38th Chapter

1.5K 61 11
                                    







Chapter 38

BLUE's POV


Pagkatapos naming kumain ni Red, bumili kami ng ticket para manood ng sine. Bumili din kami ng popcorn at drinks.


Isang romantic movie ang napili naming at sabi sakin ni Jill, maganda daw 'tong movie na ito dahil blockbuster daw ito. Hindi naman tumutol si Red sa papanoorin naming dahil sabi niya kanina ay kung ano ang gusto ko, 'yun daw ang papanoorin namin.


Pagkapasok sa sinehan ay marami nang tao. Last full show na at palagay ko ay blockbuster nga ang palabas na ito. Bandang gitna ang pwesto namin at umupo na din naman kami.


"You okay?" napalingon ako ng tanungin ako ni Red pagkaupo namin.


"uhm-uhm" tumango-tango ako habang nakangiti sa kanya.


Ngumiti din naman siya at humarap na din ako sa big screen. Hindi ko kayang makipagtitigan, baka 'di ko kayanin.


Nagkaaminan na kami pero hanggang ngayon ay may tanong pa din sa isipan ko na hindi ko magawang itanong sa kanya. Umuurong ang dila ko at natatakot ako sa maaari niyang isagot.


"Friend, ang gwapo nung nasa likod natin! Tignan mo dali. Yung pasimple lang ah.."

"Hala gagu oo nga! Shemay ang tangos ng nose beks!"

"Bes, taken na yata!"

"Gaga maghihiwalay din yan. Walang forever sis!"

"Pero ang wapo talaga bes ihhhhh!"

"Shh! Ang harot mo! Kaladkaren ka ba? Manahimik ka nga!"


Napairap nalang ako sa narinig ko. As usual, pinag-uusapan na naman ang katabi ko. Opo, yung katabi ko lang. Kaimibyerna 'tong mga to! Ang kukulit, sarap pitikin! Kung mag-usap parang wala kami dito. Sayang lang at hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil madilim.


Naramdaman ko ang braso ni Jared sa balikat ko kaya naman napatingin ako dito, pagkatapos ay sa mukha niya na ngayon ay nakatingin din pala sa 'kin.


Buti nalang at nagsimula na ang pelikula kaya napaharap na ako sa unahan.


*****


Kalagitnaan na ng palabas ng maramdaman 'kong nangingilid na ang luha ko. Hindi dahil nakakaiyak yung eksena nung mga bida, kundi dahil sobrang nakakakilig!!


Kinapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang panyo ko kaso hindi ko Makita, teka san ko ba nalagay yun?


Hahanapin ko na sana sa dala kong bag ng biglang may mag-angat ng mukha ko. Pinunasan ni Red luha ko gamit ang hinlalaki niya.


"Shh.. stop crying," Pagpapatahan niya. "Hindi pa naman nakakaiyak, umiiyak ka na?" at nag-chuckle siya.


"Hindi ka ba naiiyak? Nakakakilig kaya!"  Imbis na tumahan ako ay lalo akong naluha, hindi lang dahil sa kilig ng pelikula kundi pati na rin sa kilig kay Jared.


Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan niya ang mukha ko, "Oh, stop crying na.. sila tumitili sa kilig, ikaw umiiyak?" tumawa tawang sabi niya "You're unbelievable.." hindi nagtagal itinaas niya yung arm rest sa pagitan namin at niyakap ako.


Eh kasi sa sobrang kilig ko nung nagkiss yung bida, naiyak ako! Yung feels ko kasi!! Tapos niyakap pa ako ni Red! #DoubleKill


Feeling ko nga hindi na makaka-survive yung puso ko eh!


Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon