CHAPTER 14

160 4 3
                                    


SAPPHIRE'S POV:

"What the hell are you doing!?"......sa gulat ay nabitawan ko ang hawak kong mga damit na maayos kong itinupi muna bago ipasok sa maleta ko.Nanginginig ang kamay na lumingon ako sa kanya.

Ganoon na lang ang pagpipigil kong maiyak.I missed him.Sobra.It's been almost a month mula ng huli ko siyang makita.Pagkatapos nang gabing iyon sa Palawan ay agad kaming bumiyahe pabalik ng maynila kinabukasan na tila ba walang nangyari.

Nagulat pa nga ang mga in-laws ko sa agarang pag-uwi namin.Idinahilan ko na lamang na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya ganoon na sinang-ayunan naman ni Gabriel.

Nang sunod na mga araw ay balik sa dating gawi.Hindi na umuuwi sa bahay si Gabriel at sa opisina na ito halos tumira.I can't blame him.It's my fault anyway.Marahil ay sukang-suka na siyang makita ako.Kaya naman naisip kong mas makakabuti kung aalis na lang ako.Tutal wala ng silbi pa kung patuloy akong mananatili sa bahay.

Sa di-inaasahang pagkakataon ngayon pa talaga naisip umuwi ni Gabriel.Nagsusumigaw ang kagustuhan kong lumapit at yakapin siya.Ngayong nasa harap ko na siya ay parang ayoko na lang umalis.Pero bago pa man magbago ang isip ko ay tinalikuran ko siya at ipinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Pasensiya ka na kung naabutan mo pa ako dito.Tatapusin ko lang ito then aalis na ako."...mahinang sabi ko saka sinilid sa maleta ang natitira ko pang gamit.

"So you're leaving."....narinig kong tugon ni Gabriel.Mapait akong napangiti.Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang nagbabadyang luhang nais kumawala sa aking mata.Nagpakawala muna ako ng isang malalim na paghinga 'tapos ay nakangiting humarap sa kanya.

Muntik pa akong mapaatras ng magsalubong ang aming mga mata ni Gabriel.Napalunok ako.Nakakapangilabot ang titig na binibigay niya sa akin.Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.Yumuko na lamang ako dahil hindi ko kayang labanan ang nakakapasong titig ni Gabriel.

Aaminin ko nung mga oras na iyon ay takot na takot ako.Abot-abot ang kaba ko lalo na ng maramdaman ko ang paglapit ni Gabriel sa akin.Napapikit na lamang ako habang nakayuko pa rin.Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit ay lumuhod ako sa harap niya.Kung kailangan kong magmakaawa para mapatawad niya ako ay gagawin ko.

Bahagya pang napa-igtad si Gabriel,hindi niya ata inaasahan ang ginawa ko.

"I'm sorry.I'm very sorry Gabriel.Please patawarin mo ako.Alam kong kulang ang salitang sorry sa kasalanan nagawa ko.Tama ka....I'm such a selfish brat.Ni hindi...hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo.Promise itatama ko ang lahat.Alam kong gusto mo na mawala ako sa buhay mo,and yes I'm leaving now.Huwag kang mag-alala ipinaasikaso ko na sa lawyer ko ang annulment paper natin.Ipapadala ko na lang sayo para mapirmahan mo."....hindi pa rin kumilos si Gabriel na nanigas na ata sa kinatatayuan niya.Sinamantala ko iyon,tumayo ako at kinuha ang aking maleta.Palabas na ako ng pinto ng maramdaman ko ang marahas na paghila sa akin ni Gab.Mahigpit na hinawakan nito ang braso ko.

"Aray Gab nasasaktan ako!"...sa higpit ng hawak niya ay napasigaw ako sa sakit.Pinigil ko ang sariling mapaiyak ngunit hindi ako nagtagumpay.Tuloy-tuloy na pumatak ang luha ko.

"You are not going anywhere!Hindi ka aalis sa bahay na ito!"...nanlilisik ang matang turan ni Gabriel.Binitawan niya ang kamay ko at pabalyang inagaw ang hawak kong maleta.Binuksan niya ito saka inilabas ang lahat ng laman nito.Sa gulat ko ay hindi ako nakakilos.Nang matapos ay nakangisi niya akong hinarap.

"Gab hindi ba ito naman ang gusto mo.I'm just doing you a favor.Please hayaan mo na lang akong umalis!.".....sa kabila ng panginginig ng katawan ng dahil sa takot ay nagawa kong magsalita ng tuwid.Nakakatakot siya.Ano ba itong nagawa ko.Hindi si Gabriel itong kaharap ko.

HIS SECOND CHOICETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang