Chapter 16

1.2K 38 5
                                    

Nhecon's Point of View

"Nhecs... Paabot nga 'nung tuwalya ko. Hihi." dinig kong sabi ni Hobi.

Nilingon ang banyo tsaka ko siya nakita na parang tangang nanghihingi ng towel sa banyo. Yung ulo niya lang yung nakalabas sa pintuan.

Ako naman, nag-aayos ng mga kakainin naming dalawa. Magmo-movie marathon daw kasi kami.

Swerte ko talaga kay Hobi. Napakabait niya. May saltik nga lang. Sobrang saya kasama. Di nawawalan ng kwento at nangtuturo pa ng mga sayaw.

Kinuha ko ang towel niya iniabot 'yun sakanya.

"Sana di mo na binigay yung towel." sabi niya at mahinang tumawa.

"Ha? Bakit naman?" nagtataka ko namang tanong.

"Syempre 'pag di mo iniabot, lalabas ako ng hubo't hubad edi makikita mo na 'yung abs ko." sabi niya at tuluyan nang humalakhak nang malakas.

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Gago!" sigaw ko at tumawa din ng malakas.

"Ginagago mo na ko ngayon?" tanong niya sa akin sabay nguso.

"Ewan ko sayo, Hobi. Ang panget mong magpout." sabi ko at bumalik na sa pag-aayos ng mga gagamitin namin para sa movie marathon.

Sa four months kong kasama ang Bangtan especially si Hobi, nagiging close ko na din sila.

Sila kasi yung tipo ng idols na napaka-down to earth. Mababait at sweet. Si Jimin nga lang masyadong mean kay Faye pero sa aming iba, mabait naman siya. Ang weird talaga ni Jimin kasing weird ni Taehyung.

Lumabas na sa banyo si Hobi at nakabihis na. Buti naman.

"Umpisa na tayo?" tanong ni Hobi. Tumango naman ako at umupo na sa sofa.

Si Hobi naman ay kinuha ang remote para lakasan ang volume ng papanoorin namin.

"Nhecs.. Natatakot ako." sabi ni Hobi sa akin habang nakakapit sa braso ko. Kilig naman is me.

Conjuring 2 kasi ang pinapanood namin. Alam ko namang matatakutin tong si Hobi eh. May napanood kasi akong video nila sa Bangtan Bomb.

"Kalalaki mong tao natatakot ka." sabi ko sabay alis ng kamay niyang nakayakap sa braso ko.

Biglang kumalampag ang pintuan kaya naman ay napatalon si Hobi sabay yakap ng napakahigpit sa akin!

My god! Kinikilig ako. Hobi, y r u lyk dat?

Bumungad sa amin ang tuwang tuwa na si Taehyung na agad ding sumigaw nang makita kami.

"Hala! Porn! Porn!" sigaw niya sabay takbo.

Tumingin naman sa akin si Hobi at biglang kinalas ang pagkakayakap niya. "Sorry po."

Binatukan ko kaagad siya. Oo ganon na kami ka-close. Ang bait naman kasi ni Hobi. "Matatakutin ka kasi."

"Eh kasi naman di ba? Nakakatakot kaya 'yung mukha ni Valak. Mas nakakatakot pa sa mukha ni Jimin kapag tumatae." aniya.

"Ulol. Wag mong idamay si Jimin baka mabulunan 'yon." sabi ko naman.

"Hayaan mo n--"

"Andito yung porn! Bilisan niyo!" sigaw ni Taehyung na agad huminto sa pintuan ng kwarto namin ni Hobi.

A Life With Park JiminDonde viven las historias. Descúbrelo ahora