29th Chapter

1.7K 64 9
                                    

Chapter 29


BLUE's POV

Nandito kami sa isang restaurant at kumakain na kami ng lunch. Sa isang mahabang table lang kaming lahat. Sabi kasi ni Tita Cassy, dapat magcelebrate kasi nanalo kami sa pageant.


"Mygod, Min! Until now I can't believe it!" tili ni Tita Cassy. Bago simipsip sa iced tea niya. Jusko, pang-ilang beses na sinasabi ni Tita 'yan.

Sinaway naman siya ni Red na nakaupo sa tabi ko, "Mom.." at sinenyasan niya si Tita na marami nang nakatingin dahil sa pagtili ni tita.

Natawa naman kami dahil nag-peace sign si Tita sa mga tumitingin at bumungisngis. Nakakatuwa. Ang cute niya hehe. Hindi mukhang mommy nila Red. Nae-excite tuloy ako para sa baby nila.

"Kaya nga eh," nakangiting sagot ni mama "Kahit ako, nagulat ako nung pumunta si Baby boy sa bahay at sinabing boyfriend siya ni Chandria." dagdag ni mama.

Tumingin naman sakin si mama "Eh hindi naman nagk-kwenyo sakin 'yang batang 'yan. Nagulat ako pero natuwa din naman." inirapan ako ni mama pero nakangisi.


"Me too! Atleast I know na sa good girl napunta si baby boy ko hihi kiligmuch!" irit ulit ni Tita Cassy. Wow, good girl daw ako hehe


Feeling ko namumula na ang mukha ko dahil sa sinabi ni Tita. Hindi ako makatingin sa kanila kaya pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagkain ko kahit konting subo nalang naman.


Nagp-plano din sila Tita na pumunta daw kaming lahat sa Korea para sa bakasyon.


"Ma! It's just august." umirap pa si Red.


"Yeah Mame! Pero it's okay para makapag prepare me hihi" sabi ni Jill.


 

"Kaya nga mare" komento ni  mama.


 

"Duh! Libre ko naman, mare. Tsaka para bonding na din ano ka ba!" sabi ni Tita.


 

Kaya wala na din kaming nagawa at sumang-ayon na din si mama. Pinagbigyan na nila si Tita dahil buntis at hindi na nakipagtalo pa.


 

Sana lang on-going pa din ang fake relationship namin ni Red sa panahong yun para naman 'di awkward hehe

Nang matapos ako kumain sumipsip ako sa iced tea at luminga linga sa mga kapatid ko. Nakita kong hindi pa din sila tapos kumain. Si mama naman ay kadaldalan parin si Tita Cassy. Si Jill naman na katabi ko ay nags-snapchat.


Nagulat naman ako nang hawakan ni Red ang kanang kamay ko na nasa ilalim ng mesa kaya napatingin naman ako sa kanya pero nag-iwas din ako agad ng tingin. Naalala ko na naman yung kiss. Ano ba 'yan!


 

"Are you done?" malambing na tanong niya at base sa peripheral view ko ay nakatingin siya sakin.


 

"Hmm-hmm" sagot ko nang hindi pa din nakatingin. Naiilang din ako sa kamay naming magkahawak. Gusto kong tanggalin dahil naiilang ako kaso para akong naestatwa eh.


 

"You want some dessert? Ice cream?" tanong niya at hinarap niya nag mukha ko sa kanya gamit ang dalawang daliri niya sa kabilang kamay niya. Ngayong magkaharap na kami ay nagtama na ang mata naming dalawa.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon