39th Chapter

1.2K 60 10
                                    




Chapter 39

Red's POV

Yesterday was a fun day. I met Chandria's closest friends and they are fun to be with.
Hindi man naging date yung gala namin ni Chandria, it was still worth it because I know she's happy.

Since last full show yung pinanood naming movie at magsasara na din ang mall, we went in a 24/7 fast food to eat with her friends.

After we ate, I drove her home.

Today is just an ordinary day. Walang ganap.

Not until I received a text.

From: Anna

Are you free today? Let's meet @ *****. I have to something to tell you.

Bakit niya ako tinatanong? Anong sasabihin niya?

To: Anna

Okay, what time?

After a few minutes, she replied. We will meet at lunchtime so I still have an hour. Enough time for the traffic.


Pagka-park ko ng kotse, Pumasok na din agad ako sa loob. Hinanap ko siya at nakita kong nakaupo siya malapit sa bintana at may hawak na phone.

While walking towards her, I looked at my watch and figured, I'm just in time.

"Hey"

napaangaat siya ng tingin sa akin.

"Hi, I was about to call you" sabi niya.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" diretsong tanong ko.

She chuckled.

"Take a seat first. Kumain na muna tayo. Baka last na 'to" sabi niya at ngumiti.

Naguluhan ako pero bago pa ako makapagtanong ay tinawag na niya ang waiter.

"Waiter!"

She ordered for us. Pero sinabi kong ako na ang magbabayad. Nakakahiya naman kasi babae siya.

While waiting for the food I asked again.

"So bakit mo nga ako pinapunta dito? Ano bang sasabihin mo?"

Dati nung ni-reject niya ako, hindi ko kayang makipag-usap ng diretso sa kanya. Ni-isang salita hindi ko masabi. Pero ngayon okay na.

Siguro kasi alam kong okay na ako. Alam kong dumating na si Chandria sakin. Dahil alam kong siya'y para sakin.

Anna chuckled, "Pwede mamaya na? Kumain na muna tayo kasi gutom na ako eh hehe"

Nacu-curious na ako pero sinunod ko siya. We ate quietly. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa kanya. Pansin ko kasi na parang hindi siya okay. Parang may mali sa kanya. Ngumingiti siya pero yung mata niya malungkot.

Matapos kumain ay nagsimula na siyang magsalita.

"Pupunta akong States"

Gulat akong napatingin sa kanya.

"..for good"

What?!

"Why? Kailan ang alis mo?" tanong ko.

"To move on.."

"Move on?! Dahil ba kay Xander?!"


I see sadness in her eyes. She must be in pain right now.


"H-he cheated. I saw him with another girl. At first, I had negative thoughts but I don't want to conclude so I texted him. But he l-lied to me"


Tears started to fall from her eyes. I know she's in pain. I can sense it. I hold her cheeks and brush her tears aways.


Hindi muna ako nagsalita. Hinayaan ko munang maubos lahat ng luha. Ayokong mangialam sa kanila. Pero nakakainis dahil una pa lang, alam ko ng isang asshat si Xander pero nagparaya ako. Siguro dapat lang na umalis si Anna papuntang States. She needs to breathe. From the pain that Xander caused her.


"Kailan ang alis mo?"

"Next week, I'll be going with mommy"
Sagot niya at ngumiti ng mapait.


"Kaya kita pinapunta para personal na makapagpaalam sayo, Red. I thank you for the effort you showed me when you're courting me. At kahit nireject kita, naging civil naman tayo. Kahit gumawa ka ng paraan para mapunta ako sayo" she paused and smiled "ginamit mo pa si Blue" she chuckled.



Paano niya nalaman?


"Yes, I knew! Haha but your plan didn't work. Because you fell inlove with the girl you're looking for since you were a kid. You fell inlove with Chandria" she smiled.

"..and I'm so happy for the both of you. Huwag mo na siyang pakawalan pa" she added.

I smiled. The thought of having a family with Chandria suddenly popped into my mind. It was amazing.


"Mag-ingat ka sa States, Anna. I-enjoy mo ang buhay mo dun."


"Oo naman. At Ikaw din, mag-ingat kayo ni Chandria dito. Dapat kapag bumisita ako dito, kayo pa din." She smiled "Hindi na siguro ako makakapagpaalam kay Blue dahil baka magbreakdown na naman ako haha tsaka aasikasuhin ko pa yung iba kong papeles. Pasensya na. Tell her to call me, okay?" she said sincerely and then she gave me her contact number.


"Ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya, Jared. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Nginitian niya ako at ngumiti din naman ako sa kanya.

BLUE'S POV


Pagkapasok ko ng ***** Restaurant, naghanap ako ng upuan para sa amin nila Yen. Wala pa kasi sila at balak naming maglunch ng magkakasama tutal wala namang pasok ngayon.

Pagkaupo ko sa pu-pwestuhan namin. Luminga ako sa paligid at may nakita ako.

Si Jared at Anna.

Kaya pala hindi niya ako tinext. Okay na pala sila.


Pareho silang nakangiti at pareho silang mukhang masayang nag-uusap.



Bakit ganun, parang may kung ano sa puso ko na hindi ko maintindihan? Akala ko ba gusto ako ng taong mahal ko? Akala ko ba gusto ako ni Jared?

Hindi ko namalayan may luha na palang tumutulo galing sa mga mata ko. Tumayo na ako at tinext ko ang mga kaibigan ko habang papalabas ako ng restaurant.




To: Yen, Kiray, EJ, Alora, Julia

Sa iba nalang tayo kumain. Parang gusto ko ng ramen hehe tsaka puno na dito.

Lord, sorry po dahil magsisinungaling ako sa mga kaibigan ko. Hindi ko po kasi kayang kumain ng nakikita ko sina Red. Hindi ko kaya. Ayoko din naman pong i-cancel 'tong pagkain namin nila Yen dahil lang sa nararamdaman ko. Parang sumasakit po kasi yung puso ko sa nakita ko. Sumasakit yung puso ko na masaya si Red sa piling ng iba.

_____________________________________

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon