CHAPTER 3

253 5 0
                                    

I found myself dreaming
In silver and gold
Like a scene from a movie
That every broken heart knows


We were walking on moonlight
And you pulled me close
Split second and you disappeared
And then I was all alone
.................

(ringtone po ng phone ko)

Nagising ako sa ingay ng phone ko.Sino naman kaya tong tumatawag.Ang aga-aga nang-iistorbo.

"Hello?"sagot ko dito habang nakapikit.Pano inaantok pa ako.Epal lang tong caller ko.

"Sapp?!Buti naman sinagot mo na kanina pa kaya ko tumatawag.!"

Syete muntik kong mabitawan ang phone ko.Makasigaw naman kasi tong si Louisa makabasag eardrum.Pakiramdam ko nawala antok ko eh.

"Magkasama na lang tayo tumatawag ka pa.Ganyan na ba ang way mo sa panggigising?Sana kinatok mo na lang ako andito lang naman ako sa kabilang kwarto."

"Loka wala ako dyan.Nandito ako ngayon sa studio.Maaga akong umalis dyan.May pictorial ako every weekends, remember?"

Sa sinabi nyang yun ay napatingin ako sa orasan ko.Natampal ko noo ko nung makita kong past 10 na pala at tinanghali na ako ng gising.

"Kagigising mo lang noh?Grabe ka bessy kahit kailan love mo talaga yang kama mo."..narinig kong komento ni Louisa sa kabilang linya.Masisisi nyo ba ako masarap kayang matulog.

"Uh-huh..,what time ka ba uuwi? Dito ka ba magla-lunch?"..tanong ko sa kanya.Bumangon na rin ako at nagligpit ng pinaghigaan.

"Actually that's the reason why I call.Hindi ako makakauwi ng lunch.So  just cook for yourself.Mamayang hapon pa ako makakuwi."

Nagtaka naman ako kung bakit sya aabutin ng hapon sa studio.Usually by lunch eh natatapos na ang pictorial nya.Hindi naman sya full time model kaya maaga syang pinapauwi ng kanyang manager.Tatanungin ko na sana sya nang bigla syang nagsalita.

"Hindi pa kami tapos Sapp."

"Cathleen, common let's go."..narinig kong may tumawag sa kanya, boses lalaki.Imposibleng si Gabriel iyon kasi malayo sa boses.At lalong hindi ang kanyang manager dahil babae ito.Maybe one of the staff sa studio.Ugh! Bakit nga ba ako nako- curious?

"Ah Bessy, I call you later.I have to go.Bye."

"Teka wait,.."binabaan na pala ako.May tatanong pa ako eh.Hay hayaan na nga.Lumabas na ako ng kwarto.Kailangan ko pang magluto pala.Nagugutom na din ako.

Napangiti ako pagkarating ko sa kusina.May nakatakip na pagkain sa mesa.Mukhang nagluto ng almusal si Louisa bago umalis.Alam na alam nyang tanghali na ko gigising.Mahal talaga ako ng bestfriend ko.

Almost 3 years na din kaming magkasama ni Louisa sa apartment na ito.Sa kanya talaga ito.Courtesy of her parents.Walking distance lang ito mula sa St.Joseph College, medyo malayo kasi ang school sa bahay namin kaya pinakiusapan nya parents nya to buy this property para nga naman malapit lang.

Mas naunang lumipat si Louisa dito kesa sa akin.Strict kasi parents ko at nung una ay hindi sila pumayag na tumira ako dito.Kaso after a year nagbago ang isip nila dahil madalas akong late sa classes ko.Sabi ko nga masarap kasing matulog.

HIS SECOND CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon