CHAPTER 12

129 5 0
                                    


A/N:(pasingit ng konti😊😊)

nais ko pong magpasalamat sa nagtyatyagang basahin ang boring kong story hehehe...special mention kina CarlCO and GRAZHY24 for voting and commenting sa story ko, sobrang naappreciate ko po yun saka bukod po sa daragon eh nakadagdag inspirasyon din po kayo sa akin ☺☺☺

SAPPHIRE

"In every happiness there is a sadness"




This is it na talaga!Makalipas ang limang buwan ng pagiging mag-asawa namin ni Gab ngayon pa lang matutuloy ang honeymoon.Naka-book kami sa isang kilalang resort sa Palawan for a week at mamaya na ang flight namin.Nakapag-impake na ako at inaantay ko na lang si Gab na sunduin ako dumaan muna sya saglit sa opisina.


Gusto sana ng kapwa parents namin ni Gab na sa ibang bansa gawin ang honeymoon yun kasi ang orihinal na plano kaso tumanggi si Gab.Hindi ko naman sya masisisi kasi katwiran nya mas mainam kung dito lang sa Pilipinas dahil agad daw syang makakabalik kung may emergency sa opisina.Nag-aalala pa din kasi sya kay daddy Daniel ito muna kasi ang pansamantalang hahawak muli ng kanilang kumpanya habang nasa Palawan kami.


I found myself dreaming
In silver and gold
Like a scene from a movie
That every broken heart knows


We were walking on moonlight...


Kunot-noong napatingin ako sa phone ko.Unknown caller?


And you pulled me close
Split second....


Sinu naman kaya itong tumatawag?Bago pa sumakit ang ulo ko kakahula eh sinagot ko na.


"Hello?"


[Hello Sapp?Bessy?].....natigilan ako.Muntik ko pang mabitiwan ang phone ko.Parang hindi yata ako makahinga.Kilalang-kilala ko ang nasa kabilang linya.Alam na ba nya?


[Hello?Hello?Sapp?].....Oh please paano nya nalaman ang number ko?Huminga ako ng malalim bago magsalita.


"Louisa, yeah its me".....Ang tagal kong iniwasan ang pagkakataon na ito.


[God Sapp it's been 5 months!Matagal na kitang tinatawagan pero hindi kita makontak.Andaya mo nagpalit ka na pala ng number di mo man lang sinabi.].....ramdam ko sa boses nya ang pagtatampo.


Bigla ay naiyak ako.Mali mas tamang sabihing napahagulhol ako ng iyak.Heto na naman itong pamilyar na pakiramdam na pilit kong inaalis.


"I'm sorry bessy...I'm sorry!!"....napakasama kong kaibigan.Pano ko sasabihing sa kanya na sinadya kong magpalit ng number dahil hindi ko sya kayang kausapin.


[Sapp!Oh my God stop crying!Nagtatampo lang ako pero di ako galit.Saka alam ko naman na di mo sinasadyang hindi ipaalam sa akin kasi dakilang makakalimutin ka.And besides naging busy din ako dito kaya honestly wala akong masyadong time para tumawag sa inyo dyan.]Bahagya pa itong tumawa.


Awtomatikong natigil ako sa pag-iyak sa sinabi ni Louisa.Malinaw na wala pa syang kaalam-alam tungkol sa amin ni Gabriel.Aaminin ko nakahinga ako ng maluwag at bahagya akong sumaya.


Masama na kung masama.Sabihin nyo ng makasarili ako.Pero wala akong planong ipaalam sa kanya ang totoo.Hindi ko kaya.Mahal na mahal ko si Gabriel at ayoko ko syang mawala sa akin.


[Hey bessy?Are you still there?]


"O-o andito pa ako.I'm sorry bessy,alam mo naman ako si kalimot.Ah k-kumusta ka na, okay ka lang ba dyan?"


HIS SECOND CHOICEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora