CHAPTER 15

63 2 0
                                    


Ang pangyayaring iyon ay nasundan ng nasundan.Lalo na nung nakalipat na kami sa bago naming bahay.Hindi lang isa o dalawa kundi ibat-ibang babae ang naging bisita ni Gabriel sa bahay.Lahat iyon ay tiniis ko.

Noong umpisa ay umaalis ako ng bahay at sa hotel nagpapalipas ng gabi para hindi makita ang kalaswaan nila,ngunit kalaunan ay nasanay na akong makitang harap-harapang paglalandian ni Gabriel at ng babae niya.Saka isa pa sayang din ang nagagastos ko sa hotel.Kaya kahit masakit ay nagbulag-bulagan na lamang ako.

Pinilit kong magpakatatag sa harap nila pero walang gabing hindi ako umiyak sa kuwarto kapag nag-iisa na ako.Madalas pa nga ay tulala ako at wala sa sarili.

"Aray!".....napahawak ako sa bibig ko.Pambihira napaso pa dila 'ko.Nagluluto kasi ako ngayon ng sinigang na baboy.Tinikman ko ang sabaw.Sa sobrang pagmamadali ko ay nawala sa isip ko na mainit pala ito.

Napatingin ako sa orasan,sigurado ako na parating na si Gabriel at bisita niya.Bakit ba kasi nakatulog ako?Late na tuloy ako nakapagluto ng hapunan.

Nang masiguro kong maayos at handa na ang lahat sa kusina ay pumanhik na ako sa kuwarto.Ganito ang gawain ko sa araw-araw,matapos magluto ng hapunan ay nagkukulong na ako sa kuwarto dahil anumang oras ay darating na si Gab at kung sinumang babaeng kasama nito.Ayokong masaksihan ang kanilang paglalampungan.

Mabuti na lamang hindi dito sa mismong master bedroom dinadala ni Gab ang mga babae niya kundi sa guest room.Kaya naman kahit papano'y ipanagpapasalamat ko iyon.

Alas - nueve na ng gabi subalit wala pa rin ang pamilyar na na tunog ng hagikhikan at lampungan na gabi-gabi kong naririnig sa likod ng bawat dingding sa kuwarto.

Nakakapagtaka,kadalasan bago dumating ang ganitong oras ay nandito na ang asawa ko kasama ang babae niya.Pinakinggan kong mabuti ang paligid nang masiguro kong wala talagang ingay ay lumabas ako ng kuwarto.

Napahawak ako sa aking tiyan,gutom na ako.Lagi na lang ako nalilipasan ng gutom.Inaantay ko kasi munang makapasok sa guest room si Gab at babae niya bago ako lumabas para kumain.Kung alam ko lang na matagal palang makakauwi si Gab sana ay kumain na ako kanina pa.

Eksaktong katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ng asawa ko.Nagmamadali akong magpunas ng kamay sa takot na maabutan.

Dali-dali akong umakyat sa hagdan papanhik ngunit nasa ikalawang baitang pa lamang ako ay narinig kong may nagdoorbell.Ako'y napahinto.'Tama ba ang dinig ko?Ngunit sigurado akong si Gab ang dumating,may sarili siyang susi kaya bakit siya magdo-doorbell?'tanong ko sa sarili.

Marahil ay niloloko lamang ako ng aking pandinig dahil sa pagmamadali ko.Napapailing na muli akong umakyat subalit sunod-sunod na umingay ang doorbell.'Baka nakalimutan ang susi',isip-isip ko.Ayoko man siyang makita kasama ang babae niya ay lumabas ako para buksan ang gate dahil baka mamaya ay magalit pa si Gab sa akin.

Pero hindi ang asawa ko ang nakita kong nasa labas ng bahay,kundi si Hero ang sekretaryo nito.

"Magandang gabi po Mrs Zamora."alangan na bati nito.Tapos ay lumingon ito na sinundan niya naman niya ng tingin.Dumako ito sa sasakyang itim na pagmamay-ari ni Gabriel.

"Pasensiya na po nasa loob po ng kotse si Sir at lasing na lasing.Di na po niya kayang magmaneho kaya hinatid ko na."sabi nito.

"Ganoon ba.Salamat sa paghatid sa sir mo."at niluwagan ko ang bukas ng gate.

Lumapit ako sa kotse at nakita kong nakahiga sa passenger seat si Gab.Napabuntung hininga na lamang ako.'Kung hindi babae,kalasingan ang inuuwi nito.'malungkot kong sabi sa sarili ko.

Pinagtulungan namin ni Hero na ipasok sa loob ng bahay at ilapag sa kama ang asawa ko.

"Thank you ulit sa paghahatid sa amo mo Hero.Pero teka paano ka pala uuwi niyan?"..tanong ko dito.Nandito kami ngayon sa sala.Saka gabi na kasi at mahirap makahanap ng taxi sa ganitong oras.

"Naku huwag po kayong mag-alala maam nakapag-book na po ako ng grab sa katunayan ay malapit na daw po.Sige po uuwi na ako Mrs. Zamora."nakangiting paalam nito.

"Mag-iingat ka."saka umalis na ito at ako naman ay bumalik na sa taas.

Napatingin ako kay Gab.Dumapo ang palad ko sa kanyang maamong mukha.Hinaplos-haplos ko ito,mapait akong napangiti.Sa ganitong sitwasyon lang ako nakakalapit sa kanya.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito Gabriel? Hanggang kailan natin pahihirapan ang ating mga sarili?"..emosyonal kung tanong.Malakas ang loob ko na kausapin siya.Alam ko kasing hindi niya ako maririnig.

"Ang sakit sakit na..hirap na hirap na ako."at sa di mabilang na pagkakataon ay heto na naman ako umiiyak.Akala ko manhid na ako sa lahat ng sakit pero di pa pala.

"Kulang pa yang hirap na nararanasan mo sa ginawa mong panloloko sa akin."...malamig niyang tugon na siyang ikinagulat ako.Agad akong lumayo sa kanya.Pero nahawakan niya ako sa braso at napigilan ang paglayo ko.Matalim niya akong tiningnan.

'Akala ko ba lasing na lasing ang isang ito parang di naman.Hindi pa ako tapos sa pagdra-drama nagising na.Hays eto na naman po kami.'..bago pa siya magalit ay kumilos na ako.

"I-ku-kuha kita ng malinis na damit para makapagpalit ka."..subalit di niya pa din ako binitawan sa halip ay bumangon siya sa kama at naupo.

"Gab nas-sasaktan ako."sabi ko dahil mahigpit ang ginawa niyang paghawak sa braso ko.Pabalya niyang binitawan ang kamay ko.Sa lakas ay muntik pa akong matumba.

Napansin kong nagulat siya at ewan ko pero tila lumambot ang kanyang ekspresyon habang nakatitig sa akin.O namamalikmata lamang ako dahil nung muli ko siyang nilingon ay blanko naman ang kanyang mukha.

Bakit nga ba siya maaawa sa eh galit nga siya sa akin?Kulang na nga lang ay patayin niya ako.

"Ano pang hinihintay mo hubad na?!"...sigaw ni Gabriel habang nanunuyang nakamasid sa akin.

Sa nanlalaking mata ay napatingin ako sa kanya.Nanginginig na yinakap ko ang aking sarili.

"Anong klaseng pag-iinarte yan?Huwag mo nga akong tingnan na tila ba inosente ka pa at di pa natin nagagawa!"...saka walang pag-aalinlangan naghubad sa harap ko.

Oo nga naman bakit nga ba ako mag-iinarte pa eh ilang beses na namang may nangyari sa aming dalawa.Wala namang bago sa tuwing umuuwi siyang lasing at walang kasamang babae ay ganito ang senaryo namin.

Naalala ko pa noon unang gabing may nangyari sa amin.Ilang beses at paulit-ulit.Hindi siya tumigil hangga't di siya napapagod.Kahit pa nasasaktan na ako ay wala siyang pakialam.Ni hindi niya man lang inisip na unang beses ko iyon.

Sa sobrang martyr at kamanhidan sa pagmamahal kay Gabriel ay nagawa ko pang makiusap sa kanya ng gabing iyon.Awang-awa ako sa sarili ko nun, hindi ko akalain na kaya kong ibaba ng husto ang pagkatao ko para sa kanya.

Pinakiusapan ko siyang kung maari ay huwag na siyang magdala ng iba't ibang babae.Na katawan ko na lang ang gamitin niya.Kahit pa gabi-gabi ay handa akong maging parausan niya.Pero tila ba diring-diri siyang napatingin sa akin.

Aniya'y responsibilidad ko iyon bilang asawa niya kaya wala akong karapatang magreklamo.Saka magpasalamat pa daw ako kasi kahit papano'y pinagtiyatiyagaan niya ako kahit nandidiri siya sa akin.Pagkatapos ay basta na lamang akong iniwan sa kuwarto.

Naiwan na lamang akong natulala at napakuyom palad.Ilang minuto pa bago ako nakabawi.Sa awa ko sa sarili ay humagulhol ako ng iyak.Tanging pag-iyak na lamang ang kaya kong gawin.

Sa pag-iyak ako nakakuha ng kakampi.Kasi pakiramdam ko nag-iisa lang ako.Walang kakampi.Walang kaibigan na pwedeng mapagsabihan ng problema.Si Louisa lang naman ay tanging kaibigan ko...na sa huli ay inahas ko pa.

Ni hindi ko naman din masabi sa mga magulang ko ang tunay na nangyayari sa aming mag-asawa.Sa tuwing nagtatanong sila at nangungumusta ay puro masaya at puno ng sigla ang mga kwento ko.Kahit ang totoo sa likod nun ay ang sakit at pagdurusa.

"Natulala ka na diyan!Kilos na! O gusto mong ako pa maghubad ng suot mo?"...nababagot at galit na wika ni Gabriel.Saka pa lang ako kumilos.Sa takot na lalo siyang magalit ay may pagmamadaling nagtanggal ako ng saplot.Pagkatapos ay dinaluhan siya sa kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS SECOND CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon