1st Chapter

4.3K 106 6
                                    

Chapter 1


Blue's POV


"When he open his arms and holds you close tonight

It just won't feel right

Cause I can love you More than this

When he lays you down I might just die inside

It just don't feel right

Cause I can love you more than thi-"


Naputol yung pagsa-soundtrip ko kasi may kumalabit sakin. Tinanggal ko yung earphones ko. Paglingon ko nakita ko si Ej. Yung friend 'kong beks.


"Yow bakit?" Tanong ko.


Bakasyon ngayon at pasukan na next week kaya sinusulit ko nalang. Andito ako ngayon sa tambayan namin sa loob ng subdivision namin. Hindi yung bonggang subdivision ah, yung sakto lang. Meron ding mga poorita dito eh.


Dito ang tambayan kasi namin. Ilalim lang siya ng punong malaki kaya malilim tapos tanaw mo ang magandang view. Nagsa-soundtrip lang ako ngayon dito at kasama ko ang aso ko. Si Chanelle. Isa siyang golden retriever.


"ATENG! ANONG PUMASOK SA ISIP MO AT HINDI KA NA DAW SA SCHOOL NATIN PAPASOK?!" hala siya! Naging wild na ang Lola niyo! Hahahaha


"Uy! Kumalma ka nga!"


"E kasi naman! Bakit ka nga lilipat?!" Sabat naman ni Yen. At dumami na sila na buong barkada ko nandito na at pinapalibutan ako.


"Mamimiss ka namin gurl!" Miles. Magkumare nanay namin.


"Hanapan mo kaming boylets dun ha!" Kiray. Katabi ko lang bahay niyan.


"Tsaka magkwento ka samin ah" Julia. Close ko sa lahat.


"Baka mamaya kalimutan mo kami" alora. Ang bait niyan.


"Hay! Grabe kayo. Hindi naman ako mag-aabroad!" Nagcross-arms ako "Tsaka hindi bar yung pupuntahan ko para maghanap ng boylet. Paaralan 'yon!" Tapos tumingin ako Kay kiray at nagpeace sign siya sakin.


"Alam niyo namang natanggap ako sa scholarship di ba? Sayang naman kung hindi ko magagamit" niyakap nila ako. Uhhh touch ako!


"Nabawasan tuloy ng isang megaphone sa school" Ej. Binatukan ko nga. Kainis e


"Pero infairness! Ganda ng school mo ah! Yes naman Lumelebelap" Kiray.


"Oo nga tsaka balita ko dun daw nag-aaral yung anak ng sikat na businessman, yung Padilla? Oo tama yung mga Padilla" alora. Hay nako! Itong babaeng 'to! Updated lagi e


"Ano naman kung dun nag-aaral yun?! Tsaka hindi boyfriend ang hanap ko dun noh! Mag-aaral ako dun tsaka broken hearted pa din ako eh." Oo broken ako at may hinihintay din ako. Ewan ko lang kung magkikita pa kami. Hihi landi ko.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon