Special Chapter: Reymond

688 37 51
                                    

KANINA pa ako pumaroon at pumarito. WTF. WTF. WTF. WTF.

"Tae Reymond. Upo!" saway sa akin ni Christian.

Eh paano ko gagawin iyan gayong—shit! Napasuntok ako sa dingding nang marinig ang malakas na ungol. Tiim bagang kong tinitigan ang pintuan, nasa loob nito ang aking asawa. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakikita. Papasok na sana ako kaya lang may pumigil sa akin.

"No."

"Oasis, shit! Nanganganak siya tapos wala ako sa tabi niya." oo inaamin ko. Naiinis ako ngayon. Ayaw niya ako sa tabi niya habang nanganganak siya. Nakakainis. Nasasaktan ako. Bakit ayaw niya ako sa kanyang tabi? Damn it! "Bitawan mo ako Oasis!"

Nakita ko kung paano niya tinapunan ng tingin si Lence na nagkibit-balikat lamang. Agad niya naman akong binitawan.

Sa pagpasok ko ay kitang-kita ko kung paanong unti-unting kinakarga ni mommy Eriz ang . . . sanggol.

"It's a girl." pahayag ni mommy.

Pakiramdam ko ay unti-unting nanghina ang aking tuhod nang marinig ang iyak ng sanggol.

"Reymond . . . " narinig kong tawag ni Jennica, " . . . I told . . . you not to—aaahhh!!!"

"Mom what's happening?!" tanong ko sa aking ina.

"Kunin mo ang sanggol."

Nanginginig na kinarga ko ang aking anak. Tama . . . ang aking anak. Isa na akong ama, "God. You're beautiful."

"Reymond, let me clean her." tulala kong ibinigay kay Cabaron ang anak ko. Siya kasi ang kinuhang assistant ni mommy.

Ibinaling ko ang tingin sa aking ina na panay ang pakikipag-usap kay Jen.

"Come on iha isa pa."

"Unhhh . . . aaahhh—"

"Don't open your mouth iha. Mawawalan ka ng hangin kapag ipinagpatuloy mo iyan."

"Unnhhh!!!"

Alanganin akong lumapit kay Jennica, sana pala nakinig na lang ako sa kanya. Parang ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon, "Come on baby, push!"

"Eh ikaw kaya rito?! Unnhhh!!!"

Ang babaeng ito talaga. Nahihirapan na nga nakukuha pang magtaray.

"A girl." muli akong napatingin sa aking ina na may hawak na sanggol.

Kambal. Kambal ang anak namin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Oh god—aaahhh!!!"

Hinawakan ko ang kamay ni Jennica. Pawis na pawis na siya. Shit! What the hell is happening! Don't tell me—

"Come on iha, isa na lang ito. Kaya mo iyan."

"T-triplets? T-triplets? T-triplets?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Malamang." rinig kong sagot sa akin ni Cabaron na kita kong seryosong nakatingin sa asawa ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at nilapitan siya saka mabilis siyang pinatalikod. Shit! Shit! I'm full of fucking cussing right now! Shit! "What?!" tanong niya sa akin.

"What your ass! Hindi ka pwedeng tumingin!" napaparanoid kong tugon. Narinig ko siyang tumawa pero agad kong binalewala iyon.

"A-a boy." rinig kong pahayag ng aking ina.

"Reymond . . . "

Tiningnan ko ang aking asawang nanghihina, "Mahal ko triplets sila!"

"Malamang . . . ako kaya ang umere . . . sa . . . kanila . . . " then she passed out.

The Philosopher Stones (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora