CHAPTER 2

319 4 0
                                    

"Hahahahahahaha.!Oh My God bessy,kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya today.!"..tuwang-tuwa sabi ni Louisa sa akin na obvious na nagpipigil lang pala talaga kanina sa loob ng classroom namin.

Kulang na lang ang himatayin sya sa sobrang saya.Nakahawak pa talaga ito sa tummy nya.Buti na lang pala at nakapwesto kami sa dulo ng cafeteria,kahit papano di kami pansinin.

"Nakakainis ka, akala ko pa naman kakampi kita.Iyon pala isa ka din sa kanila."..sabi ko na may halong tampo.Natauhan yata sya sa sinabi ko dahil tumigil sya sa pagtawa at akmang kukunin nito ang cheesecake na isusubo ko na sana kaso ay sya ang kumain.Hay beauty queen ba talaga tong bestfriend ko, bakit walang poise.Pero infairness, maganda pa rin sya..Kakainggit lang.

"Ui Sapp, sorry na wag ka na magtampo.Hindi ko lang talaga mapigilan.But it doesn't mean na katuwaan ka sa akin.Youre my bestfriend.Ikaw ang concern ko."..sincere na pang-aalo ni Louisa sa akin.Di ako nakaimik alam kong nagsasabi sya ng totoo.Sobrang napahiya talaga ako kanina.

"Babe until now inaasar mo pa rin ba si Sapphire about kanina.Tingnan mo di na maipinta ang mukha nya.Tapos inagawan mo pa sya sa fave cheesecake nya."..napatingin ako sa nagsalita si Gabriel iyon boyfriend ni Louisa.Nakatingin sya sa akin habang nakangiti.Ewan ko ba dahil sa simpleng sulyap at ngiti nya sa aking iyon ay nawala lahat ng kahihiyan na naramdaman ko kanina.

"Eh ang tagal mo kasi nagugutom na ako.Why you took so long?"..nakangusong sita nito kay Gabriel.

"As you can see babe, inantay ko pa tong beef broccoli na maluto.Di ba favorite mo ito.So stop pouting ok"..sagot nito kay Louisa sabay halik nito sa lips pagkatapos nitong subuan ng beef brocolli ang bestfriend ko.How sweet.Bago pa ako tuluyang mainggit sa pagsusubuan nila ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

"So delicious babe."

"Sabi ko sayo eh,the best magluto ang cook here."

"I agree babe,thanks for this.I love you."

"And I love you more babe."

And again they kissed.Infront of me.Parang sumakit yata ang dibdib ko sa aking nakita.Napatayo ako bigla.

"Tapos ka na bessy?"..sabi ni Louisa nung napansin nyang tumayo ako.

"A-h m-mauna na ako sa inyo.Dadaan pa akong powder room."..pag- excuse ko sa sarili ko."Magkita na lang tayo sa room natin."dugtong ko pa.

"Sige magpapahatid na lang ako kay Gabriel sa taas, right babe?"...sabi nito sa nobyo.

"Yeah.Ako na bahala dito sa babe ko Sapp."..tugon naman ni Gabriel na hinalikan pa sa noo si Louisa.

Di ko maiwasan mapatingin sa dalawang nasa harap ko.Base sa nakikita ko,you cant deny the fact na they really love each other.Sa mga tinginan at ngiti pa lang nila sa isat-isa para bang nasa iba silang mundo at nakakalimutan nilang may kasama sila.

I better go.Masakit na sobra.At alam kong mali itong nararamdaman ko.Maling-mali.

Hindi tamang inlove ako sa kanya.Yes inlove ako kay Gabriel Dion Zamora,na boyfriend ng bestfriend ko.

Gabriel, Louisa and I are classmates during our highschool days.At bestfriend ko na talaga si Louisa noon pa man.Samantalang transferee naman sa school namin si Gabriel nung 4th year kami.

Unang kita ko pa lamang sa kanya ay iba na ang naramdaman ko.I fell inlove instantly.Na- love at first sight ako sa kanya ika nga.Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil imbes na ako ay si Louisa ang nagustuhan nya.

Naging sila ng bestfriend ko, and until now sila pa rin.Going strong.Bagay naman talaga sila, parehong gwapo at maganda.At ako ang pangit ko.Not totally pangit pero kumpara naman kay Louisa ay taob ako.She's almost perfect at ako ay nobody.

Sa pagkakaalam ko gusto ng parent ni Gabriel na sa ibang bansa mag-aral ito ng college ngunit tumanggi sya.Mas pinili nya dito sa St. Joseph College kumuha ng Engineering course kung saan kami nag-aaral ni Louisa upang makasama ang huli.

At ngayon taon ay ang last year namin as college dahil by next two months ay graduate na kami.Plano kong mag-apply sa isang TV network after graduation, while my bestfriend Louisa plan to go abroad.Nais nyang i-pursue ang modelling career nya sa London.In case di ko pa nasasabi, isang part time model itong si Louisa.At greatest dream nya ang maging isang sikat na modelo abroad.

Hindi ko alam kung ano ang mga plano ni Gabriel pero malamang pareho sila ni Louisa na mataas ang pangarap.So they deserve each other.While me, mas tamang mag move on na lang ako at tanggapin na sila ang perfect couple at ako ay di na dapat sumawsaw pa kahit masakit.

HIS SECOND CHOICEWhere stories live. Discover now