CHAPTER 9

211 5 2
                                    


SAPPHIRE'S POV:

2:30 na hindi pa din ako natutulog, hinihintay ko ang asawa ko.Hindi ko maiwasang malungkot, kinabukasan kasi matapos ang kasal namin ni Gabriel ay halos hindi na kami magkita kahit pa nakatira kami sa iisang bahay.

Lagi syang busy.Madalas late ito kung umuwi.Sa umaga naman ang aga nyang umaalis.Pakiramdam ko nga iniiwasan nya ako na para bang may sakit akong nakakahawa.

Pero naintindihan ko naman si Gabriel eh, kailangan sya ng kanilang kumpanya.Nakalimutan kong sabihin, hindi pala natuloy ang honeymoon naming mag-asawa.Kasi imbes na sa Maldives ang punta namin ay sa ospital kami tumungo.Inatake kasi sa puso ang daddy ni Gab.Ayon na rin sa doktor ibayong pahinga ang kailangan nito, kaya naman ang asawa ko na ang umasikaso sa negosyo ng pamilya nila.

Nag-aalala na ako.Madaling-araw na pero wala pa si Gabriel.Hindi naman sya nagpasabi na uumagahin na sya ng uwi.Sa totoo lang ay lagi kong hinihintay ang pag-uwi nya pero hindi nya alam iyon.Pagdumarating kasi sya ay nagtutulog-tulugan ako.

Kaya kabisado ko na ang oras ng kanyang uwi.Pasado alasdose kadalasan ang uwi ni Gabriel, at ngayon lang sya pumalya.

Napabalikwas ako ng gising ng biglang may tumapik sa mukha ko.Ang asawa ko, kunot-nuong nakatingin sa akin.Nakatulog na pala ako dito sa sala sa paghihintay sa kanya.Gumawi ang tingin ko sa orasang nakasabit sa may dingding, 4:00 am na at ngayon lang sya umuwi.

"Kakauwi mo lang ?Bakit inumaga ka na?"...takang-tanong ko kay Gabriel at hindi ko maiwasang mainis.

"Why did you slept here instead in our room?"..sa halip na sagutin ang tanong ko ay ito ang sinagot nya, na lalong kinainis ko.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko sya sinagot.Tumayo ako at nakasimangot na nagmartsa papunta sa kwarto naming mag-asawa.

Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko sya pinansin.Tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto.Padabog kong sinara ang pinto at nahiga sa kama.Napuno na talaga ako.Uwi pa ba ng matinong may-asawa iyon?Kainis!

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pang Gabriel na sumunod.Nakakairita sya!Wala ba talaga syang pakialam sa akin?Alam nya na ngang nagagalit ako.Umaasa pa naman ako na susuyuin nya ako.

Babangon na sana ako ngunit napansin kong pumihit ang seradura ng pinto.Senyales na papasok na sa kwarto si Gabriel.Mabilis akong tumagilid ng higa at nagkunwaring tulog.

Naramdaman kong humiga sa aking tabi ang asawa ko.Rinig ko ang pagbuntong- hininga nya.Ganoon na lang ang pagtaas ng balahibo ko dahil yumakap sya sa akin.Nagrigodon ang puso ko.Halos dalawang buwan na rin kaming kasal ni Gabriel pero ngayon nya lang ako niyakap.

"I'm sorry Sapp, hindi ko alam na naghanda ka pala para sa birthday ko."...mahinang bulong nya sa likod ko.

'Paano mo nga malalaman eh umaga ka na umuwi.'Gusto ko sanang isumbat sa kanya.Subalit sinarili ko na lang at patuloy na nagpanggap na tulog.Nakakasama ng loob.Nag-abala pa naman akong ipagluto sya ng mga paborito nya dahil kaarawan nya kagabi.Kaya nga nagtyaga akong magpuyat at hintayin syang umuwi kasi gusto ko syang isorpresa.

Nag-effort pa man din ako, nasayang lang.

"Nagkaroon kasi ng konting salu-salo sa opisina.'Tapos ay nagkayayaan uminom sa isang bar, hindi ko matanggihan ang mga empleyado ko.That's why I'm late."....paliwanag sa akin ni Gabriel habang nakayakap pa rin sa likod ko.

Nakakalungkot isiping mas malakas sa kanya ang kanyang mga empleyado kesa sa akin na asawa nya.Sabagay ganon siguro talaga pag di ka mahal.Mas uunahin ang iba at kakalimutan ka lang.Ang sakit pala.Ang hirap ipilit ang sarili sa taong di ka mahal at napilitan lang pakasalan ka.

"Sapp, I know you're awake."

Ginawa ko naman lahat.Pinagsilbihan ko sya.Kahit pa alam kong sinasadya nyang umuwi ng late kasi iniiwasan nya ako.Saka alam ko din na kahit sabi nyang ginusto nyang pakasalan nya ako ay ramdam kong labag ito sa kalooban nya, na napilitan lang sya kasi wala syang choice.

Asawa nya lang ako sa papel at si Louisa pa rin ang mahal nya.Siguro kung ang bestfriend ko ang napangasawa nya ay lagi syang uuwi ng maaga.Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang maiyak.

"Sh*t umiiyak ka!"...napalakas siguro ang paghikbi ko.

Pilit akong hinarap ni Gabriel sa kanya.Itinihaya nya ako.Ngunit nanatili akong nakapikit habang patuloy na umaagos ang luha ko.Hindi ko na maawat ang sarili ko sa pag-iyak.

"Oh please Sapp stop crying.I'm sorry.Tahan na please sweetheart."....rinig kong pang-aalo sa akin ni Gabriel na hindi magkanda-ugaga sa pagpunas sa mga luha kong ayaw tumigil sa pag-landas.

Hindi pa rin ako dumilat.Hanggang sa naramdaman kong pinapaliguan na ako ng halik sa mukha nang aking asawa.Mula sa buhok, sa noo, sa magkabilang mata pati sa ilong at bawat parte ng aking pisngi at sa huli sa aking labi na mariin nyang hinalikan na syang nagpadilat sa akin.

"Alam kong malaki ang pagkukulang ko at hindi ako naging mabuting asawa sayo.Hayaan mo akong bumawi Sapp.Patawarin mo sana ako.Hush now please sweetie, I dont like to see you crying."....paglalambing ni Gabriel sa akin.

Walang salitang lumabas sa bibig ko.Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata nya at ganoon din sya sa akin.Ang kaninang walang tigil kong luha ay unti-unting napapawi.Ramdan kong sinsero sya sa kanyang binitiwang salita kita ko iyon sa mga mata ni Gabriel.

Muli nitong pinunasan ang mga tirang luha ko pagkatapos ay pinaglapat nya ang aming mga labi.Akala ko'y dampi lang ang gagawin nya pero naramdaman ko ang paggalaw na kanyang mga labi n tila ba hinahamon ang labi ko.

Napaawang ang bibig ko dahil sa mapanuksong dila ni Gabriel na naglalaro sa ibabaw ng nakasara kong labi.Sa puntong iyon ay di ko na napigilan pang tugunin ang halik ng asawa ko.Ipinasok nito ang ekspertong dila nya sya aking bibig at hinalughog ang loob.

"Uhmmmmm."...napaungol ako ng marahang kinagat at sinipsip ni Gabriel ang ibabang labi ko.'God how I missed my husband's kisses'.Ngayon lang naulit ang halikan namin iyon simula nung gabi ng aming kasal.

His an expert kisser.Lahat ng galit, sama ng loob, pagkainis at pagtatampo ko sa kanya ay naglahong parang bula dahil sa nakakalasing na halik nya ngayon sa akin.

Sabay kaming napabitiw sa halik nang makaramdam kami ng pangangailangan ng hangin.Nagkatitigan kaming dalawa.My Gabriel smiled.'Oh Lord, I'm so deeply inlove with him.How can I resist his smile.

"Sleep now sweetie.Alam kong hindi ka nakatulog ng maayos kakahintay sa akin.Let's sleep together.Have some rest dahil marami tayong gagawin mamaya paggising."....nakangiting sabi ng aking asawa.

Kumunot ang noo ko.Anong ibig sabihin nyang gagawin namin.Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

"Common Sapp, di ba babawi ako.Stop thinking nonsense okay.For now, matulog muna tayo."...... sabi ni Gabriel na hinalikan pa ako sa noo pagkatapos ay humiga na din sa tabi ko at yumakap sa akin.

"And thank you for the gift sweetie, it's beautiful, nagustuhan ko"..pahabol na bulong nito sa akin habang nakapikit.

Napasulyap ako sa braso ng asawa ko, ngayon ko lang napansin na suot nya na pala ang relong regalo ko sa kanya.Dahil doon ay napangiti ako at tuluyan na ding pumikit.

Dahil doon ay napangiti ako at tuluyan na ding pumikit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Sapphire's gift to Gabriel❤❤❤❤)

HIS SECOND CHOICEWhere stories live. Discover now