CHAPTER 1

404 4 0
                                    

SAPPHIRE'S POV

"Ladies and gentlemen, this year's campus sweetheart is no other than.....

"O.M.G.!!ayan na tatawagin na nila ako.For sure im the winner."diba Wendy.

"Wag ka ngang assuming Hazel!Malamang sya pa rin manalo noh.Every year naman eh siya lagi!"..pambabara ni Wendy sa katabi nito.

"Sabagay agree ako sayo girl,kesa naman yung isang yun ang manalo."sabay turo sa akin na animoy diring diri pa.

"Naku siguradong end of the world na pag siya nanalo".at nagtawanan sila habang nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin.

Grabe sila sa akin.Harap-harapan kung mang-insulto.Tama naman sila, 0% ang chance na manalo ako.Ewan ko ba bakit nasali ako dito eh ang pangit ko naman.Hay naku pabayaan ko na nga lang sila.Napatingin ako sa tabi ko.Ang ganda niya talaga.No doubt na sya ulit ang mananalo.

"Okay this is it na talaga"..rinig kong pagpapatuloy ng emcee.
"She's no other than,..Sapphire Elaine Blanco"....

"What??!!As in ako!?Tama ba dinig ko!?..di ako makapaniwala na ako ang nanalo.Tumingin ako sa paligid..at nakita kong hindi ako nag-iisa base sa napansin kong reaksyon nila di rin sila makapaniwala.Mukhang tutol sila sa pagkapanalo ko lalong lalo na yung dalawang bruha sa harapan ko.At bago pa may magprotesta sa aking pagkapanalo eh dali- dali na akong pumunta sa gitna ng stage habang pakaway- kaway pa ala Sandara Park.

Ganito pala ang feeling ng winner.Binabawi ko na yung sinabi ko kaninang pangit ako.Dahil ang totoo ang ganda- ganda ko pala.Ako si Sapphire Elaine Blanco,20 years old,4th year MassComm student ang pinakamaganda sa buong campus ng St. Joseph College with matching kaway-kaway.

Teka bakit parang nagiiba ang awra ng emcee.Nakikita kong galit na sya.Pati ba naman sya hindi tanggap na ako ang nanalo.But I dont care,basta ako ang winner.Period.

Ready na ako sa speech ko nang biglang may bumato sa akin ng eraser at tumama sa mismong noo ko.Lihim akong napaaray.Ang sakit lang.Ganito sila ka brutal sa akin sa hindi sa pagsang-ayon sa aking pagkapanalo.

Napatingin ako sa eraser...,teka eraser ni Prof. Agustin ito ayon na rin sa name na nakasulat dito.Napasulyap ako sa paligid ko,then realization hit me.All along nangangarap lang pala ako.At sa kamalasan ko pa sa mismong klase ng tinaguriang terror Prof. ng MassComm Department.Patay lagot na!At kung hindi pa ako binato ng eraser ay hindi ako magigising sa kahibangan ko.

"So are you done with your daydreaming in my class, Ms. Blanco?"..paninita sa akin ni Prof. Agustin na halatang nanggigigil sa galit sa akin.Pakiramdam ko hindi lang eraser ang gustong ibato nito sa akin kundi lahat ng belongings nya na nasa ibabaw ng kanyang table.

"Care to share it with us Ms. Blanco?Mukhang maganda eh.What are you?A beauty queen wanna be na nakuha mo pang kumaway-kaway sa harap ng klase?"..panunuya nito sa akin habang nakataas ang kilay.At sa sinabi nyang iyon ay naging hudyat sa malakas na tawanan ng mga ka-blockmate ko.

Nakakahiya at nakakapanliit.Sa mga oras na yun hiniling ko na sana lumubog na lang ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan.Tumingin ako sa katabi ko.Halatang nagpipigil syang tumawa.Kainis.Pati ba naman sya.Kung bakit ba kasi masyado kong dinibdib yung nabasa kong story kagabi sa wattpad tungkol sa isang nobody at naging instant sikat sa campus.

Nasa kasarapan pa sa pagtatawanan ang mga classmates ko ng biglang magbell.Lunch break.Wow!Ika nga save by the bell ang drama ko.Magdidiwang na sana ako ng marinig kong tinawag ako ng terror Prof. namin.

"Ms. Blanco I want you to make an essay about the recent election.And do ten pages.Should be ready by tomorrow.Did you get it?"sabi nito sa akin with authority.

"10 pages po Prof?"..gulat kong tanong.Ang dami nun at mukhang seryoso talaga sya sa pinapagawa nya sa akin.

"Are you complaining?"

"No Prof."..bigla kong sagot bago pa nya maisipang ibato sa akin ang heels nya.Lalong masakit yun.Kaya maraming takot sa Prof. na to at tinagurian syang terror.Kasi lahat ng maisipan nyang ibato sayo ay ibabato nya.Maswerte na nga ako dahil eraser lang ang binato nya sa akin.Mukhang may lagnat yata itong si Ms. Agustin kasi pigil ang galit nya sa akin.Oh baka naman sa wakas ay may nanliligaw na sa kanya.Sa isiping iyon ay lihim akong napangiti.

"Good!Now class dismissed."then she left.

"I'm doomed.Hate ko pa naman ang essay at 10 pages pa.Ano na gagawin ko now."..kausap ko sa aking sarili.

"Bessy tara na.Sigurado akong gutom lang yan."..nakangiti nyang aya sa akin.

Tumingin ako sa kanya.Alam kong kanina nya pa ako gustong pagtawanan kaso mukhang nagpipigil sya.Marahil ay naisip nyang baka magtampo ako.She's Cathleen Louisa Mendez.,the original campus sweetheart.And yes she is my bestfriend.

HIS SECOND CHOICEWhere stories live. Discover now