CHAPTER 8

227 4 1
                                    

WEDDING DAY

(opo tama kayo ng nabasa kasal na po nila agad- agad, sana sa totoong bahay ikasal din sila gd at dara.Ang saya nun,dream come true kumbaga hehehe....lol)



Hanggang ngayon pakiramdam ko nanaginip pa din ako.Hindi ako makapaniwalang ikakasal na talaga ako sa lalaking pinapangarap ko.

Kontra ang isip ko sa ideyang ito subalit ang puso ko ay gustong-gusto.Alam kong mali, pero andito na ang pagkakataon pakakawalan ko pa ba?Gagawin ko ito kasi sobrang mahal ko siya.Paninindigan ko na lang, bahala na.

At hindi ko rin aakalalaing walang pagdadalawang-isip si Gabriel sa pag-ayon sa kagustuhan ng parents ko lalong- lalo na ni dad na pakasalan ako.Kahit pa hindi sya sigurado kung may nangyari nga sa amin nung gabing iyon.

Marahil sadyang natakot lang si Gabriel sa mga magulang ko dahil sa makapangyarihan ang pamilya namin sa Bulacan kaya sya pumayag na pakasalan ako.

Days passed.Ilang beses kong tinangkang sabihin sa mga magulang ko na nothing happened between me and Gab but still ayaw nila akong pakinggan.Lalo na si dad, he's really disappointed to me.

Si Gabriel naman matapos ang araw na iyon ay naglahong parang bula.Kahit pa gusto ko syang kausapin at ipaalam sa kanya ang totoong nangyari, hindi ko sya macontact.Hindi naman ako makapunta sa kanila dahil ayaw akong palabasin sa bahay namin.In short kinulong ako ng parents ko sa mansyon namin dito sa Bulacan.

Inisip ko nga wala ng kasalan pang magaganap kasi wala talaga akong balita kay Gabriel.Pero nagkamali pala ako.Early morning kanina ay ginising ako ng mommy ko.Kasama nito ang isang make-up artist na may dala-dalang wedding gown.


Well-prepared na ang kasal, courtesy of my parents.Simple at pribado.Puro kamag-anak ko at kay Gabriel lang ang imbitado.








The wedding started.









Hindi ko mapigilang maging emosyonal habang unti-unting naglalakad palapit sa lalaking naghihintay sa akin sa altar.Mixed emotions ika nga.Masaya, excitement at higit sa lahat nakokonsensya ako.

Nakokonsensya ako para sa bestfriend ko dahil inagaw ko ang boyfriend nya at nakokonsensya ako para kay Gabriel dahil pumayag ako sa kasalang ito kahit na wala naman talagang nangyari sa amin.

Bigla akong huminto sa paglalakad, isang dipa na lang ang layo ko sa kanya.Hindi ko kayang ituloy ang kasal.Narinig ko pang napasinghap ang mga bisita.

Lumingon ako sa mga tao sa paligid.Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Sumulyap ako sa mga magulang ni Gabriel.Umiiyak ang mom nya.Siguro ay naaawa sya sa kanyang anak dahil ikakasal ito sa babaeng hindi nya naman mahal.Lalo akong nakonsensya.

Pagkatapos ay tumingin ako sa mga parents ko.My mom is crying also.Samantalang ang dad ko naman ay nakunot ang noo at seryosong naka "anong ginagawa mo?"look sa akin.

'Im sorry dad but I can't do this.'Still crying ay muli kong binalik ang atensyon ko kay Gabriel.He is looking at me blankly.Tatalikod na ako at plano ko ng maging runaway bride nang..........






















"Common Sapp kanina pa tayo hinihintay ni father.At kanina pa din kita hinihintay."-------masuyong sabi sakin ni Gabriel with wide smile na di ko naramdamang nakakapit na palo sa braso ko.

That smile.!Change my plan of running away.Gusto ko na palang ituloy ang kasal.

"You're beautiful and you can't escape sweetie."------bulong pa nya sa akin giving me goosebumps habang iginigiya ako papunta kay father.'Shocks!Napatitig ako sa kanya sa sinabi nyang iyon.Naalala nya na ba?'

Sa wakas ay natapos na ang seremonya at dumeretso na ang lahat sa reception.

"Im sorry Gabriel."--------hinging paumanhin ko dahil inuusig pa rin ako ng konsensya.Andito kami ngayon sa gitna doing our first dance as Mr. and Mrs Zamora.Lahat ng atensyon ay nasa aming dalawa.

"No need to say sorry Sapp.Marrying you is the right thing to do."

"But this is not what you want?Paano na si Louisa Gab?"......di ko mapigilang umiyak.

"Sshh...Please stop mentioning her Sapp.Were over."....tugon ni Gab sa akin subalit hindi nakaligtas sa akin ang kalungkutang nagdaan sa mga mata nya.At ang trahidor kong mga luha ayaw akong tigilan.

Pinahid ni Gabriel ang mga luha ko tapos ay tumitig sa akin.

"Ginusto kong pakasalan ka Sapp.At wala akong pinagsisisihan.Besides iniisip ko din baka mabuntis kita.Ayokong maging iresponsable.Ako nga itong dapat magsorry kasi nagpakalango ako sa alak at pinakialaman kita tapos wala pa akong maalala.This past few days kaya hindi ako nagpakita kasi nahihiya ako sayo.Sa nagawa ko galit ang parents mo sayo.Im really sorry sweety, pinilit ka nila tuloy ipakasal sa akin."......sinserong paliwanag ni Gabriel sa akin.

Nakatitig lang ako kay Gabriel habang nagsasalita ito.Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa kung ano ang mangyayari kung sakaling malaman nya ang tototo.Kakamuhian nya kaya ako?O makikinig sya sa paliwanag ko?

Pumikit ako at pilit na inalis sa isip ko ang mga agam- agam.Mas maganda siguro kung i-enjoy ko na lang muna ang kasal ko.Saka ko muna iisipin ang bukas.

"Beautiful."....narinig kong sabi ni Gabriel.Nakapikit pa rin ako samantalang malakas ang pakiramdam kong nakatitig lang sya sa akin.

Then the next thing I knew, he's kissing me.Napadilat ako pero muli din akong napapikit nung makita kong nakapikit si Gabriel habang hinahalikan ako.

Mahigpit akong napakapit sa batok niya samantalang lalo nya akong hinapit palapit sa kanya.Magkadikit na ang mga dibdib namin.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Lumalim lalo ang halikan naming iyon.Nakalimutan na namin ni Gabriel na maraming nanood sa amin  at tila ba kaming dalawa lang ang andun.Walang ni isa sa amin ang nais putulin ang halikan naming iyon.It goes deeper and deeper.





































"Uhum!Reception is not yet over.Bukas pa ang honeymoon.Patapusin nyo muna ang party mamaya nyo na ituloy yan if you cant wait until tomorrow."

'Shocks.!'Dun lang kami biglang natauhan.Bahagya ko pang naitulak si Gabriel.Pulang-pula na ako sa kahihiyan.Lahat ng bisita ay nakangiting nakatingin sa amin.Nakakahiya si daddy pa talaga ang umawat sa amin.Baka isipin nila hindi kami makapaghintay.

Sa kahihiyan ay nagtago ako sa malapad na dibdib ng asawa ko at yinakap nya ako( wow asawa talaga Sapp).'Why otor asawa ko naman na si Gabriel diba?'(sabi ko nga asawa ko este asawa mo hehehe)

"Shy type si misis pagpasensyahan nyo na."...pahayag ni Gabriel sa mga bisita na umani ng malakas na tudyuan mula sa mga kamag-anakan namin.

Nakurot ko tuloy sya na syang ikinatawa naman nya.Pero ano daw misis?Ang sarap sa pakiramdam.Kinilig ako ng lihim.Sana wala ng katapusan ang kasiyahan kong ito.

HIS SECOND CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon