21st Chapter

1.8K 50 2
                                    

Chapter 21

BLUE'S POV

"Kain ka pa Chandria." anang ni Tita Cassy pagkatapos uminom ng tubig.

"Sige lang po hehehe" sabi ko at sinubo ang laman ng kutsara pagkatapos ay ngumuya.

"Eat more sissy. Enjoy the food" ani naman ni Jill na patuloy din sa pagkain.

Pilit kong inuubos ang laman ng Plato ko na ngayon ay kalahati pa lang ng sinandok ni Red ang nababawas.

Kanina kasi ay dapat lalagyan ko na nang sabihin niyang siya nalang at pagkatapos ay sinabihan din ako na ubusin ko daw ang ilalagay niya.

Habang ginagawa niya iyon ay sumulyap ako kay Tita Cassy at nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Tila pigil sa pagtili dahil sa kilig.

Muntik na akong mapairap dahil hindi mapagkakaila na tunay na magkaibigan sila ni mama. Parehong kilig na kilig samin ni Red kahit simpleng bagay lang ang ginagawa niya para sakin.

Kahit ako din naman ay kinikilig pero pilit na itinatago dahil hindi ko dapat maramdaman iyon.

Paniguradong wala lang naman iyon sa kanya dahil isa siyang playboy at ang mga ganoon galaw ay normal sa kanya.

At kahit siguro harap-harapan kong ipakita sa kanya na kilig na kilig ako sa mga ginagawa niya ay wala pa din 'yun sa kanya. Karamihan kasi sa mga babae na ganoon sa kanya ay hindi niya pinapansin at wala siyang pakialam.

Kaya kahit kinikilig ako, isinasarili ko nalang ang pagkahumaling at pagkagusto ko sa kanya.

At isa pa, kahit grabe ang ka-sweetan niya sa harap ng pamilya namin, peke pa din naman ang lahat. Pwera na ngalang sa pagkakaroon ko ng tiny crush sa kanya hihihi

Siguro mas mukha lang talagang totohanan ang lahat kasi sinabi niya na gusto niya ng mas maayos na turingan namin sa isa't isa.

Pero kahit sinabi niya yun maayos naman talaga ang turing ko sa kanya eh. Galing ko kayang umarte pero minsan yung iba, minsan hindi na Arte eh.

Siya lang naman ang masungit diyan una pa lang.

THIRD PERSON'S POV

Habang kumakain ng desserts ang lahat ay nagsimula nang magtanong ang Ina ni Red na katabi sa hapag ay si Jill. Nasa harap naman niya si Blue na ang katabi ay si Red. Ang ama ay nasa ibang bansa dahil may inaasikaso para sa kumpanya kaya wala Ito sa hapag.

"Chandria, kayo na ba talaga nitong baby boy ko?" bira ng Ina habang hinihiwa ang chocolate cake na kanyang ginawa para sa lahat.

"Duh! It's obvious Mame! Aren't yah happeh?" sabi ni Jill at bumungisngis pa.


"Of course I'm happy, baby girl" ganun pala talaga ang tawag ng ina sa kanila.

Napairap si Red dahil sa tinawag sa kanya ng ina pati na din sa kakambal at napangisi naman si Blue pero napawi din nang mapagtanto ang tanong.

Opo. Kaso lang peke. anang sa kanyang isip. ...pero okay na din yun hehe crush ko po siya. Dagdag pa niya sa kanyang isip.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon