16th Chapter

1.5K 57 0
                                    

Chapter 16

BLUE'S POV


"..So class, who will be our representatives for the pageant?"

Halos lahat natahimik at tila ba nag-isip. May nagbulong-bulungan din at nagku-komento kung sino ba dapat. Pati ako napaisip kung sino.

Sino nga ba pwede?

Magkakaroon kasi ng Pageant ang buong campus. Bawat classroom may representative na isang lalaki at isang babae para sa Yearly Campus Pageant.

"Ma'am! Si Jared po sa lalaki!" Sigaw ng isang kaklase ko na babae. Karamihan naman sumang-ayon at tumango-tango.

Sabagay gwapo nga naman siya.

"Is it okay with you Mr. Padilla?" Paninigurado ni ma'am.

Lahat naman kami naghintay ng sagot dito sa katabi ko na bad mood pa din dahil sakin.

Paano, kahapon kasi nagkasabay nga kami ni Anna sa paglabas ng cr tapos eto namang si Jared sabi ang panget ko daw umarte. Baka daw isipin ni Anna ang arte ko daw masyado para sa kanya.

Putek na yan! Eh paano gagana yung plano kung hindi namin pagseselosin. Ginagawa ko lang naman yung role ko sa kanya. Siya na nga 'tong tinutulungan eh siya pa galit? Wow ha.

Ayan bahala siya diyang ma-badtrip. Hindi niya nga ako hinatid kanina sa pagpasok eh siya pa badtrip? Hays.

"Do I have a choice? Tss" Sagot niya. Tignan mo ang taray talaga. Kalalaking tao eh ang taray taray. Teacher kaya yun!

"Taray neto kainis" bulong ko pero narinig niya yata.

"What did you say?!" Baling niya sakin habang nakakunot ang kilay.

Uhmm medyo napalakas yata yung tanong niya

"Is there any problem Mr. padilla?" Tanong ni ma'am.

Napatingin ako kay ma'am dahil sa tanong niya pero nakita ko sa peripheral view ko na nagsmirk 'tong katabi ko.

"Nothing ma'am but Ms. Bernardo told me something" luh ano yon?

"What is it Ms. Bernardo?" Patay ano isasagot ko.

Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ng impakto.

"She told me that she will be the represntative for the girls, ma'am"

Hindi naman eh!!

"Ma-am I didn't-"

"Oo nga Blue ikaw nalang!"

"Sige na Blue! Ang ganda mo eh!"

Yung iba naman sumang-ayon din. Kahit sila Jill pati yung kabarkada ni Jared tumango-tango din. Pero ayoko kasi eh! Hindi ako mahilig dun! Kainis naman kasi 'tong si Jared.

"Okay so it's final. Ms. Bernardo and Mr. Padilla will represent our section"

Nakakainis! Wala akong nagawa. Bahala na nga.

*****

"Omg sissy! So when will be the start of your practice?" Tanong agad nito ni Jill pagkalabas namin ni Jared ng classroom.

Pinaiwan kasi kami ni Jared after classvpara dun sa mga schedule ng practice.

Putek. Naalala ko na naman 'yang lalaking yan. Kaninang recess at lunch hindi kami nagpapansinan eh. Hindi din siya nagsasalita. Pero nasa iisang table lang kami.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon