Zombies

1K 78 63
                                    

Hinatid ni Reymond ang dalaga sa bahay nito ng palihim. Pinarada niya ang kotse ng malayo sa bahay nito saka binuhat si Jennica in a bridal style habang pumupuslit papasok. Maswerte na lang at naiwang nakabukas ang maliit na gate sa likod-bahay ng mga Perez kaya walang kahirap-hirap na pumasok siya rito. 

Tumungo siya sa tapat ng kwarto ng dalaga, ito ay nasa ikalawang palapag, naisip niyang mahihirapan siyang akyatin ito kaya kinuha niya ballpen na nasa kanyang bulsa, Go boy, show me what you got., saka niya inilagay ang ballpoint nito sa sementong dingding sa tapat niya.

Maya-maya ay bigla itong lumapad ng pahaba at kitang-kita ang turbo heat nito na nasa ilalim. Ito ang tinatawag na 'Elevator Skate', isang device na inimbento ni Oasis. Well well, he really is Genius Stone for something., saka sumakay na siya rito at agad namang umandar pataas ang device. Nang nasa tapat na siya ng kwarto ng dalaga ay mahina niyang inapakan ang device and presto! It stopped.

Humakbang na siya papasok sa balkonahe ng dalaga at mabilis din niyang tinungo ang kama nito saka niya inilapag nang dahan-dahan ang himbing na himbing na si Jennica.

Madilim ang kwarto nito pero dahil binuksan nga niya ang balkonahe, naaaninag niya ang maamong mukha ng dalaga na tinatamaan ng ilaw ng buwan.

Napahinto siya. He has to go but this sight is making him stay. Daisy, ganito ka pala kaganda kapag naiilawan ng buwan?, kapagkuwa'y isip niya. Lumapit siya sa dalaga saka umupo sa tabi nito. "Ang hirap Jennica. Ang hirap makamit ng pag-ibig ng kambal mo. Mabuti ka pa, may nagmamahal na sa iyo. E, ako?" saad niya sa natutulog na dilag saka bumuntong-hininga, "Oo nga't tinagurian akong ideal stone. Ideal sa lahat ng bagay, ideal friend, ideal man, ideal brother, ideal agent, pero bakit hindi ko makuha-kuha ang nag-iisa kong ideal girl? Bakit ganoon?"

Gustuhin man niyang pigilan ang luha ay wala na siyang nagawa pa nang may isang tumulo, tapos may isa pa, hanggang sa tuluyan na itong umagos. Pigil na pigil niya ang kanyang pag-hikbi. "A-ano pa ba ang kulang? A-ano pa? Dahil ba wala akong charm gaya ni Martin? Dahil ba masyado akong ideal? Perpekto? A-ano?" saad niya habang patuloy na umiiyak.

Matagal na niyang kinikimkim ang sakit na dulot ng pagmamahal niya sa dalagang si Daisy. Ngayon at ngayon lang talaga niya nailabas lahat ng hinanakit niya. Martin triggered it. "But remember what Daisy said. Keep on loving her because if you won't, you'll put someone to a dreadful risk." Naalala niyang saad nito.

"Ang gagong 'yon. Oo naman, si Daisy lang ang mamahalin ko." At saka niya ulit nilingon si Jennica, "At ikaw ang magiging ultimate crush ko," pagpapatuloy niya saka ginulo ang malambot nitong buhok. Napangiti na rin siya at napatigil na sa pag-iyak. "Shit. Ang gay ko. Oh f—" natigilan nang bahagya ang binata sa pagmumura nang may mahinuha, "I don't cuss in front of the woman I love, I think I should also do the same to my Ultimate Crush." At saka rumehistro ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Tomorrow, I'll start courting you my, Ultimate Crush. Missions are missions anyway. Kailangan mo akong maging boyfriend no matter what." Natatawa na siya sa sarili niya kasi nakikipag-usap siya sa tulog. "Sige na, alis na ako." Akmang tatayo na siya nang bigla siyang may maalala. "And before I forget." He then placed his lips on hers for about 2 seconds, "First kiss, for your target to sleep. Second, for your target to forget. Sweet dreams." At saka tuluyan na siyang umalis na may nakaplaster na ngiti sa mga labi.



***



"Yes naman! 6 feeter na ako!" masayang saad ni Edward matapos niyang sukatin ang kanyang height. Nasa PS Headquarters sila ngayon at nagti-train sa loob ng Training Unit.

The Philosopher Stones (Book 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang