Chapter 52

565 31 49
                                    

NAGMAMADALING lumabas si Dahlia sa abandonadong building. Saka lang niya nalaman na gabi na pala at nasa gitna siya ng isang masukal na gubat. Nang mapalingon siya sa kanan ay kita niyang may daanan ito ng mga sasakyan, sa kaliwa naman ay parang may daanan ng para sa tao lamang, Saan ako pupunta?, tanong niya sa sarili.

Hahakbang na sana siya papunta sa kaliwa pero napatigil siya nang may napansin. Sa harapan, hindi masyadong kalayuan, ay may isa pang abandonadong building. Wala itong daanan na sadyang ginawa para sa mga tao kaya kung susuungin niya ito ay talagang mahihirapan siya. Maliban sa madilim ay posible pang may mga mababangis na hayop dito.

Pero malakas ang kutob ko na nandyan sila., sa isip niya dahilan para ihakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa harapan. Tama nga siya, masukal ang daang tinatahak, maraming nakakatusok na mga bagay pero agad naman siyang napangiti nang mapansin ang mga bali-baling sanga, halatang pinutol ito para madaanan ng maayos.

Tama ako. Nandito nga sila., sinundan na lamang ni Dahlia ang mga bagong putol na sanga at damo. Nakarating nga siya sa gusali ng maayos, she checked her arms na sa pagkakaalam niya ay may sugat pero naghilom na ito. Naroon pa ang peklat pero wala na ang sugat. Ngumiti siya at tumingin ulit sa building.

"Boo."

"Ay siopao!" napaatras ang dalaga at napahawak sa kanyang dibdib. Bigla kasing lumitaw ang kalbo sa kanyang harapan. Napatikhim siya at sineryoso ang mukha, "Nasaan sila?"

"Nasaan ang mga kasamahan ko?" ganting tanong ng kalbo.

"Ayun, tulog." nagkibit-balikat ang dalaga at muling nagtanong, "Nasaan sila?" 

Bubunot na sana ng baril ang mama kaya lang mabilis siyang nilapitan ng dalaga at binigyan ng uppercut, halos lumipad siya ng ilang metro saka bumagsak. Napahawak siya sa kanyang baba na sobrang sakit. Kinapang muli ng kalbo ang kanyang baril pero hindi niya ito makapa-kapa.

"Ito bang hinahanap mo?" itinaas ni Dahlia ang baril then disarmed it. Tinanggal niya ang mga bala nito at itinapon sa malayo. Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki na panay naman ang atras, "Huwag kang umatras kundi malalagot ka sa akin." utos niya rito. Tumigil nga ang kalbo, "Ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan sila." 

"Hindi ko sasabihin—" 

Hindi na naituloy ng kalbo ang kanyang sasabihin dahil inatake na ni Dahlia ito. Gamit ang kanyang kanang kamao ay sinuntok niya sa tiyan ang lalaki, pero hindi niya muna ito binigyan ng pwersa. Ngumiti siya ng nakakaloko rito at sinabing, "Sa oras na sinuntok kita ulit at inikot ko ang kamao ko, patay ka."

"H-hindi mo kayang gawin iyon!" tapang-tapangang bulyaw ng lalaki. Sa totoo lang ay kaya pa naman niyang lumaban kaya lang natatakot siya sa dalaga. Putang ina na! Nasaan na ang mga sugat niya kanina?!, inisip niya na baka engkanto o kung anumang masamang espiritu ang babae.

"Ah talaga?" mas lalong ngumisi si Dahlia, "Eh ano sa tingin mo ang ginawa ko sa mga kasamahan mo?" 

Mapapanawan na yata ng ulirat ang kalbo dahil sa takot, "N-nasa i-ikatlong p-palapag—" 

Hindi na pinatuloy ni Dahlia sa pagsasalita ang lalaki at binigyan ito ng isang chop sa leeg. Nang makita niyang nawalan na ito ng malay ay dali-dali siyang pumasok sa gusali na himalang may ilaw. Umakyat siya sa hagdan hanggang sa may makita siyang isang kwarto, malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang binubuksan ito.

R-rannieka., sambit ng dalaga sa isipan nang makita ang kaibigan. Nakatali ito at panay ang iyak.

"T-tulong . . . "

Dali-daling rumesponde si Dahlia at kinalagan ang pagkakatali sa kanyang matalik na kaibigan. "Rannieka tumakas ka na, ako ng bahala kay Reymond—" bago pa man matapos ni Dahlia ang kanyang sasabihin ay nakaramdam siya ng malamig na bagay sa kanyang ulo.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now