26th Chapter

1.6K 76 5
                                    

Chapter 26

Pageant day.

BLUE'S POV

"Gurl, nanjan na si Gem at Des. Sila daw bahala sa hair and make up mo" bungad sakin ng isang classmate ko na si Nikole.

Kakadating ko pa lang sa school at papunta pa lang ako sa backstage. Dala ko na din lahat ng kailangan ko.

Si Red?

Hindi ko pa nakikita, pero ka-text ko siya kanina. On the way na daw siya.

Walang pasok ngayon pero kailangan lahat manood. Kaya grabe, nakakaloka. KASI KINAKABAHAN NA AKO OH MY GODS!

PAANO KUNG MADAPA AKO O KUNG MAGKAMALI AKO SA SAYAW HUHU BAKA PAGTAWANAN NILA AKO!! LOOOOORD. GUIDE ME.

Mamaya pa naman yung start ng pageant, mga dalawang oras pa. Pero kasi kailangan pa ng attendance tapos aayusan pa.

Pagdating ko sa backstage, ang dami na ding tao. Pumunta na ako sa assigned na area ng section namin ni Jared at ni-ready na nila yung mga isusuot ko.

"Ms. Bernardo?" Tawag sakin.

Lumingon ako at nakita ko ang isa sa mga staffs. Si ate Andrea pala. Kapitbahay kasi namin yan kaya kilala ko.

May chineckan siya at may pinapirmahan siya sakin. Para sa attendance.

"Si Mr. Padilla po? Yung partner niyo?" tanong niya.

"Uhmm.. On the way na daw po siya" sabi ko at nginitian siya.

"Ah okay po, babalik nalang po ako dito para sa attendance niya" nginitian niya ako bago umalis umalis.

"Blue, I'll do your make up na" sabi sakin ni Gem.

"I'll fix your na din" sabi naman ni Des.

Ni-make up-an ako ni Gem habang inaayos ni Des yung buhok ko. Pinapanood ko naman yung video ng sayaw namin ni Red sa phone ko para hindi ko makalimutan mamaya. Baka kasi magkamali ako, matalo pa kami.

"Done na" masiglang sabi ni Gem kaya napatingin ako sa salamin.

Wow. Nag-iba yung hitsura ko. Parang hindi ako si Blue.

Hahahahahaha chosera!

"Wait, your hair, it's not yet done" sabi naman ni Des habang inaayos pa din.

Ang dami niya kasing ginawa sa buhok ko, pero nakataas siya, para kapag unang labas pretty daw ako kapag nakita ng audience.

Sana nga pretty ako sa harap nila. Hays.

Happy thoughts, Chandy. Happy thoughts.

*bzzt bzzt*

-
Fr: Red <3

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon