31st Chapter

1.7K 68 8
                                    


Chapter 31


 


"Maganda ka kasi." sabi niya


 


Tumitig siya sakin at pakiramdam ko ay tumigil yata sa pagproseso ang utak ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Namumula na din yata ang pisngi ko kaya inirapan ko nalang siya para itago ang pakiramdam na'to.


 

Yung mga pagbanat niyang 'yan, mukhang ikakamatay ko yata! huhu kung hindi niya iyan itigil baka malunod ako.. at hindi ako makaahon.. CHOS!


 

"Diba po shishter, coyor po yung red at Byu?" tanong ng isang batang babae habang nakunot ang noo. Ang cute niya! Naka-tirintas ng dalawa ang buhok niya at naka-yellow na dress siya. Bungal din siya!


 

Nagmukha siyang minion sa paningin ko dahil sa suot niya hehe


 

Nakita ko namang tumango si sister habang nakangiti. Humagikgik naman si Tita Cassy at kahit ako ay napahagikgik din.


Nilingon ko naman itong katabi ko at nakita kong nakatingin na naman sakin. Ayan na naman 'yang tingin na 'yan.. yung tipong parang may gustong ipahiwatig.


 

Nabalik naman ako sa realidad nang magsalita si Sister, "Pasensiya na kayo, bulol pa kasi siya sa letter l" nakangiting sabi niya.


Napansin ko nga iyon pero ang cute cute pa din!


"Ah sister, ano pong pangalan niya?" tanong ko.


 

Nilingon ulit ni sister yung batang cute at tsaka ngumiti at humarap samin, "Siya si Sunny." aniya.


Wow! Sunny pala ang pangalan niya!


 

"Ang cute! Her name suits her personality!" masayang sabi ni Tita. Oo nga, ang masiyahin kasi ni Sunny eh.


 

"Children, mamimigay na sila ng mga regalo para sa inyo ah, pumila na kayo ng maayos" mabait na sabi ni Sister sa mga bata. Sabay sabay na sumagot naman ng 'opo' ang mga bata. Sinenyasan niya din ang ibang mga madre at ngumiti at tumango naman sila bilang sagot.


Iba pa ang mga regalo na binibigay namin sa mga bata. Ang mga regalong ito ay personal na galing sa pamilya nila Tita Cassy.  Grabe lang dahil ang yaman nila masyado! Yung napanalunan namin ni Red ay ipangdadagdag sa pagpapaayos ng library nila.


 

Habang namimigay ay nagt-thank you ang mga bata at lahat nakangiti. Patuloy lamang kami sa pamimigay kasama ang ibang mga madre. Kumukuha din ng litrato si Tita Cassy paminsan-minsan at namimigay din.


 

Si Red naman ay kumukuha din ng litrato pero katabi ko siya. Kapag nagt-thank you ang mga bata binabanggit nila ang mga pangalan namin tapos hahagikgik sila. Ang weird..


 

Pero sumasagot nalang ako ng 'welcome' pero itong katabi ko, wala, deadma. Ubod ng sungit ang lalaking 'to. Nababahala na nga ako, baka mapansin ng ibang madre. Nakakahiya naman.


 

Nagpaalam naman ako kanila sister na kukunin lang namin ni Red yung iba pang regalo sa loob dahil paubos na yung unang batch.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon