CHAPTER 11

195 5 0
                                    

SAPPHIRE'S POV:

Happy and contented.Ayan ang nararamdaman ko ngayon sa lahat ng effort na ginagawa ni Gabriel para makabawi sa akin.Seryoso talaga sya sa pangakong babawi sya.

Siguro nga hindi ko pa kayang palitan si Louisa sa puso nya at hindi nya ako mamahalin katulad ng pagmamahal nya para dito, pero okay na sa akin ang ganitong binibigyan nya na ako ng halaga.

Kung dati ay napakaaga nyang umaalis para pumasok sa opisina at hating gabi na sa pag-uwi, ngayo'y kabaliktaran na.Sabay na kaming nakakakain ng agahan maging sa hapunan dahil mas maaga na syang umuuwi ng bahay.

May panahon na rin syang mamasyal kasama ko tuwing weekend.Tulad ngayon dumalaw kami sa aming mga magulang.Ilang buwan na din kasi kaming hindi nagagawi sa kanila.Lalo na sa parents ko.Namimiss ko na sila.

"Buti naman ay naisipan nyong dumalaw dito sa bahay."....ani ni daddy sa amin ni Gabriel, kasalukuyang nasa sala kami at katatapos lang namin kumain ng lunch.

"Pasensya na po kayo Dad, Mom nitong nakaraan buwan naging abala po kasi ako sa kumpanya namin.Di naman po lingid sa inyong kaalaman ang nangyari sa daddy ko.".....paliwanag ni Gabriel.

"Oo nga pala kumusta na si balae?".....si mommy

"Okay naman na po sya.Kailangan nya lang po talaga muna magpahinga."

"That's good."....wika ni mommy samantalang si dad naman ay saglit na nagpaalam upang sagutin ang tawag sa kanyang telepeno.

Matapos ang ilang pangungumusta sa magulang ng asawa ko ay ako naman ang binalingan ni mommy. "How about you princess,tumataba yata ang baby ko mukhang hiyang sa buhay may asawa ah."

"Syempre naman po 'my, lagi kaya akong binubusog ng asawa ko sa masasarap na pagkain.".....masayang tugon ko sa mom ko.

"Mabuti at hindi mo pinabayaan itong anak ko."...si daddy iyon na katatapos lang makipag-usap sa telepeno.Seryoso pa itong nakatingin sa asawa ko.

"Dad, alagang-alaga po kaya ako ni Gabriel.".....parang batang kwento ko pa sa daddy ko.Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin nito lubusang tanggap ang pagpapakasal ko kay Gabriel at hindi nya ganoon kagusto para sa akin ang asawa ko.

"Iho, Im warning you dont spoil my daughter too much.At ikaw naman Sapphire Elaine,dont tell me palagi itong asawa mo ang nagluluto pati na rin gumagawa ng gawaing-bahay?Naku anak may asawa ka na.Be responsible!".....sita sa akin ni mom, wala kasi kaming kasambahay, sa condo lang kasi kami ni Gabriel nakatira at kasalukuyang tinatapos pa kasi iyong bahay na titirhan naming mag-asawa.Saka na kami kukuha ng katulong pag nakalipat na kami.

"Mom ang OA nyo po.Masipag po kaya ako maglinis ng bahay saka sa umaga lang naman po nagluluto itong si Gabriel,kasi diba mom hindi naman po ako early bird tapos sa hapunan namin ako na po nagluluto."

"Nagluluto o nagpapa-deliver ka?"

"Wow 'my paano nyo po nalaman?"....nakangiti ko pang tanong.

"See.Ngayon ako nagsisisi kung bakit ka namin ini-spoiled ng daddy mo."....napapa-iling na wika ni mommy.Napanguso ako sa sinabi nya samantalang nung lingunin ko si Gabriel ay nahuli kong pasimpleng tumatawa.Inirapan ko ang huli.

Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto.Puro prito lang alam ko saka minsan nanunuod ako sa youtube kung may gusto akong lutuin.Kaso ewan ko ba hindi ko makuha-kuha, kaya madalas na uuwi sa pagpapadeliver.Minsan naman kapag maaga nakakauwi si Gabriel sa condo sya na ang nagluluto.

HIS SECOND CHOICEWhere stories live. Discover now