Chapter 22

1.2K 37 2
                                    

Jimin's Point of View

Paggising ko, naramdaman kong may nakapatong sa dibdib ko kaya agad kong iminulat ang mga mata ko. Nanlaki ang maliit kong mga mata nang makita ko ang nakasalaming si Faye.

Inalala ko ang nangyari kagabi nang biglang sumakit ang ulo ko. Shit! Nakainom nga pala ako kagabi at napadami pa! Tangina! Minsan lang ako tamaan at bakit ngayon pa!

Nakatitig lang ako kay Faye habang iniisip ang nangyari kagabi. Bakit sya nandito sa tabi ko? Bigla akong may napansin sa mukha nya at napagtanto ko kaagad kung ano yun.

Dahan-dahan kong tinanggal ang salamin ni Faye at inayos ang kulay pula nyang buhok. Siya yun! Siya yung babaeng matagal ko nang hinahanap. Sya yung babaeng nakabanggaan ko!

Bakit ganon? Bakit ngayon ko lang napansin yun? Nasaktan ko sya ng ilang beses. What the hell? Paano ko sya mapapaamo ngayon?

Isinuot ko ulit sa kanya ang salamin nya. I need to pretend na hindi ko pa alam na sya yung babaeng matagal ko ng hinahanap. Bakit di nya pa sinasabi sakin?

Tiningnan ko sya nang mabuti. Itong babaeng to ang gusto kong makasama habang buhay. Oo, hindi ko pa sya ganon ka kilala para maramdaman itong corny'ng pagmamahal na to pero sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo alam ang rason kung bakit mo sya mahal.

"Jimin~" naitulak ko sya nang tawagin nya ang pangalan ko sa parang nagmamakaawang tono.

Nahulog sya sa kama ko at napahawak sya sa pwet nya. I need to pretend.

Tiningnan ko sya gamit ang galit kong mukha. Hindi pwedeng mabait ako sakanya kaagad. Kailangan kong unti-untiin to. Baka kasi magtaka sya kapag naging mabait ako sakanya ngayon.

Naalala kong uuwi pala kami ng BTS sa hometown namin ngayon. One week daw kami doon dahil pagkatapos ng one week na yun, balik na kami sa pagrehearse ng bago naming gagawing music video.

"Bakit mo tinatawag ang pangalan ko? Ang creepy! Maligo ka na at magbihis. May pupuntahan tayo." sabi ko sabay talukbong ng comforter ko sa sarili ko. Holy shit ni hindi ko na kayang magalit sakanya.

Pinilit kong wag mamula ang pisngi ko dahil sa kanya. Ewan ko kung bakit ganito na ang nararamdaman ko. Parang gusto ko na yakapin na lamang sya. Ang bakla ko naman mag-isip!

"Bakit ka natulog sa tabi ko? Ulol ka ah!" hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa bibig ko at bigla kong nasabi yun. Palagi na talaga akong nagmumura. Lord, sorry po.

"Di ka pa nagto-toothbrush." tumawa pa sya ng malakas. My god! I am already crazy as fuck. Her laugh is like a very beautiful music to my ears.

Hindi ko na lang sya pinansin at humiga na lang ulit ako. Sya naman ay umalis na para siguro mag-ayos ng sarili nya. Nang pumasok na sya sa banyo, hindi ko napigilan ang pagngiti ko at pagtalon-talon sa kama. Ugh! I am really crazy...

"Hyung! Tulala ka dyan!" nabalik ako sa katinuan nang bigla kong narinig ang boses ni Jihyun. Si Jihyun na palaging magaling. Si Jihyun na palaging mabuting anak. Si Jihyun na paborito ng mga magulang ko. Si Jihyun na palagi nilang kinakamusta kahit na malapit lang sya sa kanila.

Samantalang ako? Sa isang buwan, isang beses lang nila akong kamustahin. Tanging si Jihyun lang yung araw-araw na nagtitext sakin para kamustahin kung pagod ba ako, kung ok pa ba ako at kung kumakain ba ako ng maayos. Kahit ganon si Jihyun, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mainggit sakanya. Sobrang swerte nya.

Kung sa bagay, sino ba naman ako para palaging paalalahanan ng mga magulang ko? Ako lang naman yung anak na hindi sinunod ang gusto nila para sakin.

Gusto nila akong mag pursue ng kurso na related sa business namin dito sa Busan pero hindi yun ang hilig ko.

Ang hilig ko ay ang kumanta at sumayaw. Gusto ko ding maging sikat na singer at magpasaya ng maraming tao.

Tiningnan ko si Jihyun at ngumiti ako sakanya. "Kamukhang-kamukha talaga kita no?" ginulo ko ang buhok nya. "Asan si Faye?" tanong ko sakanya dahil kanina magkasama sila. Nanunuod sila ng tv nang nagising ako.

"Naligo lang daw." sabi naman nya. "Ikaw hyung ha... Alagaan mo ng mabuti si Faye noona. Ang bait-bait kaya nya."

"Oo naman..." sagot ko habang nakangiti. Aalagaan ko talaga sya kahit pretend lang tong ginagawa namin sa harap ng pamilya ko.

Kapag nagkaroon na ko ng pagkakataon, tsaka ko sya liligawan.

"Kahit kahapon ko lang nakilala si Noona, parang gusto ko na agad sya..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jihyun! Gago ba sya? "Chill hyung... I mean gusto ko na agad sya para sayo..." tumawa pa ng malakas si gago.

"Wag mo kong binibiro ng ganyan, Jihyun." sabi ko naman.

Ano? Aagawin nya si Faye sakin? Lahat na lang inagaw nya sakin pero ni minsan hindi ako nagreklamo o nagalit. Nainggit lang siguro. Sa oras na agawin niya si Faye, magkakasakitan na talaga kami. Wala akong pakialam kung kapatid ko sya.

"Oy! Andito lang pala kayo." napalingon ako nang marinig si Faye. Nakatingin sya sa amin habang nakabihis na. Sinabihan ko kasi sya kagabi na may pupuntahan kami ngayon.

"Oy Noona! Ang ganda mo naman sa suot mo..." tumayo si Jihyun kaya tumayo na din ako. Nandito kasi kami sa garden ng bahay namin at may maliit na bench dito.

Lumapit sya kay Faye at aktong yayakapin sana kaya lang hinila ko kaagad ang braso nya.

"Uy si Chimchim hyung, possesive." tumawa si Jihyun. "Sige noona, pasok na ko sa loob. Ingat kayo ni Chimchim hyung."

Umalis na si Jihyun. Nakita kong nakangiti lang si Faye.

"Oh? Anong nginingiti ngiti mo dyan?" tanong ko sabay hila na sa kanya palabas ng bahay namin.

"Nakakatuwa kasi si Jihyun." sabi nya.

Holy fuck! Wag mong sabihing gusto mo sya?

"Tss." sabi ko naman.

Pumasok na kami sa kotse ko. Sariling pera ko pinambili ko nito. Kahit naman may pera ang mga magulang ko, hindi ako umaasa sa kanila.

"San naman tayo pupunta?" tanong ni Faye habang iniistart ko ang makina ng kotse ko.

Kinuha ko ang kamay nyang nakapatong sa hita nya at pinagsalikop ito. Nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

"Ji-jimin... Wala naman ang mga magulang mo dito ah?" nauutal nyang tanong.

Ngumisi ako at tiningnan sya sa mga mata. Nakita ko ang pagkataranta at pagkailang nya.

"Kahit na... Gusto ko lang malaman mo na ganito ako kapag naging boyfriend for real mo na ako..."

A Life With Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon