CHAPTER 10

204 6 2
                                    

GABRIEL'S POV:

"You heard me right Hero,I'm not going to work today.Ikaw na muna bahala sa opisina."....pag-anunsyo ko sa secretary kong kausap ko sa telepeno.

"Eh sir paano po yung meeting nyo with Ms. Salazar regarding po dun sa project na nais nyang ibigay sa atin?"

"Just cancel it."....deretcho kong tugon dahil hindi naman malaking kawalan sa kumpanya ang proyektong offer nito sapagkat marami pa naman ibang kliyente.Saka naiinis ako sa babaeng iyon,lantaran kung landiin ako.

"Pero naka-oo na po tayo dun sir, saka sayang naman po kung hindi natin tatanggapin."

"Bakit pa marunong ka pa sa akin?Pwede bang gawin mo na lang kung ano ang inuutos ko!"....sigaw ko sa kausap.Pakiramdam ko kasi ay pinapakialam nya ang desisyon ko.Tsk.Hindi porket pinagbigyan ko sila sa party kagabi ay may karapatan na silang panghimasukan ako.Ayoko sa lahat ang pinapakialaman ako.

Istrikto ako pagdating sa trabaho.Motto ko ang professionalism at perfectionist ako.Alam na alam ito ng mga empleyado ko kaya aloof sila sa akin.Hindi naman sa masama akong boss,gusto ko lang ay gawin nila ng maayos ang trabaho nila.

"Update mo na lang ako sa mga nangyayari dyan.Is that clear?!".....sabay baba ko sa telepeno.Tamang-tama ang pag-absent ko ngayon dahil wala naman akong importanteng dapat asikasuhin sa kumpanya.

Pinagmasdan ko ang katabi kong si Sapp na mahimbing na natutulog sa kama.Hinaplos ko ang mukha nya.Sa totoo lang maganda naman si Sapphire.Hindi lang sya pala-ayos at simple lang manamit.Kabaliktaran ito ni Louisa.Kikay kasi ang huli.

Louisa.Napamura ako ng mahina ng maisip ko na naman sya.Hindi ko pa rin matanggap na mas pinili nya yung pangarap nya kesa sa akin.Malinaw pa sa alaala ko kung paano nya ko tinanggihan.Natanong ko tuloy sa sarili ko kung saan ako nagkulang.Akala ko sapat na lahat ng ginawa ko para piliin nya ako, hindi pa pala.

Mahal na mahal ko si Louisa.Sobrang sakit ng ginawa nya sa akin.Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit na iniwan nya na ako ay andito pa rin yung pagmamahal ko sa kanya.Sya pa rin ang laman ng puso ko.

Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko kay Sapphire dahil sobrang nakokonsensya ako.Sinira ko ang buhay nya.Napilitan syang pakasalan ako kahit na di nya ako mahal.Ang matinde ay bestfriend nya si Louisa.Ni wala akong mukhang maiharap sa kanya.Sinasadya kong umuwi ng late araw-araw para maiwasan sya.Pero mukhang napasobra naman ata ako.

Muli kong hinaplos ang maamo at inosenteng mukha ng asawa ko."Im sorry Sapp kung pinaiyak kita.Promise babawi ako."....kausap ko kay Sapp na mahimbing pa ring natutulog.Panahon na siguro para burahin sa isip at puso ko si Louisa.Kinalimutan nya na ako kaya dapat ay ganon din ang gawin ko.

"Let's give our marriage a chance sweetie.Hindi pa naman siguro huli ang lahat diba.?"...mahinang bulong ko kay Sapphire na natutulog pa din.Hinalikan ko sya sa noo at tuluyan ng bumangon at lumabas ng kwarto.







































SAPPHIRE'S POV:

"Good morning sweetie,breakfast in bed.".......sabi ng asawa ko na may dalang tray na puno ng pagkain.Nakangiti itong nakatingin sa akin.Inilapag nito saglit ang dalang pagkain sa maliit na mesang nasa gilid ng kama naming mag-asawa.

Lumapit sa akin si Gabriel at tinulungan akong bumangon.Nakahiga pa kasi ako.Ang sweet lang ng asawa ko.Dumako ang tingin ko sa pagkaing nasa tray. 'OMG!Lahat paborito ko!'Muntik ng tumulo ang laway ko sa chicken curry at cheesecake na nasa tray.

HIS SECOND CHOICEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin