CHAPTER 7

180 4 1
                                    

SAPPHIRE'S POV:

'Sh*t! Ang tanga ko! Hindi pala ako nakapagdala ng damit.!'

Tinampal ko ang sariling noo sa sobrang inis.Andito ako ngayon sa cr sa loob ng kwarto ko at katatapos ko lang maligo.'Paano 'ko nito lalabas?'

Sinadya ko pa naman gumising ng maaga para lang makaligo agad kahit pa masakit ang likod ko dahil sa sofa sa sala ako natulog kagabi.

Tapos ay nagdahan-dahan pa akong pumasok kanina sa sarili kong kwarto, huwag lang syang magising.At sa kamalasan ay di pala ako nakagdala ng bihisan.'Tsk!'

Matapos ang ilang segundong pagmamaktol ay pinasya ko ding lumabas ng cr.Pinagdasal ko na lang na sana ay tulog pa siya.Nakahinga ako ng maluwag nung makita kong tulog pa nga.

Dahan-dahan akong tumungo sa closet ko ngunit bago pa ako makakuha ng damit ay may biglang ngsalita sa likod ko.

"Who are you?"

Napahigpit ang kapit ko sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko.

"Hey Miss?!"...tawag nya pa sa akin dahil di pa ako lumilingon.

Kagat labing lumingon ako sa kanya.

"Sapphire?!".....mukhang wala syang maalala sa nangyari kagabi base na rin sa gulat na reaksyon nya ng mapagsino ako.

"Ga- gabriel gi- gising ka na pala."...nauutal kong tugon sa kanya.

Tumitig sya sa akin saglit pagkatapos ay nilibot ang kanyang paningin sa buong kwarto.

"F*ck."....narinig kong mura ni Gabriel nung dumako ang kanyang tingin sa mga damit nyang nakakalat sa sahig.

Muli nyang itinuon ang atensyon sa akin.Hindi ko alam pero napayuko ako.Siguro dahil sa kahihiyan.Napapitlag pa ako nung maramdaman kong hinawakan nya ako sa kamay.

"Did we---------?"....di nya na natuloy pa ang sasabihin dahil.......

"Oh my God!/Anong ibig sabihin nito?!"

'Shocks!'Tinakasan na yata ako ng lahat ng dugo sa sobrang takot sa boses na narinig ko.My parents.Paano ko ito ipapaliwanag sa kanila.Nanginginig na ako sa kaba at nung lingunin ko si Gabriel ay ganon din sya.

"What did you do to my daughter??!You bastard!!"

Galit na galit ang daddy ko.Binigyan nya ng isang malakas na suntok si Gabriel.At hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na pangyayari dahil nagdilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.








3rD PERSON'S POV:

Agad na dinaluhan ni Mayor Sandra Blanco(mayor ito sa isang bayan sa Bulacan)ang anak na si Sapphire nang mahimatay ito samantalang ang asawa nitong nagpupuyos sa galit na si Gov. Tristan Blanco(sa bulacan din)ay inutusang magbihis si Gabriel tapos ay pinasunod ito sa sala.

Dali- dali na mang sumunod ang binatang takot na takot sa gobernador.

Laking pasasalamat ng mayora ng magising ang anak matapos ang halos kalahating oras na wala itong malay.Puno ng katanungan ang isip ng ginang.Hindi ito makapaniwala sa eksenang nadatnan.

"Princess, kumusta ang pakiramdam mo?"...tanong ng mayora sa anak.

Hindi sinagot ni Sapphire ang tanong ng ina sa halip ay tinanong nito kung nasaan ang daddy nito at si Gabriel.

"Blag!!!"...isang malakas na kalabog mula sa sala ang narinig ng mag-ina, kaya naman ay biglang bangon si Sapphire at tumakbo palabas ng kwarto.

Napahawak sa bibig si Sapphire sa nakita sa sala ganoon din ang ina nitong sumunod na pala.Nakabulagta sa sahig si Gabriel at tila wala na itong malay.

Sapphire's Pov:

"Gabriel!!!".......Awang -awa ako sa kanya ,gusto ko sanang lumapit kaso ay pinigilan ako ni mommy marahil na rin sa masamang tinging ipinukol sa akin ni daddy.

"Paanong wala kang matandaan ha?!"....pilit na tinatayo ni dad si Gabriel.

"Wala po talaga akong maalala tito.Lasing na lasing po ako kagabi.Nagsasabi po ako ng totoo."...paliwanag ni Gabriel sa daddy ko.

"Talagang inuubos mo ang pasensya ko ha!"....akmang susuntukin ulit ni dad ito buti ay maagap kong naiharang ang sarili ko kay Gabriel.

"Dad tama na po!Let me explain everything please.Wala-------"..'Pak!!'...sasabihin ko sanang wala naman nangyari sa amin ni Gabriel pero bigla akong sinampal ng daddy ko.

Sa lakas ng sampal ni dad feeling ko natanggal ang panga ko.Never kong naranasang pagbuhatan ng kamay ng daddy ko as in ngayon lang.Im his princess.Napaiyak ako.Galit na galit talaga sya sa akin.

"I dont need your damn explanation Sapphire Elaine.All these years, wala kaming ginawa ng mommy mo kundi suportahan ka sa lahat ng gusto mo.Paano mo nagawa ito at pumatol ka pa sa boyfriend ng bestfriend mo?!!Ganyan ka ba namin pinalaki ha?!!"....mahabang sermon nito sa akin.

Lalo akong napaiyak sa sinabi ni dad.Naalala ko si Louisa.Kinurot na naman ako ng konsensya ko.Marahil ay walang nangyari sa amin ni Gabriel pero hindi maaalis ang katotohanang muntik na akong tuluyang bumigay kung di pa ako nagising sa aking kahibangan.

But God knows the truth.Nothing happened at dapat silang maniwala sa akin.Lalo akong nakonsensya sa sinapit ni Gabriel.He doesnt deserve this.Its my fault.

"Dad please it's not what you think."

"Shut up!!"...sagot ng daddy sa akin at binalingan si Gabriel.

"Marry my daughter as soon as possible kung ayaw mong kasuhan kita ng rape!Naiintindihan mo?!!"

"Dad!"...histerikal kong kontra sa daddy ko.Kailangan kong gumawa ng paraan.Kahit pa pangarap kong ikasal kay Gabriel ay hindi naman kaya ng konsensya kong magpakasal sa kanya dahil wala naman talagang nangyari sa amin.

Tumingin lang ng masama si daddy sa akin.'Shocks!!Sa sobrang takot ko ay hindi ko na nagawang magsalita pa.

"Ano tatawag na ba ako ng pulis?"..baling kay Gabriel.

At hindi ko inaasahan ang maririnig ko kay Gabriel.Parang gusto ko ulit himatayin.























"Hindi na po kailangan tito......tita.Pakakasalan ko po ang anak nyo."

Hinawakan nya pa talaga ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.



















"Pananagutan ko po si Sapphire."..seryoso pa nitong pahayag.

'Shocks!If this is just a dream please wag nyo na po akong gisingin.

"Gabriel anak!"

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig.It's Gabriel's parent kasama pa ang lolo't lola nya.

Nanlaki ang mga mata ko.'Ano ito mamanhikan na ba sila?Agad- agad?'Muli ay nagtama ang mga mata namin ni Gabriel.At sa pangalawang pagkakataon ay nawalan ako ng malay.

a/n:

sorry po now lang ng-update ang lola nyo.Naging busy lang po this past few days.Hope na maintindhan nyo po ulit.Please do vote for my story and comment na rin po.Love yah😚😚😚😚😚

HIS SECOND CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon