20th Chapter

1.8K 60 7
                                    

Chapter 20

BLUE'S POV

"Okay. Hold your partner's hand then sabay kayong maglakad papunta dito sa x"

Tinuro nung isang instructor yung x sa may gitna ng stage.

"Then boys, iikot niyo ang partners niyo tapos sabay kayong pupunta sa last positions niyo." Pag-iinstruct samin ng stage manager.

So ganun nga ang ginawa namin. Sinunod namin ang mga instructions hanggang sa matapos kami.

Binigyan naman kami ng thirty minutes for break. Bumaba kami ni Jared at pumunta sa canteen.

Sakto naman at break din nila Jill kaya sabay-sabay kami ngayong kakain.

"I'll buy your food" sabi ni Jared na ikinagulat ng lahat.

Grabe. Seryoso talaga siya sa sinabi niya..

"Wow! Boyfriend duties. Shet kilig ako!! Lucas ako din bili mo'ko para goals din-ARAY NAMAN!!" Binatukan kasi ni Jigs si Kavs at nginuso si Jared na matalim ang tingin.

"Wag mo kasi asarin bregs! Magagalit si boss" komento ni Lucas.

"Eh bakit kailangan may batok?! Kainis 'tong mga 'to!" Galit na sabi ni Kavs.

"Hehehehe sorry babe" at nag-peace sign pa si Jigs kay Kavs. Nagbiruan pa sila na parang magki-kiss.

"Gross!! Argh!" at umirap si Jill.

Si Seddin naman halos pulang-pula na kakapigil ng tawa dahil sa reaksyon ni Jill . Hihihi ang cute nila..

Tinanong lang naman ako ni crushie kung ano ang kakainin ko nagkagulo na!

Hahahahaha sabagay kinikig din ako. Hihihi

Humarap na ulit sakin si Jared at hinintay ang sagot ko. Sinabi ko naman na ako nalang para makapili din ako kaya in the end dalawa wala din siyang nagawa.

Ang totoo kasi niyan, ayoko lang na mauwi na siya na naman ang bibili dahil for sure libre na naman ang pagkain ko kapag ganon. Siya kasi ang magbabayad kag nagkataon at kahit bayaran ko siya at hindi niya tatanggapin.

Kahit naman fake boyfriend ko siya nakakahiya naman yun noh! Tsaka 'di niya naman ako ganon ka-responsibilidad na parang tunay na girlfriend niya noh!

****

Nakakain na kami at magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Red pabalik para sa practice. Sila Jill nakabalik na din sa classroom namin.

"Ooopsie! Sorry sorry!"

Nagulat ako ng hawakan ako bigla ni Red sa bewang at hinila na parang niyayakap patalikod dahil naramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko.

"Hey! Watch it!" Suway ni Red.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon