36th Chapter

1.7K 80 6
                                    

warning: maikli... at nakakabitin hahaha! Enjoy :---)


Chapter 36


BLUE'S POV


"Teka, hindi sa inyo ang mall na 'to ah!"


Papasok kami sa isang mall at alam kong hindi nila ito pagmamay-ari. Sa pagkaka-alam ko, mga may kaya ang nagpupunta dito.


"Uh-uh.."



"Bakit hindi nalang sa mall niyo kung mall pala pupuntahan natin? Mas malapit pa" mahinang sabi ko. Pinagtitinginan kasi kami eh.



Oo nga pala.. ang gwapo ng kasama ko. Nakahawak pa sa kamay ko.



"Gusto ko kasi walang special treatment. Walang body guards na magdadala ng pinamili natin, walang store na ipasasara dahil lang bibili ako, walang saleslady at crew na nakapalibot satin, wala ding managers na maga-assist satin.." sabi niya at bahagyang pinisil ang kamay ko.



Totoo naman kasi, everytime na magm-mall kami, kahit simpleng bagay lang yung bibilhin, ganun yung nararanasan namin. Halos lahat kasi ng napupuntahan naming mall, sila may-ari. 'Yan tuloy vip tuloy ang turing sa amin.



"Gusto ko maranasan yung nararanasan ng normal couple kapag nagm-mall.. kaya dito kita dinala" nakangiting sabi niya.



Hindi ko din maiwasang mapangiti. Couple



"Do you want to eat first?" malambing tanong niya.



"uhm.. hindi pa naman ako gutom"


*grrrwl


Napahawak naman ako sa tiyan ko ng tumunog 'to at napasimangot. Ano ba kayo diyan? Ang loud niyo. Nakakahiya..



Nag-chuckle siya, "C'mon let's eat first" nakangiting sabi niya. Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at tsaka ako idinikit sa kanya bago maglakad.



May mas lalalim pa ba sa nararamdaman ko?



*****



Dinala ako ni Jared sa isang sikat na pizza restaurant chain para doon kumain. Hindi masyadong madami ang tao kaya nakahanap kami ng magandang pwesto. Umupo kami sa may katabing glass window na tanaw ang magandang view.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon