhok ngayon. Buti nalang pala at nagpa-make over ako dahil kung hindi, baka hanggang ngayon binabash pa rin ako. Siguro hinahanap na ako ng mga 'yon. Di rin nila ako makikilala dahil nagupitan na ang mahaba at itim kong buhok at kulay pula na ito. May salamin na din akong sinusuot kaya hindi na nila mahahalata ang itsura ko.

Lumabas na ako at sumakay ng jeep patungong big hit. Pagdating ko don, ako nalang pala ang hinihintay. Umiirap-irap naman 'yung isang mukhang clown dahil sa make up niya.

Sumakay na kami sa isang van kung saan kasyang-kasya kami. Katabi ko ay ang babaeng kulay brown ang buhok na hanggang leeg lang ang haba. Mukhang si Dora kapag brown ang buhok.

May suot pa siyang headband na may logo ng BTS. Nakita ko kasi yung logo ng BTS sa opisina ni Jack kahapon.

Nilingon ako ng babaeng katabi ko at ngumiti siya sakin. "Hi! Ako nga pala si Liesel. Sinong bias mo?" tanong niya.

Bias? Anong bias?

"Sakin kasi si V. Buti nalang siya nabunot ko. Omg. Makakasama ko na siya!" aniya sabay palakpak. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Friends?"

Tumango ako at ngumiti. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shakehands ako sakanya. "Ah, ako si Faye. Si Jimin 'yung bias ko. Tsaka siya din 'yung nabunot ko kahapon. Friends." ngumiti ako sakanya.

"Guys! Guys! May ipapakilala ako sa inyo!" napatingin naman ang ibang kasama namin sakanya at sa akin. Close na pala sila. Ako lang ang hindi. "Ito nga pala si Faye. Si Jimin 'yung nabunot niya. Faye, siya si Errey." tinuro niya ang babaeng mahaba at kulot ang buhok. "Siya naman si Belle." sabay turo niya sa babaeng rebond ang buhok. Siya 'yung mataray. "Siya naman si Angel. Siya si Nhecon. At ito naman."

Maganda 'yung Nhecon. Nakangiti siya sa akin at siya mismo ang unang naglahad ng kamay niya sa akin. "Nhecon." aniya at tinanggap ko naman agad 'yun. Ganon din ang ginawa nina Errey, Angel, Flor at Belle. For the first time, ngumiti at tumawa bigla si Belle.

"Kahapon ko pa napapansin 'tong si Faye. Mukhang natatakot sakin. Ano ka ba Faye? Joke ko lang yung pagtataray. Mabait naman talaga ako. Haha!" ngumiti nalang din ako sa sinabi ni Belle.

"Ok girls. Nandito na tayo. Be good to Bangtan!" anunsyo ni Jack at agad na lumabas sa sasakyan.

Nagsibabaan naman kami agad. Mababait naman pala itong mga kasama ko. At itong si Belle napaka-hyper pala dahil panay ang kwento ng mga nakakatawa tapos siya din yung tatawa ng malakas.

Pagkapasok namin sa sinasabi nilang dorm ng Bangtan, bumungad sa amin ang pitong lalaking nakaupo sa couch. Ang BTS.

Hinanap ko agad si Jimin. Hindi naman ako nalito dahil nakita ko 'yung mga mata niyang mukhang galit.

Pinapasok kami at pinaupo sa kaharap na couch na inuupuan ng BTS. Kinakabahan ako lalo na sa mukhang galit ni Jimin.

Sa totoo lang, hindi naman pala sila magkakamukha. Siguro sa unang tingin mo sa kanila sa picture, malilito ka talaga pero kapag sa personal na, hindi ka na malilito. Makikita mo na ang kagwapuhan nila.

"Hello everybody." bati ni Pdnim. Pinakilala siya sa amin ni Jack kanina. "So boys, ito ang magiging kasama niyo. Jin, this is Angel." ngumiti si Angel. Kumaway naman si Jin. Mukhang mabait siya ah? "Siya 'yung nakabunot sayo. Yoongi, ito naman si Belle." kumaway si Belle kay Yoongi. Ngumiti naman si Yoongi. Bungisngis talaga sya pero ang pogi niya tsaka ang puti. "Hobi, ito si Nhecon." ngumiti ang magandang si Nhecon. Lumapit naman si Hobi kay Nhecon at niyakap niya ito. "Namjoon, ito si Flor." nag salute si Namjoon kay Flor at ganon din ang ginawa ni Flor sabay tawa. "Tae, ito si Liesel." nagpacute si Liesel kay V. Kumaway naman si Taehyung kay Liesel. "Kookie, ito si Errey." kumaway si Kookie at ngumiti naman si Errey. "..at Jimin, ito si Faye. Be nice to her Jimin." sabi ni Pdnim.

Biglang tumayo si Jimin. Sumunod ang tingin ko sakanya.

"Pdnim di ba sabi ko 'yung babaeng kumalat ang picture sa social media ang kunin niyo para sakin?" sigaw niya. Napatingin na kaming lahat sa sakanya. Galit na galit siya.

"Pero Jimin, di na namin siya makit---"

"Whatever!" sigaw niya at umalis na. Pumasok siya sa isang kwarto.

Tinapik ni Pdnim ang balikat ko. Nilingon ko si Pdnim na ngayon ay nakangiti sa akin. "Sa una lang yan Faye. Wala lang 'yon sa mood. Sige na. Magsipuntahan na kayo sa mga kwarto niyo at para makapag-ayos na kayo ng nga gamit niyo."

Tumango kami at umalis na ang iba kong kasama kasabay nila ang magiging amo nila. Buti pa sila ang ganda agad ng pakikitungo pero sakin? Hays.

Sinabi din pala don sa kontrata na sa iisang kwarto kami matutulog ng babantayan namin pero magkaiba ang kama. At sinabi din don sa kontrata na hindi pwedeng mag back out dahil kapag nilabag ang kontrata, maaari kaming makasuhan. Astig di ba?

Mababait at marespeto naman daw ang BTS kaya hindi sila na sila dalawang isip na pag isahin lang ang kwarto ng mga personal assistant at BTS.

Ok lang 'yan, Faye. Andito ka para sa trabaho. Hindi para kunin ang loob ng Jimin na 'yan. Tsaka ako 'yung hinahanap niyang babae na kumalat ang picture sa social media di ba? Ano kaya ang kailangan niya at ako ang gusto niyang kasama? Hays. Buti nalang pala at nagmake over ako. Baka kasi mabastos pa ko ng Jimin na 'yan kapag ang dating mukha ko ang ipinakita ko. Pero hindi nga ba ako mababastos? I mean, yung ginawa niyang pagsigaw, at pag walk-out kanina ay isang uri ng pambabastos.

Basta, palagi mong tatandaan Faye, nandyan palagi sina nanay at tatay nakabantay sayo.

Kaya mo yan Faye. FIGHTING.

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now