"Ako? Bakit naman kita papatayin? Ang bait bait ko kaya. Kumain ka na lang dyan..." Sabi ko na lang.

"Grab a seat and join me. Hindi yung mukha kang katulong dyan na nakatayo sa tabi." Wow ha? At hindi pa pala katulong ang turing nya sakin nito. Or papunta pa lang dun? Should i be glad?

"I'm done eating. I'd rather stay at the recieving area and work. Tawagin mo na lang ako to wash the dishes," hindi ko na hinintay ang sagot nya at naglakad na ako papunta sa living room.

I'm a wise woman and a girl scout during my elementary days. Kaya lagi akong ready. I brought my laptop para hindi masayang ang oras ko sa pagtunganga. Knowing Ice, hindi ko alam kung kelan ako papauwiin nyan. Baka nga umandar na naman ang trip nyan ngayon at paglinisin na naman ako ng buong bahay. Well, I just hope that he's not that cruel.

I sat down in one of the couches and put the laptop over the throw pillows in my lap. Saka ako sumandal sa headrest ng upuan. Nakaka-relax at parang napahinga ako sa pagod dahil sa dami ng niluto ko kanina. Which I dont put the blame to Ice since trip kong asarin sya sa dami ng kakainin nya ngayong gabi at sa susunod pang araw. Yun ay kung magkakasya sa fridge nya ang lahat ng food.

Kung bakit ba naman kasi ako pa ang naisip na paglutuin ng dinner nya. Pwede naman syang umorder sa restaurant. Mas convenient pa. Ayan tuloy... Kailangan nyang mag-grocery ulit ng food supplies dahil ubos ang food sa cabinet nya. Hihihi.

I laughed silently at the thought. Double purpose ang ginawa ko. Para magsisi na sya sa pagkuha ng service ko at tigilan na nya ang kondisyong naisip ko. Dahil sya lang naman ang nag-eenjoy. At hindi ako. Poor me.

I opened the folder on my laptop containing the list of floor plan sent to me by one of the architects of RCF, Inc. Sinimulan kong i-check lahat ang mga iyon habang relaxed na nakasandal pa rin sa headrest ng couch. Ano kayang brand ng couch na to ni Ice? Nakakawala ng sakit bg likod. I wanna buy one tomorrow.

I closed my eyes gently as I leaned my back at the backrest of the couch. Feeling so comfortable while sitting on it.

I felt something poking at my cheek. I tried to ignore it but it keeps on poking and disturbs me from sleeping. Kaya dahan-dahan akong dumilat seeing Ice as he's comfortably sitting in one of the couches across mine. Katulad nung nakaraan na naabutan nya rin akong natutulog dito after kong maglinis buong araw.

"It's the second time I caught you sleeping in my couch. Is it really the comfy that dragged you off to sleep?" He said with a mocking smile on his lips.

I slowly dragged myself up from leaning on the couch. Nakatulog pala ako. At hindi ko alam kung gaano katagal. Grabe! Napagod yata kasi ako sa buong araw kong pagtatrabaho at gusto ko nang magpahinga.

"I'm sorry... How long have I been sleeping?" I asked.

"30-45 minutes... I'm not sure." Nanlaki ang mata ko at napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa pag-aayos ng laptop.

"You must be kidding!" Hindi makapaniwala kong sabi.

"Why should i? Gusto na nga kitang buhatin pauwi sa bahay mo." He said teasingly.

"How could you! You should've woke me up!" Sa totoo lang, kahit inis ako sa lalaking to, nakakahiya pa rin naman na naabutan nya akong natutulog sa bahay nya.

My gosh, Clarisse! Ano pa ba ang kahihiyang kaya mong gawin???

Tumayo na ako sa couch nng mailagay ko ng tuluyan sa bag ang laptop na dala ko.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now