15th Chapter

1.7K 49 1
                                    


Chapter 15

Buong klase ay tumingin at pinagmasdan ang magandang dalaga na may maputi at makinis na kutis na binagayan naman ng kanyang itim na itim na mahabang buhok.


 

May katamtamang pangangatawan at katamtamang tangkad ang isang 'to.


 

"Hi.." paunang salita nito at nilibot and tingin sa buong klase. Natigilan ito sa magkatabing si Red at Blue ngunit nagpatuloy pa din.


 

"..I'm Deanna Enriquez, 17. Anna for short"


 

At ngumiti ito ng matamis bago pina-upo ng guro sa bakanteng upuan na katabi ng isang kaklase nila na lalaki.


 

Blue's POV


 

Woah! So kaklase pala namin si Anna.


 

Juskolord! Mukhang maiipit ako sa sitwasyon. Syempre dahil mas malapit si Anna samin, mas kailangan maging effective ang aming workshop skills sa pag-arte.


 

Mukhang kailangan na ang mala-starmagic skills ko ah! Mapapasabak yata ako dito.


 

Habang nagsasalita yung teacher namin, pasimple akong tumingin Kay Red.


 

Nakatingin siya Kay Anna at malaki ang pagkakangisi niya. Samantalang si Anna nakatingin sa harap at nakikinig.


 

Hays. Mahal na mahal nga siguro ni Red si Anna. Grabe yung ngisi eh.


 

Kawawa naman siya kung hindi ko siya matutulungan na mapabalik si Anna sa kanya. Baka maging antipatiko lang siya hanggang sa tumanda.


 

Sayang naman ang kagwapuhan!


 

Ang ganda nga naman kasi ni Anna eh. Ang puti. Napatingin tuloy ako sa braso ko. Morena kasi ako eh. Walang wala ako sa kanya.


 

Pero maganda pa din ako. HAHAHAHA


 

Pero walang wala yung ganda ko sa ganda ni Anna. Nakakababa ng self-esteem.


 

Hays. Sige na nga gagalingan ko pag-arte... para kay Red. Pasalamat siya gwapo siya kung hindi... Tss. Nevermind.


 

Mamaya ko nalang kakausapin si Red tungkol dito. Baka kapag ngayon kami mag-usap mabeastmode si Ma'am. Mahirap na...


 

*****


 

Lunch na.


At kasama ko sila kambal at ang tropa ni Jared. Sabay sabay kaming kumakain dito sa table na exclusive para lang sa kanila.


 

Anak ng may-ari ng eskwelan eh. Hays!


 

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon