Chapter 11

1.2K 40 1
                                    

Pagdating namin sa mismong stage ng Araneta, nakita agad kami ng ibang members ng BTS kaya natigil sila sa pagsasayaw.

Lumapit si Pdnim sa kanila at tumingin din sa amin. "Oh Jimin? Ano pang hinihintay mo diyan? Pasko? Late ka na nga, tutunganga ka pa diyan!" galit na utas ni Pdnim.

Galing sa akin likuran, nag-umpisa nang maglakad si Jimin papuntang stage pero bago pa man niya ako malagpasan, may ibinulong siya sa akin. "Lagot ka..."

Bigla naman akong kinabahan. Mukhang galit pa naman si Pdnim kaya baka ako ang pagbuntungan niya ng galit.

Pumunta na ako pwesto ng mga kasama ko at umupo doon. Hindi naman ako feeling close para kausapin sila pero biglang bumaling sa akin si Nhecon at kinausap ako.

"Hi. Alam mo parang namumukhaan kita." aniya. Bigla naman akong kinabahan. Baka kasi makilala niya ako. Pero kung sakali man na makilala niya ako, sasabihin ko na lang sakanya na secret lang namin 'yon.

"Ha?" tumawa ako para hindi halata na kinakabahan ako.

"Alam mo ba kung bakit binigyan ang BTS ng makakasama nila?" tanong niya sa akin sabay tingin sa sumasayaw na BTS sa stage. Napakagaling naman 'nung mahaba ang baba pero ang pogi niya talaga!

"Hindi eh. Bakit ba?" tanong ko sakanya.

"Kasi ganito 'yon. Si Jimin, palagi 'yang umaalis sa dorm nila dito sa Pilipinas o kahit saan mang dorm nila. Alam mo naman, sa lahat ng bansa na napuntahan nila, may dorm sila doon." aniya.

"So, ibig sabihin, napunta na sila dito sa Pilipinas kaya may dorm sila dito?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa stage. Kumakanta na si Jimin ngayon ng solo. Pinag-solo kasi sila lahat sa pagkanta. Isa lang ang masasabi ko sa boses ni Jimin. Napakaganda ng High Notes tsaka falcettos niya!

"Oo 4 years ago, at ayon sa nakalap kong balita, there's this one girl na nagustuhan ni Jimin kaya palagi syang nadaan malapit doon sa pinagyarihan 'nong recent issue niya. Pero di ko na alam kung ano nangyare sa girl na gusto niya noong nagstay sila dito ng 2 months 4 years ago. Siguro ay hindi na niya natandaan 'yong mukha ng babae dahil 4 na taon na niyang hindi nakita ito. Pero malakas ang kutob ko na ang babaeng nagustuhan niya ay 'yung nababash sa social media ngayon dahil sa kumalat na picture nila ni Jimin na nakapatong itong girl kay Jimin." sobrang haba niyang paliwanag. Paano naman magiging ako 'yung gusto niya? Eh mukha namang bago niya lang ako nakita noong nagkabanggaan kami.

"Ah, tingin mo ba, gusto nya talaga 'yung babae na 'yun?" tanong ko. Na-curious na naman kasi ako bigla.

"Hmm.. Tingin ko, gusto niya 'yung babaeng na-bash kasi di ba? Yun yung gusto niyang maging kasama niya." paliwanag niya.

"Ah..." sagot ko. Nagkwentuhan pa kami ng tungkol sa college life namin at napagtanto namin na magkabatch pala kami sa college. Kaya daw pala parang familiar ako sa kanya.

Nalaman ko din na big fan talaga siya ng BTS simula ng nag-umpisa ito kaya pinakilala niya ulit sakin ang BTS kahit na nasa stage ang mga ito. Panay din ang puri niya sa mga ito.

Bigla nalang pumasok sa isipan ko 'yung issue ni Jimin. Paano kaya kung tanungin ko itong si Nhecon kung ano ang masasabi niya sa sakin...I mean sa katauhan ko bilang 'yung babaeng nakapatong kay Jimin. Try ko nga.

"Uhm, Nhecon... Ano 'yung masasabi mo don sa babaeng na-bash dahil sa picture nila ni Jimin na kumalat?" tanong ko sakanya.

"Napakalandi niya. Girlfriend ba siya ni Jimin? Whore! Famewhore! Pera lang ang katapat niya!" galit na galit niyang sinabi.

Bigla naman agad akong kinabahan. Nasaktan at the same time. Si Shane lang pala talaga ang kakampi ko. Akala ko magiging kakampi ko 'tong si Nhecon, pero akala ko lang pala 'yon. Siguro wag ko na muna itong mga 'to. Ang isipin ko nalang ay ang 'Baby Sitting Park Jimin' job ko.

"Ah k---" naputol ang sasabihin ko sana dahil bigla siyang sumigaw. Ako lang ang nakarinig at ang katabi niyang si Flor pero deadma lang 'yon kay Flor dahil sobrang lakas ng music ng nire-rehears ng BTS.

"Yun yung una kong naisip. Pero nawala din ang galit ko sa babaeng 'yon. Kasi alam mo? Sinuri ko talaga 'yung picture. As in naghanap talaga ako ng app na magpapalinaw sa picture kapag ni-zoom ito. Nakita ko ang gulat na gulat na ekspresyon 'noong babae. Kaya hindi ko masasabi na nilandi niya si Jimin. Sa una ko lang talaga na naisip na pagsabihan siya ng mga masasamang salita kasi sa unang tingin talaga sa picture, nasasabi mo talagang nilandi niya si Jimin. Naaawa nga ako sa kanya dahil na-bash siya. Napaka-immature talaga ng ibang fans minsan." aniya kasabay ng paghinto ng music na kanina pa tumutunog.

Pumalakpak si Pdnim at nagsabing mag-lunch break nalang daw muna at mamaya na ipagpapatuloy ang rehearsal. Nagsitayuan naman ang mga kasama ko papunta sa mga inaalagaan nila at kanya-kanya nila itong inasikaso habang ako ay nakatunganga lang sa kanila.

Bigla akong nabalik sa ulirat dahil nakita kong nakatayo lang si Jimin habang nakatingin kay Hoseokm. Buti nalang kilala ko na lahat ng members ng BTS.

Kinuha ko ang towel at agad na tumakbo papunta kay Jimin. Pinunasan ko ang noo niya pero agad niya namang inagaw ang towel na hawak ko.

"Ako na nga! Ang lamya." aniya sabay tulak sakin. Buti nalang at di ako napaupo dahil sa ginawa niya.

Dala ang mga gamit ni Jimin, pumunta na kami sa backstage kung saan may hinanda daw na tanghalian para sa BTS at sa amin.

Nilagyan ko ng pagkain ang ang plato ni Jimin at nang napuno na ito ay kinuha niya ito at itinabi. Kumuha siya ng bagong plato at naglagay ng pagkain na siyang nilagay ko rin kanina!

"Faye? Bukol ba 'yang nasa noo mo?" biglang tanong ni Taehyung sa gitna ng pagkain namin.

Tumingin silang lahat sakin pati si Jimin. Napahawak ako sa noo ko at hinimas ko ito. May bukol nga!

"Anong nangyare dyan?" tanong naman ni Jin.

"Ah..eh.." napatingin ako kay Jimin na patuloy pa ring kumakain. "Nauntog lang ako kanina sa pintuan ng banyo." ngumiti ako.

Naalala ko bigla na binato pala ako ni Jimin ng iphone7 niya kanina. Di ko inakalang magbubunga 'yung pagbato niya sakin 'non.

"Tatanga-tanga kasi." sabi ni Jimin at nagpatuloy sa pagkain.

---

Waaaa!!! Sobrang ganda nung Spring Day!!! Na inlove ako lalo sa Bangtan. Woah!!!! 💞💕👏

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now