19th Chapter

1.5K 65 15
                                    

Chapter 19

"What's the problem?" Tanong niya.

Ha?

"Eh..kasi naiinis ako sayo" sabi ko habang nakayuko at napanguso pa ako. Ganon ako kapag naiinis, napapanguso. Hindi ko din alam.

Narinig ko siyang nag-chuckle kaya napa-angat ako ng tingin.

"Ang cute mo naman mainis" tawa pa niya.

Nainis tuloy ako kaya napangalumbaba ako. Ngayon inaasar naman niya ako..

"Why? Bakit ka naiinis?" Kinurot niya ang ilong ko.

Tumatawa pa din siya at kahit hindi ko siya tinitignan ramdam ko na pinipigilan niya.

Hinarap ko siya at tinitigan bago magsalita. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko. Ang babaw kasi.

"Kasi.." Baka asarin niya ako eh! Arghh!

"..kasi?" malambing na tono ang ginamit niya. Huhuhu gwapo pakinggan!

"Kasi..kanina IPhone lang yata yung nakikita mo. Parang hindi mo ko pinapansin. Nakakainis! Tapos.. kung hindi ka pa kakausapin ni mama hindi mo pa itatago 'yang iPhone mo. Nainis ako dun! Parang wala akong halaga—" napatigil ako dahil mali. Hindi ko dapat sinabi 'yon. Wala naman akong karapatan para magsabi ng ganon...

Naka-ngiti siya at halatang natutuwa sakin habang nagsasalita pero  napataas ang dalawang kilay niya nang tumigil ako.

"Sorry.." sabi ko. Kasi mali na umasta ako na parang may karapatan kahit wala naman talaga.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan ngunit ng tumingin ako sa kanya at ganun pa din ang reaksyon niya.


Ahhh! Bakit naka-ngiti ka pa diiiiiin?

"Bakit ka nagso-sorry?" sabi niya ng nakangiti.

Ang gwapo lang!

"A-ah eh kasi wala naman akong karapatan—"

"Sino nagsabi?" Sabi niya na. May mapaglarong mga ngiti sa kanyang mga labi at inakbayan niya naman ako kaya nagulat ako!

Shit! Inakbayan ako ni crushie! Kiligmuch.

Oo. Crush ko siya. Crush pa lang naman. Hindi pa malalim kaya makakabangon ako agad kapag bumalik na si Anna sa kanya hehehe.

"May karapatan ka.." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Naririnig niya ba sarili niya? Ako? May karapatan?

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon