Chapter 37

1K 28 1
                                    

Jimin's Point of View

"Ganito ang set up natin..." nakatingin lang ako sa kanya habang nag-eexplain sya. How I miss this girl.

But that doesn't mean I still love her. No... Siguro nami-miss ko lang sya dahil dati ko na syang minahal.

Nararamdaman kong may epekto ako sa kanya. I don't know what she's thinking about me and I don't care also.

Tumango-tango lang ako habang nakikinig at tinitingnan sya. She really change a lot. Ang dating pulang buhok nya ay kulay brown na at humaba na ito.

Nang matapos kaming mag-usap tungkol sa magiging set up namin sa paghahandle ng grade 10 students, tumayo na ako at naunang lumabas sa coffee shop malapit sa school.

Medyo nagulat pa nga ako kanina nang nalaman kong teacher pala sya. Ang akala ko noon ay accountant sya? Maybe she studied again? Hindi ko lang pinahalata sa kanya na nagulat ako dahil baka kung ano ang isipin nya.

Nagdrive thru muna ako sa Mcdo pang pasalubong kay Florenz at Jenel. Paborito kasi namin ni Jenel ang pagkain sa mcdo kaya yun na lang ang naisipan kong ipasalubong sa kanya.

Pagdating ko sa bahay nila Jenel, sinalubong ako ng nakangiting kasambahay nila.

"Si Jenel po manang?" tanong ko.

"Nasa kwarto nya Jim." sabi nya. Tumango lang ako at ngumiti.

Dala ang pagkain galing mcdo, umakyat ako sa second floor para gulatin si Jenel. Ngunit nang nasa pintuan na ako, narinig ko ang pagtawa ni Jenel.

May kausap sya sa cellphone at nakaloud speak ito.

"Wala pa naman sya, babe...usap muna tayo." halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jenel.

"Baka dumating na, babe. Baka upakan pa ko non." dinig na dinig ko ang boses ni Jihyun.

"Ewan ko nga sayo, Jihyun..." pasigaw na sinabi ni Jenel.

"Sige na... I love you babe.. Promise me, ako ang pipiliin mo sa aming dalawa ha?" sabi ni Jihyun.

Akala ko magugulat ko si Jenel pero parang ako pa yata ang nagulat sa mga narinig ko. Gusto ko ng buksan ang lintik na kwarto na to pero gusto ko ring marinig ang isasagot ni Jenel kay Jihyun.

"Oo naman, babe. I love so much... I promise...ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko." yun ang sagot ni Jenel.

Parang may kung anong pumunit sa puso ko. Parang tinutusok ng paulit ulit. Mga taksil. Kahit kailan hindi ko naisip na pagtataksilan ako ni Jenel.

Okay lang sana kung ibang lalake...pero bakit kapatid ko pa?

Nabitiwan ko ang dala kong pagkain. Pinigilan kong hindi umiyak dahil ipinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ko iiyak ulit pagkatapos kong iyakan si Faye noon. Nakakabakla man isipin pero, oo, inaamin ko, sobrang nasaktan ako ng umalis sya. Umiyak din ako.

Naglakad ako patungo sa kwarto ko. Sinimulan ko na ang pag-iimpake. Wala akong pakialam kung magagalit sina mama at papa sakin. Wala akong pakialam kung hindi na mami-merge ang kompanya nila dahil hindi kami magkakatuluyan ni Jenel. Pwede naman sigurong si Jihyun na lang ang ipakasal nila kay Jenel right? I can't believe myself. Bakit ko to hinahayaan? Bakit parang okay lang sakin na si Jihyun na lang ang ipakasal kay Jenel?

Pagkatapos kong mag-impake, lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Jenel na dinadampot ang tatlong supot na dala ko kanina sa sahig. Napansin nya siguro ang presensya ko kaya napalingon sya sa akin at nanlaki agad ang mga mata nya nang tiningnan ang dalawang maletang dala ko.

Hindi ko sya pinansin... Sa halip ay dumiretso ako sa hagdanan at bumaba. Tinawag nya ako ngunit hindi ako lumilingon. Diretso lang ako. Ayoko kong maging bastos sa loob ng bahay nila kaya sa labas ko ilalabas ang galit ko. Sumunod sya sa akin habang hinahabol ako.

Pagkalabas ko, saka ko sya hinarap. Nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata nya.

"Jimin...what's wrong? Where are you going?" tanong nya.

"Kailan pa, Jen?" mariin kong tanong.

"Huh?" shit! Nagma-maang-maangan pa.

"Kailan pa?" sigaw na yun. Hindi ko na napigilan ang galit ko. Gusto kong suntukin si Jihyun ngayon kaya lang ay wala sya dito.

"Anong ibig mong sabihin, Jim?"

"Shit, Jenel! Kailan nyo pa ko niloloko?" sigaw ko.

Buti na lang at walang dumadaan na tao ngayon dito.

"Jim...mali ka ng inii-"

"Mali ng iniisip? Ha? Dinig na dinig ko ang pagtataksil nyong dalawa! Puta, hindi ko inakalang ganito ka. Sa dami ng lalaki sa mundo, yung kapatid ko pa?" sigaw ko.

"Jimin..calm down, pag-usapa-"

"Maghiwalay na tayo." sabi ko at iniwan na sya don. Sumakay ako sa kotse ko. Itong kotse na to ay naiwan ko dito sa Pilipinas 7 years ago. Maybe I can check in, in a hotel?

Nag check in nga ako sa isang hotel. Matapos kong ilagay ang gamit ko, nagpasya akong pumunta sa bar.

Alam na nga pala ng co members ko sa BTS na nasa Pilipinas ako at plano daw nilang magreunion kami kasama sila Faye. I don't think it's a good idea pero iniisip kong sasama ako sa reunion para sa mga co members ko at hindi para kay Faye.

Pumasok ako sa isang bar at agad na umupo sa isang bakanteng sofa. Kahit na nagdisband na ang BTS 5 years ago, may mga ilan pa ding bumabati at nakakakilala sa akin.

Nag order ako ng maraming shot ng sari-saring inumin. Jack Daniels, Vodka, Whiskey, Tequilla at marami pang iba. Baka sakaling makalimutan ko kahit saglit man lang ang sakit na idinulot nina Jenel at Jihyun.

Mahal na mahal ko si Jenel pero hindi ko hahayaan ang sarili kong magmukhang tanga. Hindi ko hahayaang  kawawain nila ako.

Sunod sunod kong ininom ang mga shot na nasa harapan ko. Nang naubos ko lahat, naramdaman ko na ang pag-ikot ng paningin ko. Tatayo sana ako ng biglang may umupo sa tabi kong babae.

"Oh, Jimin. Ba't nagmumukmok ka dito?" kahit na sobrang lakas ng sounds dito sa bar, dinig ma dinig ko pa din ang boses nya. At kuhang-kuha ko ang pagiging sarkastiko ng tono nito.

"Wag mo kong ginugulo, Jiesell. Uuwi na ko." malamig kong sinabi habang hinihilot ang aking sentido.

"Ihahatid ka na nam-"

"Shut the fuck up, Jiesell. Wag mo kong landiin." sigaw ko sakanya.

Tumawa pa sya at umiling. "My god, Jimin! Hanggang ngayon ba yan pa din ang tingin mo sakin? Baka nakakalimutan mong kasal na ko? Chanyeol! Tara dalhin na lang muna natin sa bahay ang lasing na to."

Agad na may kumuha sa kamay ko at isinabit nya ito sa balikat nya. Gusto kong sigawan ni Chanyeol dahil hindi ko maabot ang balikat nya! 6 footer kaya ang isang to.

Member din si Chanyeol ng isang boy group na EXO. Hindi tulad ng BTS, sila ay patuloy na nagpapasaya ng mga fans. Magaling din tong si Chanyeol mag rap eh atsaka kaapelyido ko sya. Himala lang dahil walang nagkagulo dito dahil kay Chanyeol. Siguro nakadisguise naman sya?

Hindi ko na namalayan kung saan nila ako dinala dahil sobrang inaantok na ako at nahihilo kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong matulog. Alam ko namang kapag malapit ako kay Jiesell, magiging ligtas ako.

Sana bukas, wala na lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

A Life With Park JiminWhere stories live. Discover now