Chapter 36

1K 24 0
                                    

Ewan ko ba kung paano umiikot ang mundo. Sobrang bilis na kaya? Sobrang bilis kasi ng panahon. Ngayon ay unang araw na ng pasok ngayong school year.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Naglagay lamang ako ng light make up at tapos na ako. Nandito pa din ako sa bahay namin. Ayaw ko kasi sa condo ko. I feel so alone there. Atleast dito, andito si ate at palagi ding bumibisita si Hobi.

Dito na rin kasi sa Pilipinas nagtatrabaho si Hobi. Nandito na rin ang kanyang pamilya.

Naabutan ko si ate at si Hobi na kumakain ng breakfast nang pumunta ako sa dining area.

"Oh Faye. Kain ka na." bungad sa akin ni ate.

"Hindi na ate..." tumingin ako sa relo ko. "...malelate na ko eh. Ipapakilala kasi samin ngayon ang bagong teacher.."

"Oh okay. Basta kumain ka mamaya ha.." sabi naman ni ate habang tumatango tango.

"Bye ate... Bye Hobi.." sabi ko at hinalikan si ate sa pisngi.

"Take care Faye." sabay bigay sa akin ni Hobi ng isang makahulugang ngiti.

Tumaas naman ang kilay ni ate kaya umalis na ako doon. Baka mamaya ay pagselosan pa ko non at hindi pa ko makapasok.

Nang makarating ako sa school, ipinark ko ang Limo ko sa bakanteng spot sa may parking lot. Naging katabi nito ang isang pamilyar na sasakyan.

Nang lumabas ako ng sasakyan ko, marami ng nga estudyante at mukhang excited silang pumasok. Sino ba namang estudyante ang hindi excited sa first day of school?

Dumiretso ako kaagad sa faculty room para ilagay ang gamit ko doon. It's an hour before the classes will start. Pagkapasok ko sa faculty room, marami na ang naroon. Nandoon na halos lahat ng teachers at mukhang ako na lamang ang hinihintay.

May nakita akong lalaking nakatalikod habang nakaupo.

Nang nakita akong pumasok ni Mrs. Santos, pumalakpak sya. "Nandito na pala si Ms. Del Valle."

Hindi ko na pinapalitan ang apelyido ko kahit nasa puder na ako ni ate. Ang dami pa kasing aasikasuhin kapag pinapalitan ko pa kaya wala ng nagawa si ate kundi sundin na lang ang gusto kong wag itong palitan.

Napatingin sa akin ang mga co teachers ko. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang late ako dahil ako na lang pala ang hinihintay nila. Ngumiti ako sa kanila at ganon din naman sila sa akin.

Napatingin akong muli sa lalaking unti-unting humarap. Laking gulat ko ng makita sya! Doon ko narealize na sya nga yung lalaking nakasabay ko noon sa may traffic light.

Tumayo sya. As I can see, sobrang dami ng pinagbago nya. Tumangkad sya. Yun talaga ang unang napansin ko dahil noon ay matangkad lang sya ng konti samantalang ngayon ay pakiramdam ko, sobrang tangkad nya na.

"Everyone, this is Mr. Park Jimin. Sya ang bagong English teacher sa grade 10..." tumingin si Mrs. Santos sa akin. "Ms. Del Valle, can you escort Mr. Park to your classroom? Naipaliwanag ko naman na sayo yung magiging estado nyong dalawa di ba? Ikaw na lang ang magpaliwanag sa kanya." sabi nya.

Parang gusto ko tuloy na magresign na lang agad para makaiwas kay Jimin. Parang hindi ako magiging komportable na nandito sya. Yes, I want to see him everyday. I want to be with him always but the question is, does he want to see me everyday? Does he want to be with me always? I don't think so.

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now