Chapter 33

766 42 69
                                    

NAGISING si Jennica dahil pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya. She opened her eyes para tingnan kung sino ang nanggugulo sa kanyang tulog, "Reymond . . . " tawag niya sa intruder. 

Nakangiting hinalikan ng binata sa noo ang antok na antok na dalaga, "Bangon na may klase pa tayo." nang balakin ng dalaga na magtalukbong ng kumot ay naging maagap siya at binuhat ang dalaga papuntang banyo.

"Ayokong pumasok." groggy na saad ng dalaga habang nagpupumiglas sa pagbuhat sa kanya ng binata. She doesn't feel well. Medyo masakit ang ulo niya at pakiramdam niya ay parang kulang siya sa tulog. 

Nagmamadaling inilapag ulit ni Reymond sa kama ang dalaga at sinalat ang noo nito. Hindi naman siya mainit., he sighed out of relief at tumayo, "Okay. Hindi ka papasok. Siguro, dahil ito sa training mo. Ngayon ka lang kasi nagkasakit simula ng magtrain ka rito. I'll stay—" hindi natapos ni Reymond ang kanyang sasabihin sapagkat tumunog ang kanyang earpiece kasunod ang boses ng Priestess Stone.

"Code Priestess on the line connecting to Code Ideal. Assigning Mission number 231 for ASAP completion and—"

"Wait. Si Jennica ang misyon ko ngayon. I can't accept that mission Code Priestess."

"Sorry Code Ideal pero ikaw lang ang bakanteng agent ngayon. Gusto ko sanang i-assign ito sa mga subordinates ko but this mission is too big."

 "I understand." tanging saad ni Reymond saka nilingon ang nakahigang si Jennica. "I'll get it." then the earpiece turned off saka siya lumapit sa dalaga, "I'll be back."

"Sasama ako." 

He patted her head saka umiling, "Mapapahamak ka lang doon at nanghihina ka pa." he kissed the top of her head. "Bye." tumalikod na siya at tuluyan ng naglakad papunta sa pintuan.

Marahang umupo si Jennica sa kanyang kama, Whoah., saad niya sa isipan nang biglang umikot ang paningin. She concentrated her sight para tingnan ang papalabas na binata saka niya sinabing, "I love you." 

Napatigil sa paglalakad ang binata at awtomatikong napangiti, "I . . . " dahan-dahan siyang lumingon kay Jennica na ngayon ay nakangiti ng matamis, She's so beautiful., tanging isip niya bago tuluyang sinabing, " . . . I like you." 

Mas lalong napangiti si Jennica then she thought, That's enough for now. Whoah., her head spinned again pero nakangiti pa rin siyang nakatingin sa papalabas na binata.

***

NAKAPANGALUMBABANG tiningnan ni Elizabeth ang kanyang mga agents. Nasa Conference Unit sila ng kanilang sariling Headquarters for the finalization of Stage 5, "Code Genius . . . " nilingon naman ngayon ni Elizabeth si Diego Montes but then she can't look at him straight in the eyes, " . . . anong opinyon ni Diana tungkol dito?"

"She's fine. She understands." 

Napatango si Elizabeth, "Okay. Hindi maaring maunahan tayo ng 7th Generation sa pagcoconvert kay Dahlia bilang Code Techniue IV o Destructive Angel. Kahit anong mangyari, kailangan nating magtagumpay. And we should be extra careful. May isa na sa kanila ang nakakaalam ng tungkol sa proyektong ito."

"Sino?" tanong ni Logan Cabaron.

"My son."

As if on cue ay pumasok sa nasabing unit ang Code Genius ng ikapitong henerasyon dahilan para magkasalubong ang mga kilay ng ibang agents.

"He's on our side." dagdag pa ni Elizabeth Patriar.

"Tatraydorin mo ang mga kasamahan mo, Code Genius?" naaaliw na tanong ni Logan Cabaron.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now