13th Chapter

1.8K 54 18
                                    

Chapter 13

BLUE'S POV

Napabangon ako dahil sa isang malakas na sigaw.

Sigaw ng nanay ko

Luminga ako sa paligid at nasa kwarto ko ako. Wala si mama at siguro galing sa baba ang kanyang pagsigaw.

Wala ako sa tapat ng bahay at wal ang Daniel Jared Padilla sa harap ko.

Panaginip? Panaginip lang pala yun?!

Akala ko totoo na.

Pero ayun na eh! Yung gwapo niyang mukha nasa harap ko na! At mas unti unti pang lumalapit ang mukha niya sakin.

Sa tana ng buhay ko mararanasan ko nang mahalikan ng isang gwapong nilalang na nagmula sa maykapal at ipinadala dito sa lupa upang ipares sa magandang dilag na tulad ko dito sa
balat ng lupa ngunit... Ngunit.. AT NGUNIT..

Hindi natuloy dahil isa lamang pala itong panaginip.

Woooh! Nagiging makata na naman ako. Anuba!

"HOY!"

"AY GWAPO!- ANO BA KUYA CHRIS!!"

Linchak na 'to biglang pu
mapasok ng kwarto hindi manlang kumatok tapos manggugulat pa. Grabe siya oh!

"Chandy.. alam ko namang gwapo ako pero kanina pa kasi sumisigaw si mama sa baba" nagcross-arms siya at sumandal sa gilid ng pinto "may tao sa baba. Boyfriend mo daw. Inglisero at mukhang mayaman.."

Napataas naman ako ng kilay. Sino daw yun? Boyfr- Shit oo nga pala!

"A-ano daw p-pangalan?"

Napatayo naman siya ng diretso pero naka-cross arms pa din "Boyfriend mo hindi mo alam pangalan?! Ano ba yan Blue! Sabog ka ba?!"

"Sagutin mo nalang kaseeeee!"

"Yung..si ano.. Daniel" nagkamot siya ng kilay "..Daniel Jared Padilla ba yun?" Siya nga!

Linchak! Bakit siya nandito? May usapan ba?

"A-ahh..ano.. sige kuys bababa na kamo" tumayo na ako at nasimulang mag-ayos ng kama.

"hoy ipakilala mo ako pagkababa mo Chandria" sabi niya at lumabas na

"Opo"

Inayos ko na ang higaan ko at naalala ko na naman ang panaginip ko.

Napanagnipan ko na ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya Kay Anna at nagkaroon kami ng deal hanggang sa maayos yung pakikitungo niya pero nagka-away kami at hinarana pa niya ako na dapat maglalapit na ang mga labi namin kaso ayun ngaaa... Nagising na ako. Hay basta ang daming pangyayari! (sixth chap onwards)

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon